"What's your reason?" Matalim ang mga mata ni daddy.

"Mahina po talaga ako sa math, dad." Tamad kong ininom ang juice na nasa harapan ko. Hindi pa ako nabubusog. Pero nawalan na ako ng gana.

"Then you need to study more! Nasa first section ka, diba? Madali na iyang mabawi." Nagpatuloy siya sa pagkain. Ang dalawa ko namang kuya ay nag-usap sa ibang bagay.

"Kumusta kayo ni Chi? Wala pa kayong balak magpakasal?" Biro ni kuya Stephen kay kuya Patrick. Halos mabilaukan naman si kuya.

"Easy, bro." Inabot ni kuya ang baso ng tubig kay kuya Pat.

"Dapat kasi ay binabalak niyo na 'yan para hindi ka na nagugulat. Matanda na kayong pareho. Ayaw niyo pa bang magkaanak?" Mas lalong nabulunan ata si kuya Patrick nang inumin niya ang tubig. Inasikaso siya ni mommy.

"Kuya..." Banta ni kuya Patrick sa nakatatanda naming kuya. Kuya just shrugged his head while laughing.

"Anak, dapat talaga'y magpakasal na kayo. Gusto ko na ulit ng bagong apo. Malaki na ang anak ng kuya mo."

"Mommy!" Nanlaki ang mata ni kuya sa sinabi ni mommy. Natawa na ako.

"Bakit nga ba kasi kuya?" Kyuryosa kong tanong. Ilang taon na rin ba sila? O wala pa? Ilang taon rin kasi silang nagkahiwalay.

"Isa ka pa, bunso. Hindi pa papayag iyon. Kakabalikan lang namin." Tinignan niya ako ng masama.

"Kung ako sa'yo, tinali ko na 'yang girlfriend mo. Mamaya magbago pa isip niyan at iwan ka. Ikaw rin..." Umiling-iling pa si kuya bago pinagpatuloy ang kanyang pagkain.

Biglang kumunot ang noo ni kuya.

"She'll never leave me."

"'Yung tinutukoy niyong girlfriend ni Patrick, chinese 'yun diba?" Sabay-sabay kaming napatingin kay dad. Mukhang tapos na siyang kumain. Pinunasan niya na ang kanyang bibig.

"Yes, dad..." Si kuya Patrick ang sumagot.

"Ayos na ba sa pamilya niya ang relasyon niyo? Bawal ang hindi chinese sa kanila." Pinagsalikop ni daddy ang kanyang palad. Tinigil ko na ang pagkain. Mas gusto kong malaman ang tungkol dito.

"Pumayag na po ang daddy ni Chi. Gano'n din ang lola niya." Napangiti ako sa narinig ko! Hindi ko alam na nangyari na pala iyong gusto niya noon pa. Pero sabagay, paano nga naman magiging sila ulit kung hindi pa rin sila pinapayagan ng pamilya ni ate Chi.

"Then good. Siguro'y dapat mo na ring iconsider ang sinabi ng kapatid mo. Magplano ka na. Para makapamanhikan na tayo."

Hindi mawala ang ngiti ko nang gabing iyon. Pumayag na si daddy! I'm so happy for the both of them.

Pinapasok ko si kuya sa kwarto nang marinig kong kumatok siya. Katulad ko'y hindi rin mawala ang ngiti sa labi niya. Humiga siya sa tabi ko.

"Nandito si Niccolo kanina." Bungad niya.

"Anong ginawa?"

"Wala. Pinaakyat ko rito kanina pero sabi niya mukhang tulog ka na. Hindi mo sinagot 'yung katok niya."

Kumunot ang noo ko. Siya pala iyong kanina? Pero bakit? Kanina lang ay mainit ang ulo sa akin no'n. 'Wag mong sabihing tatambay na naman iyon dito.

"Ahh... nagpapahinga ako no'n. Tinamad akong pagbuksan siya ng pinto." Humarap si kuya sa akin. Nakakunot ang noo niya.

"'Yun lang ba? Nag-away na naman ba kayo?"

"Hindi." Umirap ako. Masyado talagang ususero itong kuya ko.

"May sinabi nga pala siya sa akin." Lalong nagsalubong ang kanyang kilay.

"May naghatid daw sa'yo dito kanina. Lalaki. Tapos sinundo ka rin nung pagpasok. Sino 'yun, Clara?"

