01. Khalil > The good gay :)

29.4K 637 58
                                    

"Hala? Naubusan na pala tayo ng tanim na malunggay at talong sa bakuran" bulalas ni Nanay na nasa may kusina ng aming kubo kaya lahat ng atensyon namin ay napunta sa kanya.

"Sabi ko naman sayo day,dahan dahanin lang dahil hindi palaging may pananim tayo" sagot naman ni Tatay na inaayos ang gasera,ang ilaw namin tuwing gabi.

"Masyado akong nawili dong,pero sige,may pera pa naman tayo ditong natira,utusan mo sa Khalil mangompra sa bayan" ani Nanay na dumukot sa pagkalalim lalim na bulsa ng duster nya,naiiling na natatawa na lamang si Tatay,ako naman napangisi. Yung dalawa kong kapatid na 5 years old at 7 years old ay napahagikgik,para kasing kayamanan ang dudukutin ni Nanay sa bulsa nya.

"Nay,ilang ginto ba ang nasa bulsa mo? Parang kayamanan ang hinahalukay mo dyan eh" pabiro kong sabi at lumapit na sa kanya.

"He! Magtigil ka! O eto isang daan,talong,malunggay at apat na kilong bigas lang imong paliton" ani Nanay,kinuha ko ang pera at pumasok sa kwarto namin para magpalit ng damit. Ng makapag palit ay lumabas na ako.

"Kuya! Kendi ah?" ani ng 5 years old kong kapatid,si Caloy.

"Ako kuya super crunch! Kahit five lang!" segunda ni Buboy yung 7 years old.

"Magtigil nga kayo! Baka wala ng pamasahe kuya nyo" suway dito ni Nanay.

"Ikaw talaga day" ani Tatay "Oh eto singkwenta Khalil,pamasahe,mag ingat ah? Kaba'o ka naman daghang badlungon sa bayan,mga nagtitrip sa mga bayot,kaya mag ingat ha?" ani Tatay,lumapit ako at kinuha yung pera.

"Opo! Sige po,aalis na ako!" masaya kong pagpapaalam at lumabas na ng kubo. Nagsimula na akong maglakad,malayo kasi dito yung pinaka sakayan,kailangan pang maglakad ng halos dalawang kilometro,mabuti na lamang at alas dos pa lamang ng tanghali,ang problema nga lamang ay mainit.

Halos kalahating oras din ako sa paglalakad ng makita ko ang kumpare ni Tatay,si Ka Simeon,mamamasada siguro sa trycicle nya.

"Dong,asa man ka paduong?" tanong nito ng tumigil sa harapan ko.

"Diha lang po sa bayan,mangompra" sagot ko.

"Papunta din ako doon,sakay ka na" natuwa naman ako dahil mas mapapadali na ang byahe ko,kaya agad agad na akong sumakay.

Dito kami sa probinsya ng Cebu nakatira,sa Calamboa,liblib at hindi pa abot ng kuryente ang amin maliban sa ibang bahay. Kilala ako dito dahil lagi ako tumutulong kay Tatay sa pagsaka at kung anu-ano pa,high school lang ang natapos ko,sobrang hirap kasi ng buhay,pero may pangarap ako,kaya nga hanggat pwedeng may pagkakitaan ay ginagawa ko,magtinda ng gulay kadalasan.

Bente anyos na ako,kayumanggi ang kulay dahil laging bilad sa araw,ako yung baklang walang alam sa kahit anong pampaganda o kahit anong pamporma,simple lang,sobrang simple,pero kahit na malamya ako,tanggap ako ng mga magulang ko at ng lahat ng nakakakilala sa akin,ang sabi pa ni Tatay,dibale ng bayot,basta marangal at nakakatulong.

Ng makarating sa bayan ay agad akong bumaba para magbayad,ngunit hindi tinanggap ni Ka Simeon,nagpasalamat na ako at tumuloy sa palengke.

Mabilis kong nabili ang mga dapat bilhin,yung iba nga dito kilala na ako dahil yung mga anak nila,mga naging kaklase ko nung elementarya at high school.

"Oh Khalil,dinagdagan ko na yang bigas mo ng dalawang kilo,para lang yan sa magaganda at mabaet na gaya mo" nakangiting sabi ni Nang Alicia,ang may ari ng bigasan.

"Naku Nang Alicia! Daghang salamat! Matutuwa sina Nanay at Tatay nito" masaya kong sabi at iniabot ang bayad ngunit hindi ito tinanggap.

"Libre na yan,masyado lang akong natutuwa sayo,sana lahat ng kaedad mo eh ganyan,at sana yung ibang gaya mo eh ganyan din sayo" nakangiting sabi nito,halos pumutok naman ang puso ko sa papuri nya,hanggang madako ang tingin ko sa TV sa loob ng tindahan nya.

Drama ang palabas at ang eksena ay iyakan ng bidang lalaki siguro at bidang babae,napako ang tingin ko dun sa lalaki,napaka gwapo! Sa wari ko ay ka edad ko lamang sya,natulala na ako sa TV.

"Crush mo?"

"Ho?"

