18. Plaza Independencia!

16.3K 398 31
                                    

Kinabukasan,niyaya ko sina Cross,Crayon at Flexter na mamasyal kasama ang mga kapatid kong sina Caloy at Buboy. Wala ako masyadong alam dito sa Cebu city mismo maliban sa Colon. Bahala na,hindi naman siguro kami maliligaw. Nahirapan kami kay Flexter,inis na inis na sina Cross at Crayon dahil natatagalan kami,kaya pinag disguise ko na lang sya. Una naming pinuntahan ang Metro Gaisano Mall,namili kami ng mga kailangan sa bahay,

"Kuya! Kuya! Gusto namin ni Caloy ng mga laruan!" pagkalabit sa akin ni Buboy.

"Tara mga bata,bili tayo." si Crayon ang sumagot,agad silang pumasok dun sa bilihan ng mga laruan. Kami naman ay naka sunod lamang. Syempre salitan ko kinakausap sina Flexter at Cross baka mapanisan ng laway ang dalawa.

"Marami din pala magagandang lugar dito,at maganda din ang mall." ani Flexter saka ako tiningnan at kinindatan.

"Yup,meron din daw ditong pwedeng pag inuman at may live band daw,sa fuente osmenya." sagot ko naman.

"Pwede kaya tayong pumunta dun pagkatapos natin mamasyal at mamili? Iuwi muna natin ang mga bata." pagsingit ni Cross.

"Pwede siguro." nakangiti kong sagot.

Medyo na-bagabag na ako ng may mga nagtitinginan na sa amin,lalo na kay Flexter na kahit naka shades na at cap ay makikilala pa din ng taong mahilig talagang manood ng tv. Kaya ng matapos mamili ng laruan sina Crayon ay nag take out na kami ng pagkain sa Jollibee at saka umuwi.

"Sa susunod dyan ko gusto pumunta." turo ni Buboy sa park na nadaanan namin habang lulan ng jeep pauwi,nakakandong sya kay Crayon.

"Ano ba yan kuya?" tanong naman ni Caloy na naka kandong kay Cross. Tiningnan ko yung park,namangha ako sa ganda at sobrang lawak nito.

"Yan ang plaza independencia,hindi nyo ba alam?" sabi ng isang matandang babae,halos sabay sabay kaming umiling.

"Taga manila po kasi itong tatlong kasama ko at taga bukid naman kami nitong mga kapatid ko kaya hindi kami pamilyar sa mga lugar dito." ang nakangiti kong sagot dito.

"Mao ba? Kaya pala. Maganda nga dyan at masarap mag picnic." sabi ng matanda.

Nang makauwi sa bahay ay nandun na sina Nanay at Tatay,mabuti at hindi pa sila nakakapag luto ng hapunan kaya inihanda na namin sa hapag yung tineyk-out namin kanina. Masaya naming pinag saluhan ang masarap na hapunan.

Pagkatapos ay nagpasya kaming manød ng tv ng magkakasama sa sala.

"Breaking news. Maraming mga appointments at mga commitments di umano si Flexter Tuazon na hindi sinipot. Kaya nagpasya ang mga naperwisyo daw nya,na pag hindi pa sya lumabas sa loob ng isang linggo ay kakasuhan na sya ng mga ito,narito po ang panayam namin sa kanyang rumored girlfriend."

Napanganga ako,sunod na lumabas sa screen ay ang pagmumukha ni Janna.

"Yes,its true,nawawala nga si Flexter at hindi nya sinipot lahat ng dapat,dahil sa iisang tao. Kung natatandaan nyo si Khalil Pantoja,yung baklang PA nyang basurero,magaling syang mag brain wash kaya naman napapayag nyang sumama sa kanya si Flexter para magpakalayo. Una pa lang sinabi ko na sa lahat,sisirain ng baklang patay gutom na yon si Flexter. Look whats happening now? Maaaring makulong sya dahil sa hindi pag sunod sa mga kontrata." mahabang sabi ni Janna. Nakita ko kung paano umiling sina Nanay at Tatay.

"May idea ka ba Janna kung nasaan sya?" tanong nung nag iinterview.

"Ofcourse meron. Magugulat na lang sila. And Im assuring all of you na babalik sya." nakangising sabi ni Janna. Pinatay ni Tatay ang Tv,tahimik silang tumayo ni Nanay patungo sa kwarto namin kasama ang mga kapatid ko. Alam kong masama ang loob nila,ayaw nilang napapahiya o nilalait ako.

Pangarap Ko'y Ikaw (boyxboy) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now