Chapter 53 - Picture

51.5K 1.1K 45
                                    

Third Person's POV

"Sino si Ria?"

"Sino si Ria?"

"Sino si Ria?"

Yan ang paulit-ulit na lumalabas sa utak ni Cyde na kasalukuyang nakatulala habang nakaupo sa swivel chair niya sa kaniya opisina.

"ARGGGH!! DAMN IT!" napasabunot siya sa sobrang frustration. Hindi niya alam kung bakit hindi niya masabi kay Vienna kung sino si Ria. Sino nga ba si Ria??

Siya lang naman ang kauna-unahang nagpatibok sa puso niya kasing tigas ng bato. Siya ang unang babaeng minahal niya ng higit pa sa buhay niya.

Kung sasabihin niya iyon kay Vienna ay baka masaktan lang ito at ayaw niyang nakikitang nasasaktan siya.

Mahal niya si Vienna pero hindi pa rin niya maiwasan na masaktan sa tuwing mababanggit ang pangalan ni Ria.

Binuksan niya ang kanyang drawer kung saan naroroon ang ang litrato nila ni Ria. Kitang-kita kung gaano sila kasaya sa isa't isa. Kung gaano nila kamahal ang isa't isa.

Hinaplos niya ang mukha ni Ria sa litratong iyon.

"I miss you... I miss you very much." nasambit niya. Iyon ang naabutan ni Vienna pagpasok niya ng opisina ni Cyde. Nais niya kasing sorpresahin ito sa pamamagitan ng pagpunta niya dito at pagdala ng lunch nito na kanyang iniluto.

Nabitawan niya bigla ang kanyan dala kaya nabaling ang atensyon ni Cyda sa kanya.

Ngumiti si Vienna ng alanganin.
"S-surprise?" alangan niyang sabi sabay pulot ng nalaglag niyang bitbitin. Nginitian naman siya ni Cyde na parang alanganin din.

"K-kanina ka pa ba?" alangang tanong ni Cyde. "Hindi naman.. saktong sakto lang sa pagsabi mo ng I miss you habang hawak ang isang picture.. ang saya diba?" ayan ang gusto sanang sabihin ni Vienna ngunit umiling na lang siya at ngumiti.

"I brought you a lunch. Ako nagluto niyan kaya masarap yan! Ubusin mo ah? Kung hindi ipapabugbog kita sa mga adik." sabi na lag niya. Natawa naman si Cyde sa sinabi ng asawa. Bakit nga ba siya nainlove sa isang tulad niya? Magkaibang-magkaiba sila ni Ria. Kung anong kinahinhin sa pagkilos at pagsalita ni Ria ay yun namang kinasiga at kinaamazona netong si Vienna.

"Hindi naman ako mabubugbog ng mga adik. Baka sila pa nga mabugbog ko eh." nakangiti niyang sabi kay Vienna. Umirap naman si Vienna at nagsalita.

"Haay nako! Feeling ko babalik si Typhoon Yolanda dahil sa sobrang kahanginan mo."

"Ganun talaga! Ang cool ko kasi eh." sabi pa ni Cyde.

"Ayos lang yan... Libre namang mangarap." sabi ni Vienna. Napatawa naman si Cyde.

"Oo nga pala, hindi ako cool kasi I am so damn hot that I can make you scream in pleasure." agad namang hinampas ni Vienna si Cyde ng isang magazine na natagpuan niya sa kung saan.

"Leshe ka talaga! Kingina mo!" inis na singhal ni Vienna habang pinapalo si Cyde. Natatawang umiiwas naman si Cyde sa hampas ng kanyang asawa.

"Hahaha...Honeybabe stop it...hahaha...ouch honeybabe! You're hurting me!"

"Honeybabe mo mukha mo!! Hutayna ka talaga kahit kailan!! Bwisit!! Nakakaimbyerna ka na talaga!! Makahoneybabe ka parang kanina lang naga-I miss you ka sa isang picture!! Tapos ngayon... Arggghh bwisit! Ang manhid mo!!" sigaw ni Vienna sa kanya habang patuloy sa panghampas. Natigilan naman si Cyde bigla. N-narinig niya yun?? tanong niya sa kanyang isip.

Nahawakan niya na ang kamay ni Vienna kaya napatigil na ito.

"V-Vienna..yung about sa narinig ma kanina.. yung about kay Ria.." pagsisimula ni Cyde. Kumawala naman si Vienna.

"A-ahh hindi mo naman kailangan magpaliwanag. In fact alam ko namang may mahal kang iba at kaya lang tayo nagpakasal ay dahil nabili ako ng magulang mo." sabi ni Vienna na nagpatunganga kay Cyde.

"Ahh sige a-aalis na a-ako.. M-may gagawin p-pala kaming thesis. B-Bye!" pagpapaalam ni Vienna at mabilis na naglakad palabas ng opisina ni Cyde. Dumiretso sa CR at doon na tumulo ang mga luha na kanina pa niya pinipigilan.

Napatingin siya sa kanyang repleksyon.

"Para kang tanga Vienna.. Sino ka ba para mahalin ng isang Cyde Feronto? Mas maganda sayo si Ria kahit anong gawin mo. Mas mahinhin, mas mabait, mas pormal na babae. Eh ikaw? Palengkera ka! Binayaran ka lang naman ng magulang niya diba? Haist! Ang assuming mo kasi!" sabi niya sa kanyang repleksyon sa salamin. Nalaman na rin niya kung sino si Ria dahil kay Cysha. Ikinuwento sa kaniya ni Cysha kung sino si Ria at bilang kapalit ay binilhan niya ng stufftoy na hello kitty si Cysha.

Napahawak siya sa kanyang tiyan na medyo malaki na.

"Hayaan mo anak.. magpapalakas si mommy. Hindi ko hahayaan na makaranas ka ng broken family kaya pipilitin ni mommy na mainlove sa kanya si daddy. Ok ba yun?" nakangiti niyang banggit habang hinahaplos ang kanyan tiyan.

****************

A/N: Sorry po sa late update!!!! Masyado po kasi akong naging busy sa school. I hope you understand.

Thank you po sa lahat ng sumusuporta pa rin sa story na ito!!

Btw, BABAE po ako.. just saying.. hehe!

She's Owned by The Mafia's EmperorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon