25. Two become One!

13K 346 18
                                    

WARNING - SPG

Nagising ako sa mahihinang tapik sa akin. Pagmulat ng mga mata ko ay si Emi agad ang nabungaran ko. Nangungulap pa ako kaya hindi agad ako nakapag isip.

"Nananaginip ka pa ba Khalil? Nandito ka sa bahay ko remember?" nakangiting sabi ni Emi. Bumangon na ako at umupo sya sa kama.

"Oo nga pala,nakatulog na ako kagabe. Salamat ah? Sige,mag aayos lang ako at uuwi na." ani ko at akmang tatayo na pero pinigilan ako ni Emi.

"No! Youre not going home. Magba-bonding pa tayo,saka yung pinag usapan kagabi. Its a secret between you and me. Now,maligo ka na at may damit ako dyan na para sayo talaga." ani Emi at itinutulak na ako papunta sa banyo ng kwarto nya.

"Salamat. Pero san tayo pupunta? Baka hanapin nila ako,si Cross." ang sabi ko pa na nagtataka.

"Ako na bahala sa mga yon. Sa mall tayo pupunta Khalil. Maganda ka na pero kailangan mo ng make over para mas mabaliw sila sayo,lalo na ngayon at mag a-artista ka na. Kaya c'mon,ligo na!" nakangising sabi ni Emi at tinulak na ako sa loob ng banyo at sya pa ang nagsara ng pinto.

Habang naliligo ay hindi ko mapigilang mapaisip. Nasabi na kaya ni Crayon? Ano kaya reaction nila? Ano kayang reaction ni Cross? Tutuloy pa ba ako sa pag aartista? Ano nga ba ang dahilan ko at napunta ako sa ganitong punto?

Pagdating namin sa Mall ay hinila agad ako ni Emi papasok sa isang sobrang sikat na salon.

"Gusto kong mas gumanda sya,pero hindi yung bading na bading ah? At yung buhok nya gupitan at i-straight." ani Emi at agad na akong pinaupo.

"Kailangan pa ba to?" ang hindi ko mapigilang tanong habang tinitingnan ko ang aking repleksyon sa salamin. Medyo nakakahiya dahil ang ganda ng salon at sobrang sikat.

"Kailangan yan!" ani Emi. "Mama,ikaw na bahala dyan,future star yan,alam kong kilala nyo sya kaya umayos kayo." dagdag ni Emi ng bumaling sa stylist.

"Oo naman. Gagawin namin ang lahat para sa ex ni papa Flexter." nakangising sabi nung stylist at kumindat pa. Napalunok ako bigla,hanggang ngayon pala hindi pa din namamatay ang issue na yon.

"Okay ganyan dapat. Sige magpa manicure muna ako." ani Emi at umupo sa kabilang upuan.

"Matulog ka muna,pag gising mo,ikaw na pinaka magandang beki sa buong mundo." ani ng stylist. Sinunod ko sya. Pumikit ako at inisip ang mga pinag usapan namin ni Emi kagabi.

Walang dudang mahal ko si Cross,pero may gusto talaga akong patunayan kay Flexter. At kung kakastiguhin ako ni Cross kung bakit ko ito ginagawa ay sasabihin ko na siguro ang totoo.

Napamulat lang ako ng madinig kong parang may kausap si Emi.

"Ano ba Crayon? Huwag ka ngang abala. Ibabalik ko si Khalil,huwag kang baliw! Sige na busy ako." sabi nito at ibinaba na ang phone. Napangiti ako.

Muling nag ring ang phone ni Emi at irita nya itong sinagot.

"Hello Cross? Ano ba naman kayo?! For Pete's sake,kakatawag lang din ni Crayon. Utang na loob wala pang 24 hours nawawala si Khalil! Isasauli ko sya,dont worry! Bye!" ani Emi at umiling. "My goodness." dagdag pa nito at muling binalik ang pansin sa magazine na binabasa nya.

"Mukhang hindi lang si Flexter ang nahumaling sayo. Anong gamit mong sabon? Pabango at deodorant? Sabihin mo sa akin,ganun din gagamitin ko para naman madami ding mahumaling sa akin." sabi ng stylist at humalakhak. Nahiya tuloy ako dahil nagtinginan sa amin lahat.

"Ano,uhm.." hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya.

"Mahiyain ka pala talaga. Sige,pikit ka na lang ulit,para surprise pag natapos na kami sayo." ani pa nito at muli akong pumikit. Ilang minuto pa ang lumipas ay nadinig ko na si Emi.

Pangarap Ko'y Ikaw (boyxboy) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now