"This is going to be your room. For now, this is yours alone." Tumango na lang ako sa sinabi niya. May sinabi pa siya pero hindi ko na naintindihan. Korean kasi. At hindi ako maalam sa pag-intindi ng lenggwahe nila. Hindi ko pa nga kabisado hanggang ngayon ang alphabet nila.

Nasa kwarto na ang gamit ko pagpasok ko pa lang sa loob. Dahil oras naman na ng pahinga ay dumiretso na agad ako sa kama. Dalawa ang kama sa kwartong ito at marahil ay may makakasama ako dito. Iyon siguro ang gustong sabihin ni Ms. Hwang kanina.

Pinili ko ang kama na malayo sa pintuan. Ayokong madaan-daanan ng magiging kasama ko sa kwarto.

Pagkabagsak na pagkabagsak ng aking katawan sa kama ay agad kong naramdaman ang pagod. Not just physically but emotionally. Pagod na pagod na ako.

Isang buwan na rin simula nang pinili kong mag-aral dito. Sumama lang ako kina kuya sa honeymoon nila dito sa Korea matapos ang kasal. Gulong-gulo na kasi ang isip ko no'n. Maraming nangyari matapos ang kasalanan. Nakausap ko si Lhieanne at nalaman ko ang matagal ko nang gustong mabigyang linaw. Ilang araw ko iyong pinag-isipan hanggang sa nangyaring nagdesisyon akong sumama kina kuya.

This is my dream place at alam iyon ni kuya kaya sinama niya ako. Alam niya ring nagkakagulo kaming magkakaibigan at kailangan ko ng escape.

Two weeks lang sana ang magiging stay namin pero palihim ko nang nilakad ang papel ko sa eskwelahang pinapasukan ko. Busy sa sariling gala sina kuya kaya ko nagawa. Matagal ko rin itong pinag-isipan. At ito ang naging desisyon ko.

Pagkatapos malaman ni kuya ang ginawa ko ay nagalit siya sa akin. Hindi niya pinansin. Two days bago ang flight pabalik sa Pinas ay kinausap niya ako. Tinanong kung talaga bang sigurado na ako. I just nod. Hindi na magbabago ang desisyon ko.

Inayos ni kuya ang lahat. Mula sa pagtutuluyan ko hanggang sa lahat ng kailangan ko sa school at pananatili rito. Ngayon ay mag-iisang buwan na akong sinasanay dito.

Araw-araw akong tinatawagan ni mommy. Paulit-ulit niyang sinasabi sa akin na namimiss niya na ako. Iyon ang dahilan kung bakit naduduwag na ako. Kung bakit parang gusto kong tumakbo pabalik sa kanila. Pero naisip kong hindi pwede. May agreement akong pinirmahan. They'll train me until I become a professional model. At hindi ko alam kung hanggang kailan iyon. Kung gaano katagal ang magiging pagsasanay ko. Gayong ngayon pa lang ay nahihirapan na ako dahil ss language barrier. Lutang pa ang isip ko para matuto ng bagong lenggwahe.

Nang maglinggo ay hinayaan ako ng propesor ko na makalabas ng dorm. Una kong pinuntahan ang coffee shop na malapit lang rin sa tinutuluyan ko dahil dalawang buong linggo akong hindi nakatikim ng kape o kahit na anong matamis. They're so strict with my diet. Tea ang madalas nilang ipainom sa akin at hindi ako nakakakain ng kanin. Knowing that I grew up eating rice thrice a day, hindi ako sanay. But eventually, nakasanayan ko na rin.

Limang buwan na rin ang nakalilipas. I'm still surviving.

Nang dumating ako sa coffee shop na gusto ko ay sarado ito. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. Where will I eat?

Nang makakita ako ng bata na may kinakaing street foods ay biglang nagningning ang mga mata ko. Oo nga pala. Nakalimutan kong masasarap ang street foods dito.

