Chapter 3 - Venue

107K 2.6K 90
                                    

Handa na lahat ng gamit ko at nandito na ako ngayon sa club, hinihintay si Mama Felipa.

There's no turning back! Kailangan kong maging matatag at malakas. Hindi dapat ako magpakita ng kahit anong senyales ng kahinaan kung ayaw kong maapi.

"Vienna, my dear! Early bird as always ka talaga! Halika na't handa na ang van para dalhin tayo sa paggaganapan ng The Big Show." Sumunod na ako dito sa baklang ito. Tinulungan naman ako ng kasama niyang lalaki na may malalaking muscles sa pagbitbit ng mga maleta ko.

Naghihintay na nga ang van na sasakyan namin. Sumakay na ako at naupo sa katabi ng bintana.

"Maari kang matulog kasi malayo-layo pa naman ang pupuntahan natin eh. " tumango ako at sinuot yung shades ko saka sumandal sa bintana hanggang sa nakatulog nga ako.

*******
Nagising ako nung may kumalabit sa akin. Tinanggal.ko ang shades ko at bumungad sakin ang mukha ng isang lalaking maraming kanto ang mukha.

"Nandito na po tayo ma'am. Nasa labas na po si Mama Felipa." Shet! Hindi ba uso sa kanya ang tooth brush? Makababa na nga.

O__O Ang ganda!

Bumungad sa akin ang isang engrandeng staircase paakyat doon sa malaking mansyon na gawa ata sa ginto. Medyo mapuno ang paligid at masasabi kong nasa bundok kami. Medyo madilim na rin. Ilang oras siguro ako nakatulog.

"Halika na my dear Vienna. Naghihintay na ang mga mag-aayos sayo." Biglang sulpot ni Mama Felipa. Tumango na lang ako bilang sagot at sumunod sa kaniya.

Bumungad sa amin ang napakalaking chandeleir na na syempre, gold din.

Kung maganda na sa labas ay lalo naman dito sa loob. Gold na gold lahat eh!

Sumakay kami sa elevator kahit second floor lang naman ang pupuntahan namin. Eh kasi naman kung maghahagdan kami ay talagang nakakapagod din sa sobrang haba ng hagdan.

Pati dito sa second floor ay gold din. Grabe talaga! Pumasok kami sa isang pinto na gold din.

Pagpasok namin ay nalaglag ang panga ko sa sobrang ganda ng kwarto. Napakalawak! Sa isang side ay may queen sized bed tapos sa kabilang side ay my sofa na malaki at tv rin na flat screen.

"Maligo ka na. Ihahanda na nila ang mga isusuot mo ngayong gabi." Kinuha ko ang bath robe na inaabot niya at pumasok na nga sa banyo na tinuro niya.

Talagang pati banyo kailangan gold? Gold na bath tub, sink, toilet bowl, at shower. At may mini chandeleir din sa tapat ng bath tub. Grabe! 

Nakahanda na yung bath tub. May mga petals of roses na lumulutang sa tubig. Naghubad na ako ng damit at lumusong sa bath tub. Mamaya pang 10 pm ang big show at 6 pm pa lang naman. May oras pa para magbabad dito at magrelax.

Ipinikit ko ang mata ko.

Ito na talaga. Kailangan ko ng talikuran ang buhay na meron ako noon at harapin ang hinaharap. Para ito kayla lolo at lola kaya kakayanin ko ito. Mahal na mahal ko sila.

She's Owned by The Mafia's EmperorWhere stories live. Discover now