Napa-isip akong bigla. Babaeng naka-green? Ahm...


"Princess Fiona?" tugon ko.


"Mali."


"Ano?"


"Girl Scout kaya. Haha!" aniya habang humahagalpak ng tawa.


"Ang korni mo! Haha!" sambit ko habang humahagikgik ng pagtawa.


"Ayiiee, ang sweet niyo namang dalawa. Holding hands pa talaga," bungad ng tindera nang makarating kami sa tindahan ng street foods.


Bigla ko namang hinila ang kamay ko kaya natanggal sa pagkakaniig ang aming mga kamay. Nakakahiya tuloy sa mga nakakita.


"Bili na kayo hijo't hija. Masarap ang kwek-kwek ko. Halina't tikman niyo," hirit ng isang tindera.


Naalala ko na naman ang kwek-kwek na iyan. Iyan ang paborito ni Charlie noong kumain kami rito e.


"Mukhang may gumugulo sa isipan mo a," bungad ni Jerico.


"Hindi a. Huwag mo itong intindihin. Tara na, kain tayo."


"Ahm, trip mo bang kumain ng balot? Iyon kasi ang paborito kong kainin e."


Nang marinig ko ang balot, biglang nagpanting ang tainga ko. Ipakain mo na sa akin ang lahat huwag lang ang balot. Hindi ko kayang tiisin na makakita at lumunok ng kiti o sisiw. Nandidiri ako. Iniisip ko palang, nasusuka na ko.


"A-- e-- hindi kasi ako kumakain ng balot."


"Gano'n? Ang sarap kaya. Gusto mo turuan kita kung paano kumain?" tanong niya.


Bumili siya ng dalawang balot na para sa amin. Iniaalok niya sa akin 'yong isa pero hindi ko magawang kuhanin.


"Okay, panoorin mo na lang muna ako kung paano kumain," aniya habang nakangiti nang nakakaloko.


"Pilyo ka talaga! It's a no!" giit ko.


Tumalikod muna ako saglit dahil hindi ko kayang panoorin ang pagkain niya. Naririnig ko pa kung paano niya higupin ang sabaw no'n.


"Ang sarap talaga..."


"Bilisan mo na ngang kumain diyan. Malapit nang mag-5pm. Kailangan ko pang magsimba," pakiwari ko.


"Bakit ka magsisimba sa Katoliko e 'di ba Christian kayo?" aniya.


"Oo, Christian ako dati pero lumipat na ako ng relihiyon. Ako lang sa pamilya namin ang lumipat," paliwanag ko naman.


"Bakit naman?"


"Ahm, secret. Tara na nga, simba tayo."


Malapit lang ang simbahan sa may park. Isang sakay lang ng jeep, nandoon na agad.


Pagkarating namin doon, nag-sign of the cross kaagad ako nang bumungad sa akin ang pinto ng simbahan. Pagkapasok namin doon, nagkaniya-kaniya na kami muna ng dasal bago mag-misa.


Matapos ang misa, napagpasyahan namin ni Jerico na umuwi na. Naglalakad palang kami palabas ng simbahan, ay kaagad naming nasilayan si Charlie na nakatayo malapit sa may puno.


"C-Charlie..."


Napatigagal ako nang makita ko siya. Naramdaman ko naman ang paghigpit ng hawak ni Jerico sa aking kamay.


Hindi ko alam kung galit ba ang namumutawi sa mukha ni Charlie dahil sa matalim niyang pagtingin at seryosong itsura.


Nakakatakot ang aura niya ngayon kaya naman hindi ko alam kung ano ba ang dapat na gawin. Dapat bang tumakbo na lang ako palayo o kung dapat ko ba siyang harapin. Bumilis ang tibok ng puso ko nang masilayan ko ang black lady na bumubulong sa kaniya.


Hindi siya dapat magpatukso!


---


E/N: exciting ang next chapter, abangan...

The Return of ABaKaDa (Published)Onde histórias criam vida. Descubra agora