29. PRE FINALE: Forgiveness and Letting Go!

13.6K 354 36
                                    

"Khalil." ang pagtawag sa akin ni Flexter. Hindi ako kumibo,pero nanatili akong nakasandal sa headboard ng hospital bed. Ito na ang panahon,hindi man maganda ang kinahantungan,pero kailangan na naming matuldukan ang nakaraan. Kasi sa totoo lang,pagkatapos ng lahat ng pangyayari,ayaw ko na,pagod na ako,gusto ko ng magpahinga.

"Patawarin mo ako kung bigla akong nagbago. Sabi ko naman sayo,kailangan ko lang ayusin ang lahat. Ginagawa ko saktan ka para maprotektahan ka." ang mahinang sabi ni Flexter.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Pero hindi ganon ang nangyari diba? Alam mo kung gaano kita minahal noon."

"Noon?!"

"Oo noon."

"Ngayon hindi na? Naiintindihan ko naman. Ganon talaga siguro,kahit gaano nyo kamahal ang isa't isa pero kung hindi kayo ang para sa isa't isa ay maghihiwalay pa din kayo." aniya. Naramdaman ko ang paglapit nya. Sinubukan kong kapain ang aking sariling damdamin. Ngunit wala na akong nararamdaman para sa kanya.

"Oo,pero hindi ko matanggap kung bakit umabot sa ganito. Ayaw kong manisi. Pero sa tingin ko,tama lang ang nangyari sa akin."

"Patawarin mo sana ako. Alam kong ako ang dahilan. Hindi ako matatahimik na hindi mo ako mapapatawad." aniya. Nahiling ko tuloy,na sana,kahit wala na akong nararamdamang pagmamahal para sa kanya ay makita ko man lang sya.

"Hindi kita mapapatawad,dahil wala ka naman dapat ihingi ng tawad. Lahat ay kasalanan ko." sagot ko. Bigla tuloy pumasok sa isip ko ang nakangiting mukha ni Crayon. Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib.

"Minahal kita Khalil. Sobrang mahal. Hanggang ngayon ay sobrang mahal pa din kita." hinawakan nya ang kamay ko,wala akong kakaibang naramdaman,hindi gaya dati na halos mamatay ako sa kilig. "Pero hindi pala sapat na mahal nyo lang ang isa't isa. Nasa akin ang pagkukulang kaya tanggap ko na. Tanggap ko ng may mahal kang iba,at alam kong liligaya ka sa piling ni Cross. Pinapalaya na kita Khalil." dagdag nya pa. Nabasag na ang boses nya,napaiyak na ako.

Napaiyak ako hindi dahil mahal ko pa sya. Napaiyak ako dahil nanghihinayang ako sa lahat.

"Sana mas mahalin ka pa ni Cross."

Si Cross. Bakit ganon? Hindi ko alam,pero bakit parang may nag iba? Ano bang nangyayari sa akin?

"Mahal nya ako." ang tangi kong sagot. At ng hindi sya umimik ay muli akong nagsalita. "Pwede ko bang puntahan si Janna? Makahingi man lang ng tawad kahit medyo huli na ang lahat."

"You will see her soon Khalil. Sige na,alis na ako. I love you and goodbye." bulong nya sa tenga ko,kasunod ng mabilisang halik nya sa aking labi at ang pagbukas sara ng pinto.

Napaisip ako,naguluhan. Sa ganitong kondisyon,pakiramdam ko ay hindi na normal ang itinatakbo ng aking pag iisip. Para bang lahat ay magulo at mahirap paniwalaan.

Sumapit ang araw ng operasyon. Kahit anong gawin kong pagtutol ay hindi ako nanalo. Nakatatak na kasi sa isipan ko na hindi na dapat ako muling makakita pa kung may nawala naman ng dahil sa akin.

Ngunit bago ako makatulog pagkatapos maturukan ay naisip kong kailangan kong makakita,kailangan kong makausap ang mga magulang ni Crayon,kailangan kong mapuntahan ang puntod ni Crayon. Kailangan kong humingi ng tawad.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na walang malay. Basta nagising ako na parang may mga nag uusap sa paligid ko. Muli,gaya ng dati ay hindi ako nagpahalata na gising na ako.

"Handa ka na ba Cross?" boses iyon ni Aya. Ano kayang pinag uusapan nila?

"Handa ako Aya. Malinaw na naman kung sino talaga. Hindi ko naman ipipilit ang sarili ko. Naguluhan lang talaga sya,at ngayon malinaw na kung sino talaga." ang seryosong sagot ni Cross.

Pangarap Ko'y Ikaw (boyxboy) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now