C h a p t e r (28)

Start from the beginning
                                    

“Sus. Ayaw pang umamin, okay lang naman sakin.” Tsaka siya humiwalay sa pagkakayakap at tinitigan ang muka ko. Jeez bigla na naman akong nahiya. Nakakailang kasi talaga pag tinititigan.

“See? You’re blushing.” He chuckled.

“H-hindi ah! Kainis ka!” papaluin ko sana siya sa dibdib pero nahuli niya ang kamay ko.

“I love you.” Sincere siyang ngumiti pagtapos sabihin yon.

Napangiti ako. 2 days ago pa yun pero kinikilig pa rin ako! Hay! Malakas na talaga ang tama ko sayo, Sir Jace Villareal!

“Oh ano? Landi na naman ng utak mo.” Obvious naman siguro kung sinong nagsabi niyan diba?

“Landi ka diyan! Grabe naman!”

“Duh. Obvious naman kasi! Halatang inaalala mo yung mga kalandian niyo ng boyfriend slash sir mo. Kung makangiti!”

Agad naman akong nagpanic at tumingin tingin sa paligid. Mahirap na! Baka may makarinig!

“Sssh! Tumigil ka nga! Mamaya may makarinig sayo!”

“Edi maganda,” ngumiti siya ng malademonyo. Tiningnan ko siya ng masama. “Joke.”

“Buti naman! Kundi kakalbuhin talaga kita!” pero siyempre joke lang din yon! Di ko naman maimagine kung tuluyang nakalbo tong baklitong to. Naglalakad na kami sa hallway at pabalik na sa room. Kakatapos lang kasi ng lunchbreak. “Si Skye?” himala hindi niya kasama ngayon?

Nagkibit balikat siya. “Who cares?”

“Grabe! Akala ko ba close na kayo?!”

“Sinong may sabi?” tumaas na naman ang isa niyang kilay.

“E diba lagi na kayong magkasama? Anong ibig sabihin nun?!”

 Nagshrug siya ulit. “Nothing,”

 

“Teka!” napahinto ako. “Speaking of Skye, ayun siya oh!” turo ko kay Skye na kasalukuyang may katawanang lalaki. Mukang junior palang.

Natigilan din si Geoff.

“Uy tingnan mo inaagaw niya sayo si Skye oh! Wala ka man lang ba gagawin?!”

“Inaagaw? Bakit, akin ba si Skye?”

Hey Sir! I Love You! (FINISHED)Where stories live. Discover now