Matapos kong i-open ang GPS ko at i-search ang lugar na puro street foods ay sinundan ko ito. It's just walking distance. Dalawang streets lang ang nilagpasan ko. And now I'm here! Naaamoy ko na ang heaven.

Una kong nakita ang heotteok or simply pancaked in english. Lumapit ako sa stall ng isang matandang lalaki. I smiled at him. He returned back the smile.

"Heotteok ilinbune eolmaeyo?" Dahan-dahang bigkas ko. I'm still not fluent. Tinatanong ko kung magkano ang isang serving ng pancakes.

"250 won." Nakangiti nitong sabi.

"Jinja?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Masyadong mura iyon para sa isang pancake.

May sinabi pa siya bago iabot ang plato na may pancake. Ngumiti na lang ako bago nag-bow tanda ng respeto. Hindi ko naintindihan ang sinabi niya pero nagpasalamat pa rin ako.

"Kamsahamnida." Turan ko bago tuluyang umupo sa mahabang upuan sa tapat ng kanyang stall. Takam na takam kong tiningnan iyon.

"I'm starving!" Hindi mapigilang sabi ko. Para akong bata na sarap na sarap sa kinakaing pancake. Nakakamiss kumain ng matamis. Alam kong makasisira sa diet ko ito pero bahala na. Ngayon na lang ulit ako nakakain ng ganito.

Nang maubos ang pancake ay gutom pa ako. I want to try tteokbokki. Muli akong nagpasalamat sa nagtitinda at lumipat sa kabilang stall na mayroong tindang tteokbokki. Agad akong umupo sa mahabang upuan at tinuro na lang ang pagkaing gusto ko. May sinasabi siya pero hindi ko maintindihan. Nagkunot ako ng noo.

"Jeogiyo, ajumma. Yeongeo hal jul aseyo?" I asked the old woman if she's speaking english. I crossed my fingers. Gusto kong may makausap ng matino.

"Ani." Iiling-iling nitong sagot. Ngumiti ako sa kanya. Bigo kong tiningnan ang tteokbokki sa aking harap. Maraming bumibili sa kanya ngunit bihira ang kumain mismo dito sa kanyang stall. Nalungkot ako. Akala ko pa man din makakakain na ako ng marami ngayon.

"I want to eat tteokboki! Bakit kasi ang hirap makipag-usap? Ayoko na..." Binagsak ko ang aking mukha sa mesa. Nakakafrustrate.

"Han tteogbokk-i hasibsio."

"Here. Eat this." Napaangat ako ng tingin nang may naglagay sa aking harapan ng isang serving ng tteokbokki. Nilingon ko ang naglagay noon. Lalaking may mask ang mukha at nakacap. Abala siyang kumain ng hot dog sa stick. Ngiting-ngiti ko siyang hinarap.

"Kamsahamnida!"

Nakita kong nanliit ang mga mata niya.

"Just eat. You're a Filipino?" Nagulat ako.

"Hey! How did you know?"

Nagkibit balikat lang siya.

"A basta. Salamat dito, kuya. You made my day." Kumuha ako ng chopsticks atsaka sinimulang kainin ang rice cake ko.

Hindi niya na ulit ako kinausap. Hinayaan ko na lang. Nang makita kong nagbayad siya ay nagmadali agad ako. Kumuha ako sa aking pitaka ng pera at inabot ito sa tindera. Hinabol ko 'yung lalaki. I just want to thank him again.

"Wait! Lalaking nakacap at mask!" Pilit ko siyang hinabol pero mabilis ang kanyang naging lakad. Lumiko siya sa sunod na street. Walang tao doon.

"Hey! You walk so fast. I just want to say thank you." Hinabol ko ang hininga ko. Nanatili siyang nakatalikod sa akin. Nakita kong hinubad niya ang suot niyang cap. At kasabay ng pagharap niya ang pagtanggal niya naman sa mask.

Nagulat ako sa nakita ko.

Hindi ako pwedeng magkamali. It's him!

Chased (In Luv Series #1)Där berättelser lever. Upptäck nu