Tumingin ako kay kuya nang may bigong mga mata. Marahan akong umiling. Gusto mo man, hindi naman ganoon kakailangan.

"Okay. Pero kung magbago ang desisyon mo, pwede ko pa rin naman sabihin kay Ms. Shin." He gave me an assuring smile. I just smiled back.

Kinabukasan ang huling araw namin dito kaya wala kaming ibang ginawa kundi ang kumuha ng litrato at bumili ng pasalubong. Hindi naman ito kalayuan sa amin kaya napilit ko pa si kuya na magtagal ng kahit ilang oras pa.

Mukhang magkaayos na rin sila ni ate Chi. Kagabi ay pinatulog ako ni kuya sa kwarto nila ni Niccolo at doon niya sinuyo si ate Chi. Hindi talaga kayang patagalin ni kuya ang ganito. Iniisip ko pa lang ang nangyari ay kinikilig na ako.

"What's with the smile?" Tinusok ni Niccolo ang pisngi ko.

"Wala. Masaya lang ako." Nakangiting tugon ko bago kinuhaan ng litrato ang mataas na sikat ng araw.

"Talaga? You enjoyed our stay here?" Narinig kong sunod-sunod na nagclick ang kanyang camera kaya napalingon ako. Sa akin pala iyon nakatapat.

"Hey! Erased that." Hinawi ko ang camera na nasa tapat ko. Mabilis niya itong binaba tsaka tiningnan ang nakuhang mga larawan.

"Ayoko. Ang cute mo dito." Ngising sabi niya.

"Siguraduhin mo 'yan, Niccs. Baka makakita na naman ako ng picture kong nakanganga sa mga pinaprint mo." Umikot ang mata ko.

"Hindi, promise! Hindi na mauulit!" Aniya kasabay nang malakas na halakhak.

"Akin na 'yang cam. Post ka sa gitna. Sigiraduhin mong mababasa ka a!" Madali niyang inabot sa akin ang camera at agad akong tumawa. Susundin niya ang sinabi ko.

"Remove your shoes, idiot!" Tumatawang sabi ko.

"Yes, boss!" Hinubad niya ang kanyang puting sapatos tsaka nilagay sa gilid ko. Nananakbo siyang nagtungo sa lugar na sinasabi ko. Umabot ng hanggang bukong-bukong ang tubig dagat sa kanyang paa.

"Tama na dito?" Tumango ako.

Hinanda ko ang camerang hawak ko para kuhaan siya ng litrato. Nagpose siya ng kung ano-ano. Nakailang shot din ako bago ko tiningnan ang mga kuha ko.

"What's your problem, Niccs?!" Napabaling ang tingin ko sa kanya nang matalsikan ako. Nakita ko siyang tumatawa habang hinahawi ang tubig sa dagat patungo sa akin.

Imbis na mainis ay napangiti na lang rin ako. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon na kuhanan siya ng litrato.

All white garments, slightly messy hair, shades and his perfect smile made the photo looks beautiful. Ni hindi ko pinansin ang asul na dagat at kalangitan dahil sa ganda ng ngiti niya. Napangiti ako.

"Gwapong-gwapo ka na naman sa akin, baby." He kissed my cheeks.

"Huwag masyadong mahangin, Niccolo. Namamaga pa 'yang mukha mo. Baka gusto mong 'di na bumalik 'yan sa dati?" Pagbabanta ko. Pinadausdos niya lang ang kanyang kamay sa aking beywang at iginiya ako palayo doon.

Sa katawakan niya sa seafoods kahapon ay namaga ang mukha niya. Hindi ko alam kung may allergy ba siya o ano. Hindi naman siya tinubuan ng butlig butlig sa katawan.

"Huwag naman, Clara. Ikaw? Gusto mo bang magkaroon ng boyfriend na may permanenteng namamaga na mukha?" Natawa ako sa naisip ko. Paano nga kaya kung permanenteng maging gano'n ang mukha niya? E 'di lalo na siyang nawalan ng mata? Patuloy pa kaya siyang itext at imessage ng mga babae kung gano'n na siya? Kung hindi na, siguro mas pipiliin ko na lang iyon.

