Chapter 33 - Swimming

71.6K 1.5K 122
                                    

Vienna's POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko.

Sinilip ko ang katabi kong natutulog ng mahimbing. Hindi pala natuloy yung dapat namimg ginawa kagabi. Sayang! Hahaha!

Bumangon ako at tumungo sa kitchen dito. Binuksan ko yung ref nila upang humanap ng pwedeng iluto.

May nakita akong hotdog na mukhang kakabili pa lang din. Ok na to.

Humanap ako ng frying pan at mantika. Sinimulan ko ng lutuin yung hotdogs. Pakanta-kanta pa ako ng favorite song kong Girlfriend ni Avril Lavigne.

Cyde's POV

"HEY HEY, YOU YOU! I DON'T LIKE YOUR GIRLFRIEND! NO WAY NO WAY, I THINK YOU NEED A NEW ONE. HEY HEY YOU YOU I CAN BE YOUR GIRLFRIEND!" napabangon ako sa higaan ko ng narinig ko yung sigaw este kantang yun. Peste! Pwedeng-pwedeng gawing alarm clock!

Tumungo ako sa kusina dahil doon nagmumula yung sigaw este kanta na yun.

Napailing na lang ako habang nakangiti habang pinagmamasdan si Vienna na sumisigaw este kumakanta habang sumasayaw-sayaw pa. Nagluluto ata siya ng hotdog. Amoy na amoy eh.

Hindi niya ako napansin nung nilapag niya na yung ulam naming hotdog sa lamesa. Abala pa siya masyado sa pagsigaw este pagkanta at pagsayaw niya.

Nakatalikod na siya mula sa akin ngayon at kumukuha ng mga plato.

Nilapitan ko siya at niyakap mula sa likuran.

"Ayy kabayong kokak!" halatang nagulat siya dahil sa pagigtad niya.

"Good morning, honey." I greeted her and lightly kiss her nape. Ramdam ko ang pagkatense ng katawan niya.

"ARAY! PUCHA!" Tangina! Siniko niya yung 'ano' ko!

Napaupo ako dahil dun at siya naman ay tawa ng tawa.

"Epal ka kasi eh! Kitang babasagin yung mga plato dito eh!" sabi pa niya. Inayos niya na yung pagkakainan namin.

...........

Matapos naming kumain ay ako ang pinaghugas niya ng plato. Peste! Natalo kasi ako kanina sa staring contest namin habang kumakain. Nginingitian ko na siya ng pamatay pero naka poker face lang siya tapos nung bigla siyang ngumiti napaiwas ako ng tingin. Bigla kasinh tumibok ng mabilis yung puso ko eh. Bwisit talaga!

"Kamusta ang paghuhugas mahal na prinsipe? Hahahaha!" nilingon ko yung nagsalita. Siya si Kikay, anak ni Mang Kiko. Medyo malapit kaming magkaibigan kasi nga dahil kay Mang Kiko.

Winisikan ko siya ng tubig kaya lumaki na naman yung butas ng ilong niya at winisikan din niya ako ng tubig.

"Gago ka talaga kahit kailan Feronto!" singhal pa niya sakin sabay wisik ng tubig. Ginantihan ko rin siya. Nagtatawanan kami habang patuloy sa pagwiwisikan ng may sumigaw.

"Putang ina! Ang sabi ko maghugas ka at hindi makipaglandian sa kung sino-sinong babae lang! " sigaw ni Vienna sabay labas ng naka TWO PIECE?

Pucha! Ang init!

"Hahaha! Sundan mo na yung asawa mong selosa. Ako na ang bahala dito." sabi niya. Nanlaki naman yung mata ko at napangiti ng malaki.

"Sa tingin mo nagseselos siya?" nakangiting tanong ko sa kanya. Umirap siya sa akin.

"Psh! Oo naman! Sige na bilisan mo na!" sigaw niya. Sinunod ko.ang sinabi.niya.

Tumakbo ako palabas. Naabutan kong nagtatampisaw si Vienna sa seaside. Lumapot ako at binasa siya ng tubig.

"Ano ba! Tangina mo ka ah!"sigaw niya sakin. Nginitian ko lang siya at binelatan.

"Oh ano? Tapos ka nang makipaglandian sa iba kaya ako naman? Tangna mo!" sigaw niya ulit at binasa ako ng tubig. Ginantihan ko siya.

"Bwisit! Eto sayo!" sabi niya sabay dampot ng mga buhangin at binato sakin.

"Aray!" nagkunwari akong napuwing pero umirap lang siya.

"Buti nga sayo!" sabi niya tapos lumusong sa tubig. Sinundan ko siya at agad kinarga ng pabridal style nung naabutan ko siya.

"Puta! Ibaba mo nga akong unggoy ka!" sigaw pa niya pero nilubog ko siya sa tubig.

Nakawala siya at ako naman ang nilublob niya sa tubig.

"Tangina mo!" sabi pa niya.

Natawa na lang ako sa pinaggagagawa namin ngayon.

Hindi niyo alam kung gaano ako kasaya ngayon.

Kikay's POV

Ang saya nila.

Sobrang saya nila!

Hanggang kaibigan na lang ba talaga ako?

Napangiti ako ng mapait.

Oo, Kikay. Kahit anong gawin mo, kaibigan lang ang turing niya sayo!

******************************

A/N : I just want to apologize for this late update. Marami na kasi akong ginagawa sa school eh.

Salamuch sa mga patuloy pa ring nagbabasa at sumusuporta sa kwentong ito!

She's Owned by The Mafia's EmperorWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu