Chapter 29 - The Past is Coming Back

68.1K 1.7K 65
                                    

Vienna's POV

Nawala na siya sa paningin ko nung sandali akong malingat. Hinanap siya ng aking mga mata ngunit hindi ko na talaga siya makita.

I didn't pay too much attention to this party which is the complete opposite of what I've told myself to do for this party.

Pinatayo kami ng host kaya tumayo kami ng nakangiti. Pinagharap kami at di ko inaasahan ang biglang pagluhod ni Cyde sa harapan ko at naglabas ng isang small red box.

Rinig ko ang pagpalakpakan at pangangatsaw ng mga kaibigan siguro niya. Kasama doon si Hunter at yung pinsan niyang nagsalita kanina.

"Vienna, honey. I know that we just met and know a little about each other. But, please, let's try to work things out. I know that I don't really need to do this because whether you like it or not, we are getting married but still, I want to do this as a sign that I am willing to accept and love you for who you are." hindi ko alam na may kasweetan pa lang tinatago tong gorilla na to. Hindi ko tuloy mapigilan ang ngiti ko. "Vienna San Jose, will you mary me?" For a moment ay nawala bigla ang sakit at galit na naramdaman ko kanina sa kanya. Ngumiti ako ng malaki. "Of course, and I am also willing to love you and accept you for who you are." I answered while smiling. Tumayo siya mula sa pagkakaluhod niya at isinuot sakin ang singsing na simple pero eleganteng tingnan. Isa siya gold ring na may maliit na diamond na nakapormang heart. Ramdam ko ang kagalakan niya kaya nadamay na rin ako. Hinalikan niya ako sa labi.

It was a 15 seconds passionate kiss. He held my cheeks who are turning red because of two things. First, I am embarassed because there are too many peopla around and second is kinikilig kasi ako! Hihihihi!

Niyakap niya ako at sa di inaasahang panahon ay nakita ko siya na nakatingin sa amin. Nakakunot yung noo niyang nakatingin sa amin.

I don't know if namamalikmata lang ako but I think I saw a tear from his beautiful eyes. I can see his pain through his eyes.

I should be proud. This is what he got for leaving and hurting my feelings before.

But I can't help it! It hurts for me seeing him hurting. Masakit pa rin para sakin ang makita siyang nasasaktan. Sobrang sakit!

Nakakuyom ang kamao niyang lumabas ng venue. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko.

Oras na para kumain. Nagpaalam sa kin si Cyde na kakausapin lang niya sina Hunter at ako nama'y nagpaalam na pupunta muna labas upang magpahangin. May garden kasi sa labas nitong hall ng hotel na ito.

"Ikakasal ka na pala." yung boses na yun ay napaka pamilyar hindi ko pwedeng makalimutan ang may-ari ng boses na yun. Nilingon ko siya na sana hindi ko na lang pala ginawa.

Seeing him crying hurts me like hell! It makes me want to run to him, kiss his lips, and hug him tight. But, he hurted me and left without even saying a single word.

"Masakit, Vienna. Sobrang sakit! Ako kasi dapat yung lumuhod sa harap mo at yayain kang magpakasal. Ako dapat yung humalik sayo. Ako dapat yung yumakap sayo ng ganung kahigpit. Ako dapat ang pakakasalan mo! Pero ang masakit dun ay hindi mo man lang sinabi sakin!" sinampal ko siya ng malakas. Hindi ko na rin napigilan ang pagtulo ng mga luha ko.

" Masakit Gino? Masakit ba? Oo nga eh. Ikaw dapat yun. Ikaw dapat yung lalaking gumawa sakin ng mga bagay na yun pero anong ginawa mo? Iniwan mo ko! Iniwan mo ko na wala man lang pasabi!" napayuko siya sa sinabi ko. Patuloy pa rin kami sa pag-iyak.

"Hindi mo alam kung anong mga napagdaanan ko. Wala kang alam sa mga pinagdaanan ko simula nung nawala ka! Bumalik lahat sa kin ang sakit at galit! Tapos sinusumbat mo sakin ang hindi ko pagsabi sayo na ikakasal na ko? Sorry ha? Pero kasi sa pagkakaalam ko, simula ng iniwan mo ko, wala ka nang pake sa kung anong gusto kong gawin. Wala na!" pininusan ko ang luha ko at pumasok na sa hall.

Buti na lang busy ang mga tao kaya naman dumiretso ako sa hotel room na pinagbihisan ko kanina.

Naupo ako sa lapag sa tabi ng kama at doon umiyak.

Minahal ko siya ng buong puso! Minahal ko siya ng totoo!

Nangako siya sakin na kahit anong mangyari ay hinding- hindi niya ako iiwan. Pero anong ginawa niya? Iniwan niya ako! Itinapon niya ako ng parang basura lang.

Naramdaman kong may maiinit na brasong yumakop sakin at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

"Shhhh. Iiyak mo na lahat ngayon. Bukas makalawa ay magiging maayos na rin ang nararamdaman mo. Nandito lang ako sa tabi mo. Hindi kita pababayaan. Tutulungan kitang makalimutan ang nararamdaman mo sa gagong yun. Tarantadong yun! Iniwan ang isang magandang dilag na tulad mo. Well, sorry siya dahil kahit anong hiling niyang ibalik kita sa kanya ay hinding-hindi ko gagawin. You are mine and I am yours till death do us part." niyakap ko siya ng mahigpit. Automatic na nawala ang sakit na nararamdaman ko. Napalitan ito ng tuwa at kilig.

Ang abnormal ko na!

She's Owned by The Mafia's EmperorМесто, где живут истории. Откройте их для себя