"Hey, where are you going?" Hinili niya ang braso ko. I smiled at him. Lumapit ako ng kaunti para marinig niya ako.

"Washroom. Sandali lang ako." Pinakawalan niya ako. Dumiretso ako sa washroom tulad ng paalam ko.

Humarap ako sa salamin at pinunasan ang kaunting pawis na nakuha ko sa kasasayaw. Hindi mapagkakaila na ine-enjoy ko ang gabing ito.

Nang matapos kong mag-ayos ay lumabas na ako. Nagulat ako nang makita si Troy na nasa harapan ko! I thought he's not going here? Bakit siya nandito? Bakit siya nasa harapan ko?

Sa takot na bigla kong naramdaman ay umiwas ako. Walang katao-tao sa hallway. Parang malamig na tubig ang bumuhos sa akin nang maalala ang nangyari noon sa dressing room.

"Clara, mag-usap tayo..." Hinawakan niya ang braso ko. Biglang lumakas ang kalabog ng dibdib ko!

"No! No..." Pinilit kong tanggalin ang kanyang kamay sa aking braso pero mahigpit ang pagkakahawak niya. Binitiwan ko ang maliit na bag na dala ko at ginamit ang isa kong kamay sa pag-alis ng kanyang hawak.

"Please, Clara. Gusto ko lang humingi ng tawad."

"Ayoko! Bitiwan mo ako!" Hindi na ako mapakali. Panay ang pagpupumiglas ko pero ayaw niya akong bitiwan. Naiiyak na ako! Tulungan niyo ako!

"Gusto ko lang humingi ng tawad sa nagawa ko. Patawarin mo ako, Clara." Umiling-iling ako habang patuloy pa rin sa pagtanggal ng kanyang hawak. Lalo na siyang napapalapit sa akin. Natatakot ako....

"No! Hindi na kita mapapatawad! Bitiwan mo ako!" Nang lumuwag ang hawak niya ay ginamit ko iyon para makatakas. Nanakbo ako. Nahirapan pa ako dahil sa sandals na aking suot. Sunod-sunod na luha ang kumawala sa mata ko. Natatakot ako.

Nabuhayan ako ng loob nang makalabas ako sa hallway na iyon. Nasa harap ko ang mga magkakaparehang sumasayaw kasabay ng isang love song. Pinili kong tumakbo sa dagat ng tao. Ayokong makita pa ako ni Troy. Natatakot ako.

Nang makarating ako sa gitna ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Some students are looking at me. Ang iba'y walang pakialam. Lalo akong naiyak. Bakit dito pa ako pumunta? Mukha akong basahan panigurado.

I searched for someone's face. Nasaan ka na? Bakit ngayon ka pa hindi magpakita? Umikot ako. Doon ay nakita ko si Niccolo na mukhang may hinahanap rin. Nang makita niya ako'y agad siyang lumapit sa akin. Worry is written all over his face.

"Shit, Claire. What happened?" Niyakap niya ako. Binaon ko ang aking mukha sa kanyang dibdib. Doon ko pinagpatuloy ang iyak ko.

"Nakita ko si Troy kanina. Natatakot ako, Niccolo." Yumakap ako sa kanya. Sobrang higpit.

"Fuck? Where is he? Anong ginawa niya? Kinausap ka niya?" Marahan akong tumango.

"Hinawakan niya ang braso ko. He wants us to talk. He want to apologize. Ayoko, Niccs. Natatakot ako." Paulit-ulit kong sinabi iyon habang sumasayaw kami hanggang sa unti-unti akong nahimasmasan.

Inangat ni Niccolo ang aking ulo at pinunasan ang aking luhaang mukha. Napahikbi ako.

"Ayos ka na?" Dahan-dahan akong tumango.

"Don't worry. I'll ask the teachers about this. Alam kong hindi pupunta si Troy dito. Pinakiusap ko iyon sa kanila." Nag-igting ang kanyang panga. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"What? Ikaw ang nagsabing hindi papuntahin si Troy sa prom?"

"Yes. Dahil alam kong mangyayari ito. Fuck. Walang kwentang kausap ang mga iyon."

Hindi na kami nag-usap matapos no'n. Tahimik kaming sumasabay sa ritmo ng kanta. Sobrang tahimik. Na kaya ko nang marinig maging ang tibok ng puso ni Niccolo. Nakatago pa rin ang aking mukha sa kanyang dibdib.

Chased (In Luv Series #1)Where stories live. Discover now