Habang patuloy pa rin akong nakaupo dito malapit sa may guard house, isang babaeng nakaputi ang nakaupo sa bench doon sa ilalim ng malaking puno na medyo katapat lang ng kinalulugdan ko. Nakataas ang kaniyang kamay na para bang niyayaya ako papalapit sa kaniya.


"Ako?" turan ko habang nakaturo sa aking sarili na tila ba nagugulumihanan. Tumango siya bilang tugon.


At dahil wala naman akong kausap, ni kasama sa inuupuan ko ay pumunta na ako sa kinaroroonan no'ng babae.


Pagkarating ko doon, nakaramdama kaagad ako ng ibayong lamig. Sigurado na akong hindi siya tao pero ramdam kong hindi siya masamang espiritu. Ang gaan ng loob ko sa kaniya.


Naupo sa may tabi niya at doon ko nakita ang kabuuan niya. Ang kaniyang tuktok ay wakwak at wala siyang utak. Umaabos ang dugo mula sa bunbunan niya pababa sa kaniyang mukha. Hindi ko maaninag masyado ang kaniyang mukha dahil natatakpan ito ng kaniyang buhok.


"Sino ka? Anong kailangan mo sa akin? Bakit mo ako pinapunta rito?" sunod-sunod kong tanong.


Imbes na sumagot siya, isang nakakalokong ngiti ang kaniyang isinukli. Napanganga ako bigla at nanlaki ang mata ko matapos niyang mag-peace sign at inilagay niya iyon sa kaniyang labi.


"Oh ehm gee, kilala kita..." sambit ko na tila hindi pa rin makapaniwala hanggang sa hawiin na niya ang kaniyang buhok.


"Ate Joan!" paimpit kong sagot sabay yakap sa kaniya kaso tumagos lang ang kamay ko kaya inimagine ko na lang na yakap-yakap ko siya.


"Na-miss kita, Ate Joan. Ang napakakulit na kaibigan ng ate ko."


Puro pagtango lang ang ginagawa niya. Hindi ko tuloy siya gaanong maintindihan.


Ilang saglit pa, bigla siyang ngumanga at napansin kong putol ang kaniyang dila. Hayop talaga ang killer na iyon, kung sinuman siya, hindi ko siya pipiliin para mabuhay.


May hand gestures siyang isinasagawa at pinaparating niya e maglaro daw kami ng charades para malaman ko kung sino ang susunod na biktima.


One word.


Two syllables.


Iyon ang una niyang in-act.


Tinuturo niya ngayon ang kaniyang tainga, tapos leeg, pala-singsingan, at ang wrist niya.


Naguguluhan ako, ang hirap niyang intindihin.


Imbes na matakot ako dahil sa itsura niya ngayon e halos nagpipigil ako ng tawa dahil sa epic fail na expression niya sa tuwing hindi ko mahulaan ang nais niyang sabihin.


Maya-maya pa, bigla siyang umarte na parang may isinusuot sa tainga niya; may inilalagay sa leeg niya; may isinuot sa pala-singsingan niya; at ganoon din sa may wrist niya.


"Hikaw? Kwintas? Singsing? at bracelet?" tugon ko.


Nag-okay sign siya para sabihing tama ako. Ngayon, ipinaparating niya kung ano ang kaugnayan ng mga ito.


"Alahas?"


Napapaimpit ako ng tawa dahil para siyang batang pumapalakpak ang tainga dahil nabigyan ng kendi.


Nag-sign siya ng letter e sa kaniyang kamay.


Ano nga ba ang english ng alahas? Napakamot na lang ako sa ulo ko dahil hindi ko alam ang sagot.


Umiling-iling si Ate Joan dahil alam niyang hindi ko pa rin gets.


Ngayon naman, may itinuturo siya sa kaniyang pala-singsingan so singsing ang nais niyang iparating.


Gumuhit siya ng diamond sa hangin at itinuro ang imaginary niyang singsing.


"Diamond ring?" sagot ko.


Umiling siya pero malapit na raw.


One word.


Two syllables.


Napaisip ako kung ano ang meron sa bato ng singsing at kung ano ang sagot na malapit dito na one word at two syllables.


Napangiwi ako nang may maisip akong sagot.


"Jewel?"


Nag-okay siya at wari mo'y tuwang-tuwa.


May kakilala ba akong Jewel? Hmmm...

The Return of ABaKaDa (Published)Where stories live. Discover now