"Naku! Dapat kasi mag boyfriend ka na,yung gaya ng bidang yan,mayaman at mabaet"

"Ay naku! Hindi po Nang Alicia,sa mismong TV ako nakatingin! Ang ganda kasi! Alam nyo naman po,wala kaming TV at kuryente"

"Magde-deny ka pa! Flexter Tuazon ang pangalan ng artistang yan,baguhan lang,bente uno ang edad pero magaling ng umarte,singer din sya"

Wow naman! Mukhang tama si Nang Alicia,crush ko na sya,at Flexter Tuazon pala pangalan nya.

"Ganon ho ba? Uhm mauna na po ako,maraming maraming salamat po ulit" pagpapaalam ko na,baka kasi abutin pa ako ng dilim,mahirap na.

"O sige,basta ituloy mo lang ang pagiging masipag at madiskarte,hindi lang TV mabibili mo Khalil,mag ingat sa byahe! Ikamusta mo ako sa Tatay at Nanay mo!"

Habang nasa byahe pauwi ay hindi na maalis sa isip ko si Flexter Tuazon,napakagwapong artista,maamo ang mukha,talentado,at sabi pa ni Nang Alicia eh mabaet daw. Mukhang tinamaan ako ah? Ngayon lang napukaw ng isang lalaki ang aking sistema,panong hindi,panay tanim at mga puno ang nakapaligid sa akin.

Puno itong jeep na nasakyan ko,lagi naman ganito basta malayong lugar,meron pa sa bubong,hindi kasi bumabyahe ang mga jeep dito ng hindi puno,ito ang mga bagay na nakasanayan ko na. Simpleng buhay na parte na ng pagkatao ko.

Ng makarating sa bahay ay nagtatatalon na sinalubong ako nina Caloy at Buboy,nilabas ko naman sa bayong yung mga pinabili nila,tuwang tuwa yung dalawa kaya natawa ako. Pagkatapos nun ay pumasok na kaming tatlo sa kubo,binigay ko na kay Nanay yung sukli,pati yung sukli din ni Tatay.

"Oh? Halos diyes lang nabawas sa pera ah?" takang tanong ni tatay.

"At itong sukli ko din? Bakit malaki pa?" segunda ni Nanay, inilabas ko sa bayong ang lahat ng binili ko at ipinatong sa maliit naming lamesa.

"Kasi po,Nay,Tay,nilibre ako ni Ka Simeon papuntang bayan,at si Nang Alicia naman ginawang anim na kilo ang bigas at hindi na pinabayaran,kinakamusta nga po kayo eh"

"Talaga? Salamat naman kung ganon,nakatipid tayo" masayang sabi ni Nanay.

"Ang lakas talaga ng hatak sa tao ng dalaga natin!" masayang sabi ni Tatay at ginulo pa ang buhok ko,nagtawanan na lamang kami.

Naghahanda na para sa hapunan sina Nanay at Tatay,ako naman at ang dalawang kapatid ko ay nasa tapat ng kubo,nakaupo ako sa bangko at pinapanood silang dalawa maglaro ng sumagi na naman sa isip ko si Flexter Tuazon.

Haaay! Kailan ko kaya sya makikita? Sana pala naghanap ako ng litrato nya sa bayan kanina,yung tig singko lang,para lagi kong natitigan ang gwapo at maamo nyang mukha.

"Kuya anong iniisip mo?" biglang tanong ni Buboy na ikinagulat ko.

"Baka iniisip nya yung ulam natin!" sabi naman ni Caloy.

"Mga baliw,tao ang iniisip ko" nakangiti kong sabi sa kanila.

"Sino kuya?" ang sabay nilang tanong.

"Si Flexter Tuazon,yung bagong artista,nakita ko kanina sa TV,ang gwapo nya" sabi ko naman.

"Mas gwapo kay Tatay?" inosenteng tanong ni Buboy.

"Gwapo kaya si Tatay! Pati ikaw kuya Buboy,pati ako!" masayang sabi ni Caloy kaya natawa ako. Ang mga kapatid ko talaga,hindi nila alam kung gaano nila ako napapasaya.

"Syempre! Mas gwapo si Tatay,pero gwapo din si Flexter" sabi ko pa.

"Hindi naman namin yon kilala" nakalabing sabi ni Buboy,ang cute lang!

"Pakilala mo sa amin kuya! Para makita namin!" ani Caloy na pumapalakpak pa.

"Ha? Eh artista nga diba? Kaya imposible yon,kayo talaga,hala tara sa loob baka handa na ang hapunan" at pumasok na kami sa kubo,sakto magdidilim na din.

At ng tuluyan ng magdilim,ang gasera ang aming ilaw sa loob,sa labas naman ay ang buwan na napaka liwanag at ang mga aniniput (alitaptap) na naglalaro sa mga halaman.

Masaya naming pinagsaluhan ang aming masarap na hapunan,at ng dumating ang oras ng pagtulog ay ang mukha at pangalan ni Flexter Tuazon ang aking nasa isipan hanggang sa ako ay nakatulog na.

- Unang chapter? What can you say? :)

Pangarap Ko'y Ikaw (boyxboy) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now