"Anong iniisip mo?" Ngumisi ako sa kanya.

"Wala naman. Naisip ko lang bigla 'yung tungkol sa inalok sa akin ni kuya." Pag-iiba ko.

"Tungkol saan?"

"May slot pa sa pangarap kong eskwelahan." Pinadausdos niya ang kanyang kamay sa aking beywang.

"Really? Where?"

"SoKor." Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan nang makarating kami doon. Si ate Chi ay nasa front seat na habang si kuya namay ay may inaayos sa likod ng sasakyan.

"Saan iyon? Sa Manila?" Nagkunot ang noo niya.  Nagtaas naman ako ng kilay.

"Anong Manila? South Korea ang ibig kong sabihin. Sa Seoul Arts School..." Pinagtaasan niya ako ng kilay nang makaupo siya sa tabi ko. Ilang minuto rin iyon hanggang sa bumitiw siya at inayos ang kanyang pagkakaupo.

"Niccs..." Pinagsalikop ko ang aming mga kamay nang hindi niya na ako pinansin. Pumasok na sa loob ng sasakyan si kuya.

"Alis na tayo." Ani kuya bago pinaandar ang sasakyan. Sinulyapan ko siya at nakitang nakatingin siya sa amin gamit ang rearview mirror.

Seryoso ang kanyang mga mata. Hindi ko lang alam kung pinipigilan niya ako o nagbabanta. Ewan.

Buong biyahe ay nakasalikop lang ang kamay naming dalawa. Hindi niya na ako kinausap. Ni hindi niya na rin ako tiningnan man lang. Galit ba siya? Hindi ko ba dapat binuksan ang topic na iyon sa kanya?

Nang makarating sa loob ng village ay nagpababa si Niccolo sa tapat ng kanilang bahay. Hinayaan ko lang siya. Nagpanggap lang akong tulog pa rin sa kanyang balikat kahit na ang totoo ay hindi naman ako nakatulog. Nilapag niya lang ang ulo ko sa unan doon sa kanina niyang pinag-uupuan. Nang magpaalam siya kay kuya ay hinalikan niya lang ang noo ko pagkatapos ay narinig ko na ang pagsara ng pinto. Parang may kumirot sa puso ko.

Gano'n na lang iyon? Hindi niya ba talaga ako kikibuin? Hindi man lang niya ako ginising. Hindi man lang siya nag-atubiling umabot sa bahay para doon namin mapag-usapan ang hindi namin pagkakaintindihan. But I know it's my fault. Wala naman akong balak na mag-aral doon kahit na gustong-gusto ko dahil ayokong malayo sa kanila. Siyempre, iniisip ko sila. Mas importante sila sa akin.

Binuksan ko lang naman ang usaping iyon dahil ayokong may itago ako sa kanya. Aasarin ko lang naman talaga siya pero mukhang bago ko pa man maibato ang mga linya ko ay napikon na agad siya.

Hindi ako makatulog nang gabing iyon. I texted him but he's not replying. So I tried to call him but his phone is off. Nawalan na ako ng pag-asa na maayos ito ngayong gabi.

Ayokong lumabas ng bahay. Nakatatakot maglakad sa labas ng mag-isa. Pundido pa naman ang isang street lamp malapit sa kanila.

Binuksan ko ang aking facebook at nagmessage sa kanya. I hope he can read this. I want to apologize and talk to him personally. Hindi ako sanay ng ganito. We fight but this one is different. Ako palagi ang nagtatampo o nagagalit sa kanya. Iba ito ngayon. Siya ang nagtatampo. At kailangan kong gumawa ng paraan para magkaayos kami. Hindi 'yung siya na lang palagi ang gagawa ng paraan. Siya na lang lagi ang nag-eefort para magkaayos kami.

Clara: Niccs, I'm sorry about earlier. Let's talk please? Pakibuksan ang phone mo sa oras na mabasa mo ito. Pasensya na talaga. Mahal kita, Niccs. ✌❤

Chased (In Luv Series #1)Where stories live. Discover now