Dinampot niya ang tainga kong nakapatong sa gilid ng aking kama na nababalutan ng dugo.


"Ano kayang magandang gawin dito? Ikilaw? Palambutan? Isahog sa sinigang? O gusto mong ipaibabaw ko sa leche flan?"


Walang tigil ang mga luha kong umaagos mula sa aking mata. Todo-todo na ang paglalapastangan niya sa akin. Mommy! Daddy! Tulungan niyo ako!


"Mukhang wala sa mga nabangit ko ang gusto mo. I-blender ko na lang kaya? Mukha kasing nauuhaw ka na. Hahaha!" aniya at tumatawa na para bang bruha.


"Hayop ka! Hayop!" tiim-bagang ko.


Para akong nabuhayan ng loob nang marinig kong tumunog ang doorbell sa baba. May pag-asa pa akong makaligtas.


"Tulong! Tulungan niyo ako!" sigaw ko.


Tinampal ni Angelika ang aking bibig para tumahimik ako. Binusalan niya ng panyo ang aking bibig para hindi ako makagawa ng ingay.


"Mukhang may bisita ka. Isali na rin natin siya sa ating laro."


Matapos iyon, biglang pinatay ni Angelika ang ilaw sa aking silid at isinara ang pinto.


---


Morixette's POV


Pagkarating namin ni Jerico sa labas ng bahay nila Jerwel ay kaagad naman akong nag-doorbell.


"Tulong! Tulungan niyo ako!"


Napagitla kami nang marinig namin iyon.


"Si Jerwel ba iyon?" tanong ni Jerico.


"Mukhang siya nga. Kailangan makapasok tayo para matulungan natin siya."


Ilang saglit pa, biglang bumukas ang gate nila at bumulaga sa amin ang kanilang kasambahay.


"Nandiyan po ba si Jerwel? Para po kasing narinig ko siyang sumisigaw at humihingi ng tulong," bungad ko.


"Oo nandito si Sir Jerwel. Nandoon siya sa kwarto niya at kanina pa sigaw nang sigaw na para bang binabangungot. Hindi ko nga alam kung ano ang gagawin ko e. Mabuti na lang at dumating kayo," paliwanag nito na puno ng pag-aalala.


"Halika, pumasok kayo."


Kaagad naman kaming pumasok ni Jerico sa loob.


"Puntahan niyo na siya sa kaniyang silid," aniya.


"Sige po, salamat!" tugon ko.


Humahangos kami ni Jerico na binagtas ang hagdan patungo sa kaniyang silid hanggang sa marating namin iyon. Hingal na hingal kami ni Jerico pagkarating namin sa tapat ng kwarto niya.

The Return of ABaKaDa (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon