Chapter 51 - Nababahala

52.2K 1.1K 18
                                    

Vienna's POV

"Aray!" napasigaw ako sa sakit dahil aksidente kong nahiwa ang ring finger ko kung saan nakasuot ang wedding ring ko.

Napangiti ako ng mapait.

"Ikaw na singsing ka! Akin ka nga ba talaga dapat o dun sa Ria na yun?" para lang akong tangang kinakausap ang isang singsing.

"Tss. Ang sakit ng hiwa na to! Kingina naman kasi Vienna eh! Hindi naman kulay orange ang daliri mo para mapagkamalang carrots at hiwain din diba." sabi ko sa sarili ko sabay lapit doon sa lababo para hugasan tong sugat ko. Kinuha ko yung 1st Aid kit sa cabinet sa gilid lang netong lababo at naghanap ng band aid saka ito itinapal sa sugat ko.

Band aid? Bakit parang feeling ko nakakarelate ako sa band aid na ito?

Panakip butas este sugat? Panakip nga lang ba ako sa butas na iniwan nung Ria na yun sa puso ni Cyde?

"Pesheng gele! Ang drama ko!"

"Hey ate Viens!" napalingon ako kay Cysha na mukhang kakarating lang sa eskwela dahil dala pa niya ang hello kitty bag niya at ilang books.

Nginitian ko lang siya ng matamis.

"How's your tummy na po? Is it sumasakit?" nag-aalalang tanong niya. Umiling naman ako bilang sagot.

"Good to know! Anyway, what will be our ulam mamayang dinner po?"

"Ahh Caldereta." napakunot naman yung noo niya.

"Ate Viens, is there something bothering you?" why is she so mapagmantyag ba? Ayy anubayan! Nahahawa ako neto ni Cysha eh.

"W-wala noh!" maganda talagang gawain yan mahal kong dila! Sa sobrang ganda ay ang sarap mo ng putulin!

"You can't lie to me ate Viens. If there is something you want to ask, feel free to ask me." napabuntong hininga ako.
"Who's Ria?" finally natanong ko na. Mukhang natigilan naman siya bigla.

"You better ask kuya for that one. I'm sorry ate Viens." tamo tong batang to! May pa feel free to ask me pang nalalaman tapos ngayon you better ask kuya about that? Ang lakas din talaga ng tama nilang magkapatid eh noh.

It's been 3 days since that kidnapping incident happened but the words of that effin masked guy keeps on repeating on my mind amd it bothers me a lot.

Hindi pa nga ba siya nakakamove on sa ex niya?

Haist! Nakakabahala talaga!

She's Owned by The Mafia's EmperorWhere stories live. Discover now