"A friend." Labas sa ilong kong sabi. Ang sumbungero talaga ng lalaking iyon!

"Really? Kaya pala nagseselos 'yung kaibigan mo. Umuusok ang ilong no'n kanina." Tumayo siya mula sa kanyang pagkakahiga.

"Really, kuya? Gagawa ka naman ba ng kwento? Bakit magseselos 'yun? Ikaw na nga nagsabi diba? Kaibigan ko siya. Tsss." Umirap ako.

"Kaibigan mo siya pero hindi lang basta kaibigan ang turing niya sa'yo. Deal with it, bunsoy."

"Ano ba, kuya? Masyado pa akong bata para sa mga ganyang bagay. 'Wag mo nga akong turuan maglandi.." I made face.

"Oo nga bata ka pa. Kaya 'wag ka nang sasabay sa kung sinoman 'yan. Ako ang maghahatid sa'yo. Naiintindihan mo?"

Hinatid nga ako ni kuya kinabukasan. Kagabi pa lang ay sinabihan ko na si Troy na hindi niya ako pwedeng sunduin sa bahay dahil ihahatid na ako ni kuya. Mabilis naman siyang um-oo.

"Mag-ingat kayong dalawa." Bilin ni kuya bago pa man siya tuluyang umalis. May pasok pa siya sa trabaho pero talagang pinilit niya pang maihatid kami. I'm with Niccolo.

Hindi ko alam kung sinabihan ba siya ni kuya na sumabay na o nagkataon lang na pagdating niya sa bahay ay saktong paalis na kami ni kuya.

Nauna siya sa akin na maglakad. Sinundan ko lang siya. Wala sa sarili akong sumusunod sa kanya nang mabunggo ako sa likod niya! Anong problema nito at bigla na lang siyang huminto?

Nauna na lang ako sa kanya. Naglalakad na ako papunta sa room namin nang hilahin niya ang braso ko.

"Mabuti naman at hindi na kayo magkasabay ng nerd na 'yon." Binitawan niya rin agad ang kamay ko at sabay kaming naglakad.

"Hindi nerd si Troy." Pagtatanggol ko. Nasasanay na siyang tawagin si Troy na ganon. Baka may makarinig pa at maging tawag na sa kanya ng lahat iyon.

"He is. 'Tsaka bakit ba kayo palaging magkasabay?" Nakakunot ang noo niya. Hindi naman siya humaharap sa akin. Diretso ang tingin niya sa daan.

"Are you jealous?" Biro ko.

"Oo. 'Wag ka nang sumabay doon. Ako ang kapit-bahay mo kaya sa akin ka sumabay." Hinarap niya ako nang sinabi niya iyon. Napatigil ako habang siya ay nagpatuloy sa paglalakad.

"Paano?" Tanong ko nang makahabol ako sa kanya. Papasok na kami sa loob ng room. Agad niyang binaba ang kanyang bag nang makarating sa kanyang pwesto. Gano'n din ang ginawa ko.

"Anong paano, Clara? Reject him. Tsss." Inirapan niya ako.

"It's not easy, Niccs. Ilang beses ko nang sinubukan." Humarap siya sa akin.

"Gawin mo, Clara. Hindi subukan. Talagang hindi ka niya tatantanan."

"Sinabi ko na nga sa kanya! Pero sabi niya, bigyan ko muna siya ng pagkakataon para patunayan ang sarili niya. He's asking for one month..."

"At pumayag ka naman?" Hindi ako nakasagot. I don't know. Hindi ko rin alam kung pumayag ako o hindi. Basta'y sinabi niya iyon at obligado akong sundin.

"See? Ginusto mo kasi." Tinalikuran niya na ako. Nilabas niya sa kanyang bag ang libro sa math at isang malinis na papel. He scribbled something.

Dahil wala pa naman sina Rhein na katabi niya, tinabihan ko siya.

"Pero gusto ko na nga siyang patigilin. Ayoko siyang paasahin." Now I'm being honest with him again. Gusto ko na kasing masolusyunan ang problemang ito. Tutal ay alam niya ang puno't dulo ng lahat.

"And why did you entertain him on the first place?" Pinagtaasan ako ni Niccolo ng kilay. I don't know what to say.

"I'm just being friendly..." Sabi ko which is partly true. Friendly naman talaga ako.

"Tsss. That's not an excuse. If you really want to reject him, you'll do anything."

//posted april 24, 16

Chased (In Luv Series #1)Where stories live. Discover now