Pinikit ko ang aking mata at nakita ko naman ang mapupungay na mata ni Niccolo kanina. Nasapo ko ang aking noo.

I need to stop this. Damn Niccolo and his kisses.

Habang nakahiga ako at nagpapalipas ng oras, naisip ko ang mga nangyari noong nakaraan. Paano nga ba kami humantong sa ganito ni Niccolo?

Hindi ba't kapatid at matalik na kaibigan lamang ang tingin ko sa kanya noon? Anong nangyari? Paanong inibig ko siya at ngayo'y tila baliw na ako sa kanya?

He's persistent. He's always staying at our house and bugging me. He sends me my favorite chocolates and flowers. He never fails to make me smile. He made a song for me. He taught me everything he knows in math. He stays with me watching Kdramas and music videos for hours. He's willing to wait. He protects me. He loves me.

And maybe this whole night is not enough to give reasons why I fall for a guy like him.

Napangiti ako.

Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko ay may narinig akong katok. Akala ko'y si ate Chi na iyon pero nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Niccolo ay agad kong pinakita ang mga mata ko. Nagpanggap akong tulog.

"Claire?" I heard his footsteps.

"Ipapaalam ko lang na dito ako matutulog ngayon. Nasa kwarto namin si ate Chi. Nakatulog na katabi si kuya." Hindi ko pa rin binuksan ang mata ko kahit na ang dami kong tanong.

Wala ba siya sa kwarto niya kanina kaya doon pumasok si ate? 'Tsaka dalawa ang bed kada isang kwarto. Bakit di na lang siya doon sa isang kama gayong magkatabi naman pala ang dalawa?

"Okay lang ba sa'yo?" Tanong niya na dinig na dinig ko. I can feel he's brusing my hair. Hinawi niya pa ang buhok na nakatakip sa mukha ko.

Hindi ako sumagot. Natural dahil tulog ako ngayon. 'Yun ang gusto kong makita niya.

I heard him sigh. He kissed the bridge of my nose and left. Narinig kong papalayo ang kanyang yabag.

"I'll sleep on the other bed. Good night, baby..." Narinig ko ang pagpatay ng ilaw at yabag papalapit muli sa akin. Minulat ko ang mata ko. Darkness filled the room. Tanging liwanag lang ng buwan mula sa nakabukas na bintana ang nagsisilbing ilaw. Nakita kong humiga siya sa kabilang kama. Kinumutan ang sarili niya.

Ilang saglit pa ang lumipas at hindi pa rin ako makatulog. I tried to shut my eyes but different thoughts are eating my mind. Umikot ako ng higa. Now I'm facing the door.

"Clara..." Tawag sa akin ni Niccolo. His voice is husky. Napatiim bagang ako.

"I know you can't sleep. Face me..." Hindi ko sinunod ang gusto niya. Paninindigan kong tulog na ako.

"Clara, don't be too stuborn. Kung hindi ka haharap, tatabihan kita diyan ngayon." Wala akong nagawa kundi ang lingunin siya. I can't see his face. Nakatalikod siya sa sinag ng buwan.

"Good girl." Nabakas ko ang panunuya doon.

"What do you want?" Nagtaas ako ng kilay.

"Galit ka ba sa nangyari kanina? Hindi mo na ako kinausap." Napakagat ako sa labi ko. Gusto kong makita ang mapupungay niyang mata. Gustong-gusto.

"Kinakausap naman kita ngayon." Umikot ang mata ko. Pilit kong tinatago ang kagustuhan na makatabi siya ngayon. Para akong nangulila bigla sa kanya. Parang hindi kami nagkita sa loob ng mahabang panahon sa asta ko.

"Claire..." May pagbabanta sa kanyang boses.

"Matulog ka na kaya! Gumagawa ako ng antok e." Niyakap ko ang unan ko.

"I can't sleep. Lalo na't di ko alam kung napasama ko ba ang loob mo dahil sa nagawa ko. I'm sorry, baby..."

"Shut up. Wala na iyon. Matulog ka na." Sabi ko na lang. Kahit ang totoo ay minumulto ako no'n ngayon.

"I'll sleep when you're asleep. I want to watch you peacefully sleeping. Come on, baby. Close your eyes." Dahan-dahang pumikit ang mata ko. Parang may spell ang boses niya.

He started singing. 'Yung kantang tumutugtog nung sinagot ko siya noong prom.

"Hawakan mo ang kamay ko ng napakahigpit...
Pakinggan mo ang tinig ko.. oooh.. di mo ba pansin
Na ikaw at ako
Tayo'y pinagtagpo

Ikaw at ako... oohh..
Di na muling magkakalayo."

Napangiti ako. Hearing him sing our love song makes me fall for him deeper. Hindi ko na makita ang sarili ko na wala siya. Kapit na kapit na ako. Hindi ko akalain na gano'n lang pala kadali na mahulog sa isang taong hindi mo akalaing mamahalin mo.

"Sa tuwing kasama kita
Wala nang kulang pa
Mahal na mahal kitang talaga
Tayo'y iisa..."

Destiny. Soulmate. Prince charming. I belive on those. Mula bata ay iyan na ang pinagkapitan ko sa pagmamahal. I also believe in happily ever after. Minsan ko nang pinangarap na magkaroon ng sariling akin. Pero dahil sa heart break na paulit-ulit kong nakikita at nasasaksihan, bahagyang nawala ang paniniwal kong iyon.

Iyon ang dahilan kung bakit hindi ako naniwala sa musmos na pagmamahal. Tingin ko talaga'y iyon ang dahilan kung bakit nasasaktan ang mga tao. Kung bakit nawawalan sila ng pag-asa na mahanap ang totoong pagmamahal.

But I still believe on true love right? 'Yun nga lang ay wala akong gaanong basehan nang sabihin iyon. Bumase lang ako sa mga nakikita at napapansin ko. Wala akong karanasan.

Pero ngayo'y mayroon na...

Ilang sandaling nakapikit ang mata ko at hindi ko na narinig pang nagsalita si Niccolo. Gising na gising pa ang diwa ko. Parang may kulang.

"Do you want me sleep beside you?" Minulat ko ang mga mata ko nang marinig ang boses niya. Akala ko'y tulog na siya.

Tinitigan ko siya kahit na hindi ko maaninag ang kanyang mukha.

"I promise hindi na mauulit iyong kanina. Just please let me sleep beside you." Napangiti ako.

Siya naman pala talaga ang gustong tumabi sa akin. Idahilan pa ang hindi ko pagkatulog. Natatawa akong tumango.

Agad siyang tumayo at naglakad papunta sa akin. He's wearing his white shirt and shorts. Umikot siya sa kabilang parte ng kama at doon nahiga. Agad niya akong niyakap. Dinikit ang aking katawan sa kanya.

"Feels right." Bulong niya. Napatango na lang ako.

I feel more comfortable. May pamilyar na akong nararamdaman. Mahirap talagang matulog kapag alam mong hindi mo kama ang hinihigaan mo.

Hinayaan niya akong umunan sa kanyang braso. Pinulupot ko na rin ang aking braso sa kanyang katawan at pumikit.

This will end my day.

Chased (In Luv Series #1)Where stories live. Discover now