Para akong natamemeng itlog dahil doon. Maniniwala kaya siya sa akin kung sasabihin kong nakikipagkwentuhan ako sa multo?


"Iyon nga ang rason kung bakit tayo mag-uusap ngayon 'di ba? Gusto mong malaman ang tungkol sa ABaKaDa kaya heto ipapaliwanag ko na."


"Hep hep hep!" pagbitin niya sa akin kaya hindi ko na muling naibuka muna ang bibig ko at hinintay ko muna siyang magsalita.


"Bago ka magsimula, pwede bang paupuin mo muna ako? Kanina pa ako nakatayo rito at ngawit na ngawit na pero hindi mo man lang ako maalok na maupo," aniya habang nagkakamot ng ulo.


"Hay, pwede ka namang maupo. Sana, sinabi mo agad. Pinapahirapan mo lang ang sarili mo. Hindi mo na kailangang magpaalam. Sige na, maupo ka na rito."


Umusod ako nang kaunti para makaupo siya. Pagkaupo niya, isang ngiti na naman ang kaniyang pinakawalan.


"Ganito iyan..."


Lahat-lahat ay ikinuwento ko sa kaniya. Hindi ko lang alam kung maniniwala siya. Simula sa kung paano napunta sa akin ang libro hanggang sa kung para saan ito.


"Gano'n? Kawawa naman pala ang mga inosenteng mapapabilang sa laro ng ABaKaDa."


"Hindi biro ang lahat ng ito. Hindi dapat gawing kasangkapan ang isang buhay para bumuhay ng patay."


Masakit tanggapin ang katotohanan. Tama siya, guilty ako. Nasimulan na, wala na akong choice kundi tapusin ito. Maraming buhay na ang napahamak, marami-rami pa ang manganganib.


"Alam ko namang kasalanan ko ang lahat. Kung hindi ko binuksan ang ABaKaDa, hindi ako mamomroblema."


"Tao rin naman ako na natutukso kaya ibato mo na ang lahat ng gusto mong ibato, paninindigan ko pa rin kung ano ang nasimulan ko."


"Pasensiya na kung nadamay ka pa sa kasakiman ko. Maiintindihan ko kung lalayuan mo ako; kung matatakot ka sa akin; at kung kasusuklaman mo ako."


Tatayo na sana ako para umalis pero pinigilan niya ako at biglang niyakap nang mahigpit.


"Bata ka pa, alam kong mahirap ang pinagdaraanan mong pakikibaka. Hayaan mo, sasamahan kita para kahit hirap na hirap ka na, at hindi mo na kaya, may aagapay sa iyo. May masasandalan ka sa oras ng pagsusumamo."


Hindi ko napigilan ang mga nagbabadyang luha na kanina ko pa tinitiis. Napahagulgol na lang ako habang nakayap sa bisig niya.


"Sige, iiyak mo lang iyan. Alam kong mabigat ang iyong dinadala kaya narito ako para tulungan ka."


"Salamat Jerico, salamat..."


Hindi ko alam kung napipilitan lang ba siya o sadyang ako'y kaniyang kinakaawaan dahil napakahirap ng sinusuong ko. Para bang sumugod ako sa digmaan pero toothpick lang ang aking pananggalang.

The Return of ABaKaDa (Published)Where stories live. Discover now