13. Paghaharap : Pag amin!

17.6K 461 63
                                    

Nandito lang ako sa loob ng kotse ni Flexter. Huwag daw akong lalabas dahil baka pag initan daw ako nina Hugo at Janna. May shooting na naman kasi sila. Natakot nga ako eh,naalala ko nung una,inaway,nilait at minaliit ako ng mga yon. Basta ang sabi ni Flexter,pag nandyan ang dalawa huwag ako magpapakita.

Ayos naman ako dito sa loob ng kotse. Mula dito ay tanaw ko ang mga staff,crew at ibang artista habang may kinukuhaang eksena. Si Flexter at yong isang bago ring artistang lalake na gumaganap na kapatid nya.

Muli kong ibinaling ang pansin ko sa phone ko. Katatapos ko lang makausap ang pamilya ko,tinawagan ko sila kasi nagpadala ako kahapon ng pera. Nakakahiya nga dahil dinagdagan ni Flexter,pa-unang bayad daw. At ngayon nga wala ng magawa. Ka-text ko lang yung lima. Nakakapagod nga silang sagutin isa-isa sa text. Naisip ko tuloy kung nakakapagtrabaho pa ba sila ng maayos?

From: Crayon kulit

San ka?

To : Crayon kulit

Dto sa may shangrila ata? Dto shooting nina Flexter eh,sa labas.

From: Crayon kulit

Okay :-P

Huh? Hirap din spellingin ng makulit na to eh. Wala talaga silang pinagkaiba ni Jai. Yon nga lang,mas malambing si Jai. Tanda ko pa yung dinalhan nya ako ng pagkain,tapos nanood hanggang makatulog ako sa takot. Pag gising ko magkayakap kami. Hiyang hiya ako nun tapos nakita kami ni Cross.

Si Cross.. Ano kayang ibig nyang sabihin dun sa sinabi nya? Sobrang seryoso nya,sala sa init sala sa lamig. Ang hirap nya intindihin,pero aaminin ko,ang saya ko nung nagka ayos na kami. Ganon pala ang totoong Cross. Haaay! Nagtetext nga sya at katext ko din ngayon pero hindi na nya ulit nabanggit yon. Pasagdi-i (Hayaan) na nga lang. Basta masaya ako nung gabing yon,si Flexter kase eh ang sweet.

Si Flexter,hayun! Hindi ako pinatulog nung gabing yon. Dati kalabog sa dibdib lang ang naidudulot nya sa akin pati panginginig ng kalamnan at panlalambot ng tuhod. Ngayon iba na,dun ko lang naranasan yong nag uumapaw na saya at kilig. Hindi ko makalimutan nung niyakap nya ako,ang sarap sa pakiramdam! Tapos nung ginagamot nya mga galos ko,ang lambing nya sobra. Haaay! Pangarap ko talaga sya. Sana magustuhan din nya ako kahit sa tingin ko ay napaka imposible.

Natigil ako sa pagmumuni-muni ng may kumatok sa bintana ng kotse. Paglingon ko,si Janna. Natakot ako,hindi ko alam kung pagbubuksan ko ba sya o hindi. Pero wala syang tigil sa kaka-katok kaya nagpasya akong buksan na at lumabas.

"Sa wakas! Akala ko magkukulong ka dyan eh,ano pakiramdam ng nakakasakay sa kotse?" ang taas kilay nitong sabi kaya napalunok ako ng laway.

"M-maam Janna."

"Eewww! Anong ginawa mo kay Flexter? Bakit sya nagkaganyan? Kinulam mo sya no?"

"Po? Hindi p--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sinampal nya ako ng napakalakas. Para akong nabingi,parang nangapal ang kanan kong pisngi. Hindi ako makapaniwala na na sampal ako. Hindi pa ako sinasaktan nina Nanay at Tatay kahit kailan.

"Layuan mo si Flexter! Akin sya! Kilala ko ang mga katulad mo,basurang bading na patay na patay kay Flexter tapos huhuthutan ng pera!" ang galit na galit na sigaw ni Janna na halos magpatalon sa akin.

"Hindi po totoo yan maam" ang naiiyak ko ng sabi.

"O kaya blinackmail mo sya ano? Alam mo bang dahil sayo,hindi sya makapag trabaho ng matino? Iniisip daw nya kung ayos ka lang dito. Pati sa eksena nila kanina pangalan mo ang binanggit nya!" singhal pa uli nya. Napanganga ako at nanlaki ang mga mata ko.

Pangalan ko nabanggit nya? Iniisip nya ako? Totoo kaya yon?

"Layuan mo sya at bumalik ka sa basurahang pinanggalingan mo! Sinisira mo trabaho nya! Sinisira mo relasyon namin!" at bago pa ako makapag reak ay nahablot na nya ang medyo may kahabaan ko ng buhok. Halos matuklap na ang anit ko,sobrang sakit. Hindi ko magawang lumaban dahil hindi ako nakikipag away sa babae,at isa pa,artista sya,sya ang papaniwalaan ng mga tao.

Pangarap Ko'y Ikaw (boyxboy) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now