Chapter 84

35.9K 860 52
                                    

Uunahan ko na kayo ah..

BITIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIN!!!!!!!!!!!

3rd Person's POV

Lumipas ang tatlong araw na pananatili ni Yurika sa Tokyo kasama ang kanyang asawa. Ayaw na niya sanang bumalik pa sa impakta niyang ina pero kailangan. Kailangan niyang pagbayarin ito sa mga kasalanan niya.

Galit.

Galit ang nararamdaman niya sa kanyang ina. Talaga naman kasing hukluban ang nanay niya. Saksakan ng kasamaan.Nawalan na talaga siya ng amor sa kanyang tunay na ina..

Ina? Nararapat bang tawaging ina ang katulad niya?

Napakuyom siya ng palad sa naiisip niya. Nakasakay siya sa isang cab dala-dala ang mga gamit niya. Babalik na siyang muli sa impyerno.

Tama na ang tatlong araw para kumalma kahit papaano, para makapag-isip, at makatanda..

Hindi man niya natatandaan ang lahat ay ayos lang. Saka na lang siguro ang ibang memorya. May tatapusin muna siya.

Sa kabilang banda..

Nakatulala lang si Gino na nakaupo sa sofa. Buo na talaga ang desisyon niyang pakawalan na si Vienna o si Yurika.

Nung nalaman nilang tumakas ang babaeng ito ay tumutol siya sa nanay nito na ipahanap siya. Hindi na rin niya kasi kinayang lokohin pa ang kanyang minamahal. Tama na ang ilang buwan ng kanyang pagsisinungaling.

"Hindi ka ba talaga kikilos? Tatlong araw ng wala ang anak ko, ang fiance mo at wala ka pa ring gina--" naputol sa pagsasalita si Mistress Yuri nang may biglang sumigaw na masigla

"I'M HOME!" Nanlaki ang mata ni Gino ng nakita si Vienna na nakangiti. Tumakbo siya palapit sa nanay niya at yinakap ito sama bumeso.

"S-san ka ba galing anak ko? Bakit hindi ka man lang nagpaalam na aalis ka?"  He mentally rolled his eyes at what her mom said. Tss.

"If I would ask a permission, you won't allow me, so why bother? Haha!Which leads me to my question... bakit nga ba ayaw mo akong palabasin? Ang ganda pala sa Tokyo. Maraming akong napuntahan na magagandang lugar doon." Pagkwekwento pa nito. Natahimik naman si Yuri. Nilingon naman ni Yurika ang fiance kuno niyang nakatulala pa rin. Lumapit siya dito at yumakap. Hinalikan niya rin ito sa labi pero smack lang

Sorry Cyde, part of the act -Vienna

"I missed you babe. Sorry ah! Gusto ko lang naman lumibot saglit eh." Sweet na sabi ni Vienna. Nagtataka man ay pinili na lang tumango ni Gino at ngumiti.

Cyde's POV

Bakit ba kailangan niya talagang bumalik dun? Bakit ba kasi ganun pa yung plano nila? Tss.

I am so worried for her.

Damn! Iniisip ko pa lang na ang sweet niya kay Gino ay nanggagalaiti na ako sa galit. Bwisit talaga! Taena naman eh!

"Chill, brother." Inirapan ko lang ang ate ko sa sinabi niya at natawa lang siya.

Biglang bumukas ang pinto at napangiti ako ng makita siya.

He's finally here. Ang tagal nawala ng g*go matapos niya akong sapakin. Napakalaki ng pasasalamat ko sa lalaking to kahit na g*go to. Siya lang kasi talaga ang mapagkakatiwalaan ko sa kanila.

"Emperor, kilala ko na kung sino ang traydor and also, we're ready to back you up and to save our Empress." He said seriously.

"That's good to know...Hunter"

She's Owned by The Mafia's EmperorWhere stories live. Discover now