C h a p t e r (27)

Start from the beginning
                                    

“S-sabi ko nga eh.”

Hindi ko alam kung ilang oras na ba yun o sobrang natagalan lang ako bago kami natapos. Sumakit na nga yung leeg ko sa sobrang tagal!

“Ayan! You look like a “lady” na!” masaya niyang sabi habang ngiting ngiting nakatitig sa pinintahan kong muka.

Tumingin ako sa salamin. Not bad. Nagmuka akong mature. Yung lips ko medyo pinkish tapos humaba din yung pilik ko. Ginawa niya ding brown yung kilay ko. Kinulot niya naman yung dulo ng buhok ko. Napablush tuloy ako! Hindi kasi ako sanay sa nakikita ko ngayon!

“So… what can you say? Galing ko diba?” nakangisi at proud na tanong ni Mel.

“Yeah…” nahihiya pa rin ako!

“C’mon! Dapat maging confident ka rin no! It’s so ugly naman kung medyo nagmuka kang mature tapos pa-shy type naman diba! Chin up!” hinawakan niya ang baba ko at itinaas ang muka ko. “Smile and be confident!”

Pinilit kong ngumiti. Ano kayang masasabi ni Jace pag nakita ako? Maiisip niya na kaya na hindi na ako bata?

“Ang ganda ng lips mo Shara! Naemphasize yung curve ng iyong lips! Baka matempt ang magaling na si Jace niyan!” namula tuloy ako sa sinabi niya.

Shiz! Pano kung ganun nga?! Party na party na!

Okay, joke lang talaga yun…

Tumingin siya sa wristwatch niya. “Oh my gee! 30 minutes nalang late na ako! Ang saya naman! Sige na, Shara! I need to go!” nagmamadali niyang sinalampak lahat ng make up sa itim na bag niya. Tutulungan ko pa sana siya pero wag na daw, baka daw pawisan pa ako! Kiniss niya lang ako sa cheeks tsaka patakbong umalis ng bahay.

Tinitigan ko ng maigi ang sarili ko sa salamin tsaka ngumuso. Mehehe. Nasisiyahan ako sa kulay ng labi ko. Tama nga siya, nagkacurve yung lips ko. I mean naemphasize. Naks!

“Ate, san ka pupunta?” antok na tanong ni Shami na halatang kagigising lang.

“Ha? Ah wala naman, bakit?”

“Bakit ka po nakaganyan?” sabay turo niya sa muka ko.

“W-wala to no! Wag mo ng pansinin! Tara, magcolor nalang tayo! May pinaassignment na sainyo si ma’am?”

“Meron po.”

“Tara! Gawin na natin!”

Tinulungan ko nalang si Shami sa assignment niya since wala naman kaming assignment (ata) para bukas. Pagtapos ko siyang tulungan ay nagluto na rin ako. Malapit nang dumating si Jace. Kinakabahan ako! Kung anu-anong scene ang pumapasok sa utak ko juskopo! Erase erase delete!

Hey Sir! I Love You! (FINISHED)Where stories live. Discover now