Chapter 6 - The Mansion

106K 2.9K 210
                                    

Ilang saglit lang ay umalis na nga kami sa venue nung The Big Show. Sumakay kami sa isa limo na kulay black na ikinalaglag ng panga ko. Nakakailang beses na ba nalaglag ang panga ko sa ngayong gabi? Hindi ko na nabilang.

"Do you like the car?" Biglang sulpot nung Ivan . Napatingin ako sa kanya at tumango.

"Paano pa kaya kung nakita mo.na ang.titirhan mo." Bigla akong nacurious sa sinabi ni Cysha.

"You may take a rest daughter-in-law, malayo-layo pa naman ang mansion." Tumango ako sa sinabi ni Mrs.Feronto at pumikit na. Kailangan ko ng ihanda ang sarili ko.

****************

Nagising ako dahil sa isang kalabit. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang maliit na chandeleir.

Chandeleir?

Napaupo naman ako bigla dito sa hinihigaan kong queen-sized bed. Tumingin ako sa kanan at may nakita akong sofa set at 46" flat screen tv. Tapos mayroong doorway. Tumingin naman ako sa kaliwa at may nakita akong parang mini library. May pinto doon sa side na yun. Tumingin naman ako sa harapan ko at mayroon doong parang grooming area. Tapos sa medyo gilid nun ay isang pinto na mas malaki kesa sa pinto doon sa kaliwa.

Isa lang ang masasabi ko sa mga nakita ko ngayon.

"WOW!" Pero teka? Asan ba ako? Suot ko pa rin yung gown na suot ko kagabi pero yung accessories ay nandun na sa mini grooming area.

Napatingin ako sa pinto na katabi nung grooming area dahil bigla itong bumukas at iniluwa nun si Cysha na nakangiti.

"Hi ate  Vien! Mukhang napasarap ang tulog mo dito sa kwarto ni kuya Cyde ah." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. So kwarto ito ng kuya niya? Kaya pala very masculine yung scent ng kwarto at yung walls and ceiling ay gold at yung mga furnitures ay black,white,and silver. Very manly but I like it.

Wait! So kuya niya yung may-ari ng kwarto na to so ibig sabihin yung f-fiance kuno ko yung may-ari ng kwarto na ito.

"We are in kuya Cyde's mansion already. You have to get up na ang take a bath. Kuya is coming for breakfast. Hindi siya umuwi dito dahil siguro ay sa hotel natulog yon kasama ang ibang slut." Medyo natawa ako dahil nagmake face siya at ang cute niya talaga. Tumayo na nga ako at tinuro niya sakin yung bath room. Doon yun sa doorway kaya pumunta ako dun. Straight ahead ay my pinto at sa kanan ko naman ay may pinto rin. Sa kaliwa ay golden wall na lang talaga. Sabi ni Cysha ay yung bathroom  ay yung pinto na nasa harap ko at yung nasa kanan ko ay ang walk-in closet namin.

Pumasok na ako sa bathroom at hindi na rin ako nagulat na gold din dito at black yung sink, shower, toilet bowl, at malaking bath tub. May isang shelf dun kung nasaan ang shampoo, conditioner, milk soap, at bar soap. Nakaready na talaga dahil may mga pambabae. Ang galing!

I took a shower as quick as I could tapos dumiretso na ako dun sa walk-in closet ko. Sa middle ay makikita mo ang isang malaking salamin sa kabilaan naman nun ay may mga sapatos. Yung nasa right ay para sa pambabae at panlalaki naman yung sa isang side. Halos lahat ng sapatos dun na pambabae ay mukhang kakabili lang. May malaking cabinet din magkabilaan. Yung nasa right ay akin at yung nasa left ay panlalaki. May manequin akong nakita na may suot ng plain black sando at short shorts. May papel na nakadikit dun.

'Wear this ate Vien and also the slippers for our breakfast. -Cysha'
So siya yung nagprepare ng damit ko. Kung siya ay naka pink sando, ako naman ay magblablack? Haay! Maisuot na nga. May nakahanda rin palang underwear, syempre yun yung akin talaga.

Matapos kong magbihis ay lumabas na ako ng closet at kumuha ng suklay doon sa grooming area. Balak ko pa sanang iblower yung buhok ko pero biglang sumulpot si Cysha at pinigilan ako. Gutom na rin daw kasi siya.

Paglabas namin ng pinto ng kwarto ay bumungad sa akin ang napakalaking chandeleir na pawang gawa sa crystals. Tumungo ako dun sa railings at kitang-kita ko ang ilang katulong na busy sa paglilinis sa baba. Sa tapat ng kinatatayuan ko ay yung grand stair na gold

Parang ganito kasi dito sa sevond floor.

                     Me
-----------------------------------------
!                                                  !
!                                                  !                                                        !                                                  !
!                                                  !
!                                                  !
!                                                  !
!                                                  !  !                                                  !  !                                                  !
-------------grandstairs-------------

Sa both sides daw ay iba't ibang room tapos yung pintong malaki na bubungad sayo pag-akyat mo ng grand stairs ay mini library daw. Dumaan kami sa right side papunta dun sa stairs at bu maba na nga dun. Pagbaba mo ay bubungad ang red carpeted floor. Mga 25 meters away naman yung pinaka main door na sobrang laki. Nakabukas ito at kitang-kita ang fountain sa labas. Medyo mapuno sa paligid kaya masasabi kong tago itong lugar na ito. Pumunta kami sa right side kung saan may malaking pinto rin. Doon daw yung dining room. Nakita ko roon sina Mr. and Mrs. Feronto na nakaupo na. May pagkain ng nakahanda sa mesa at may 5 plato, baso,kutsara,tinidor,at table napkin ang nandun. Naupo ns ako sa bakanteng upuan na katapat ni Cysha. May dalawang bakante pang upuan sa tabi ko.yung isa ay may nakahanda ng plato,kutsara't tinidor, at table napkin.

" Good morning po pala." Sabi ko. Nginitian nila ako at nag good morning din.

"So nagustuhan mo ba ang mansion ija?" Biglang salita ni Mr.Feronto. Ngumiti ako at nagsalita.

"Sobra po! Ang ganda-ganda dito! Ang laki po. Parang maliligaw po ako sa sobrang laki dito." Ngumiti sa akin si Mrs. Feronto.

"Buti naman kung ganoon. Dito ka na maninirahan mula ngayon. Maya-maya ay darating na si Cyde at siya na ang magtotour sayo dito sa mansion niya at babalik na kami ng France."

Babalik sila ng France?

"Hindi po kayo nakatira dito?" Tanong ko.

"Hindi. Sa France na kami nakatira. Siya kasi ang nagmana ng ilang business namin dito pati na rin yung CF Empire." Sabi ni Mrs. Feronto.

"Ano po yung CF Empire?" Tanong ko. Parang ang powerful kasi nung pangalan na yun.

Hindi pa nasasagot ni Mrs.Feronto yung tanong ko ng biglang may pumasok na isang matangkad, macho, at sobrang gwapong lalaki.

"Good morning my dearest family!"

She's Owned by The Mafia's EmperorWhere stories live. Discover now