15. Sweet Escape!

17.4K 465 59
                                    

Siniguro ko munang tulog na tulog na si Flexter bago ako bumangon at nagbihis. Kahit masakit ang aking katawan ay pinilit ko. Tumungo ako sa dati kong kwarto,kinuha ko lahat ng importante kong gamit at sinilid ko kasama ng mga damit sa dalawang bag na gamit ko din dati nung lumipat ako dito.

Muli kong binalikan si Flexter,mabigat at masakit sa kalooban ang gagawin ko,pero nakapag desisyon na ako,kung anong mga nangyari at meron sa amin ni Flexter ay tinatapos ko na. Uuwi na ako ng cebu bukas,mamaya ako bibili ng ticket. Yumuko ako at hinalikan sya sa noo.

"Flexter,salamat sa masayang gabi,pinaramdam mo sa akin ang kakaibang aspeto ng pag ibig,salamat sa mga panahong magkasama tayo,ang pagiging masungit at malambing mo,salamat sa pagmamahal. Mahal na mahal kita,sana maintindihan mo ako,patawad."

Bitbit ang dalawa kong malaking bag ay marahan na akong lumabas ng kwarto. Maingat akong nakalabas. Wala ng ulan.

"Flexter? San ang punta? Aalis ka na dito?" ani ng guwardya.

"Oo,tapos na kontrata ko kay Sir eh. Sige,aalis na ako manong!" ani ko. Pinagbuksan ako nito ng maliit na gate,paglabas ko ay saktong may parating na taxi kaya pinara ko na ito. Mabuti at kahit ganitong oras ay may rumoronda pa ding taxi sa subdivision na ito.

Habang lulan ng taxi pauwi ay hindi ko mapigilang mapaluha,naaalala ko kasi yung mga panahon na magkasama kami ni Flexter,isang pangarap na natupad ngunit madali ding naglaho. Mabuti na yon kesa wala. At ginagawa ko ito para wala ng gulo,para hindi na mapasama ang lahat.

Ng makarating sa bahay ay nagulat pa ako dahil bukas ang ilaw sa ibaba at naka awang ang gate. Matapos kong magbayad sa taxi ay pumasok na ako. Nasa sala sina Aya at Japhet,mukhang nagka-kape,napalingon sila sa akin ng maisara ko ang pinto.

"Akala namin sumama ka na kay Flexter." ani Japhet ng makita ako. Tumayo sya at niyakap ako saglit. "Huwag mo ng uulitin yon,pinag alala mo kami."

Ngumiti ako at umupo na din,tinitingnan lang naman ako ni Aya. "Nagpaalamanan lang kami at kinuha ko mga damit at gamit ko."

"Sigurado ka na ba dyan? Alam naming mahal mo si Flexter." ani Aya saka humigop ng kape.

"Kape mo,para hindi ka antukin sa byahe." ani Japhet sabay lapag ng kape para sa akin sa lamesita.

Byahe? Anong ibig nyang sabihin?

"Ito naman talaga ang tama diba? Teka nga,bakit gising pa kayong dalawa?" ani ko at humigop ng kaunting kape.

"Tinulungan namin si Cross mag impake,since nakuha mo na mga gamit at damit mo,hindi mo na kailangan mag impake."sagot ni Japhet at kapwa sila tumahimik.

"T-teka nga? Impake? Bakit?"

"Aalis na tayo dito. Yon ang inasikaso ko kagabi,ang pagkuha ng ticket nating dalawa." boses iyon ni Cross. Nilingon ko sya pababa sya sa hagdan at may dala ding dalawang malaking bag. "Magbihis ka na,alam kong naulanan ka kanina." dagdag nito.

Nagtataka at nakanganga akong napabaling ng tingin kina Aya at Japhet na nakatingin din sa akin. "Tara,magbihis ka na."

Kinuha ni Cross ang isang bag at hinila ako papuntang banyo,pumasok kaming dalawa. Lumapit sya sa akin at hinuhubad na ang damit ko. "T-teka Cross,anong ibig sabihin nito? San tayo pupunta? Ay! Ako na magbibihis sa sarili ko! Labas na!" sabi ko ng pumasok na lahat sa utak ko.

"Tatalikod na lang ako. Magbihis ka na. At para sagutin ang katanungan mo,ilalayo na kita dito. Aalis tayong dalawa,ibabalik na kita sa Cebu." aniya saka tumalikod. Napanganga na naman ako. Kaming dalawa? Uuwi sa Cebu? Baka itakin ako ni Tatay?! "Magbihis ka na o ako maghuhubad sayo? Matagal na akong nagtitimpi Khalil."

Pangarap Ko'y Ikaw (boyxboy) - COMPLETEDΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα