Chapter 24 - Piggy Fight

90.2K 2K 292
                                    

Vienna's POV

Bumaba na kami ng kotse and as usual, hindi niya ako pinagbuksan ng pinto.

Andito kami ngayon sa isang abandoned warehouse na hideout nila. Ano pa nga bang aasahan ko sa itsura ng mga hideouts? Psh! Parang sa mga binabasa ko lang na libro eh.

Pagpasok namin ay may isang gwapong lalaki na sumalubong samin. Nakablack suit din siya katulad ni Cyde.

Nagbow siya sa amin at ngumiti.

"It's nice to finally meet our dear Empress. I'm Hunter, emperor's right hand." he said with full of respect. Tinanggap ko yung kamay at ngumiti.

"Anyway, the underground battle will start at 8 pm but Mr.Chen will arrive at 10 pm because he had just arrived from Paris a few hours ago." napaka seryoso pala nitong lalaking to. May ipinakita pa siyang picture. Kuha ito sa airport. Isang lalaking mataba na may mamula-mulang balat. Lechon ba to?

"Puta! Nakapag Paris pa yung baboy na yun pero hindi niya mabayaran yung limang milyong utang niya sakin." parang elibs pa tong si Cyde sa sinabi ni Hunter. Pero oo nga naman. Nakakapag Paris pero hindi makapagbayad ng utang? Tsk.tsk.tsk.

"Is there any problem, Empress?" napatingin naman ako kay Hunter na nakakunot yung noo. "Bakit umiiling-iling po kayo?" dagdag pa niya.

"Ah..eh.. Nakakaloko din kasi talaga yung Mr.Chen na sinasabi niyo. Pucha! Nagfifeeling mayaman pero hindi mabayaran ang utang tsk.tsk.tsk." sagot ko naman.

"I know right! Haist! I shouldn't have trust a pig." pailing-iling namang sabi nitong si Cyde.

"Pero teka lang. Ano bang klaseng baboy-este-lechon-este-tao si Mr.Chen?" nakakunot noong tanong ko sa kanila. Medyo natawa naman si Hunter at si Cyde naman ay nakahawak na sa tiyan niya habang humahalakhak.

"Hahahahhaha! Puta! Baboy? Lechon? Hahaahahahahahahahahaa!!" grabe naman makatawa to.

"Makatawa wagas? Kailangan talsik laway?" sabi ko tapos pinunasan ko yung talsik kunwari. Wala naman talagang talsik. Joke lang yun. Hehehe. Napatigil naman siya tapos pinusan yung bibig niya.

"Wala naman ah!" singhal niya.

"Naniwala ka naman? You're so gullible." inartehan ko pa yung pag english ko. Si Hunter naman ang tumawa ng malakas. Yiiieee! Ang gwapo niyang tumawa hihihi!

"Psh! Tumigil ka nga Hunter!" tumigil naman si Hunter pero halatang nagpipigil siya.

"Halika na nga! 8 pm na rin naman. Manuod na lang tayo ng Underground battle." sabi niya sabay hatak sa akin pasakay sa kotse niya. Ngayon ko lang napansin na marami na rin palang men in black dito. Mga naninigarilyo. Pero infairness, mga gwafu rin sila. Hihihi! Bakit ba ang landi ko ngayon?

Sumakay na kami sa kotse at nagdrive na siya. Ang bilis namang magpatakbo!

"Hoy! Hinay-hinay lang! Masyado ka namang excited makita yung baboy na yun eh. Namiss mo ba siya? Sabi ni Hunter 10 pa daw dating nun dun." sabi ko sa kanya. Tiningnan naman niya ako ng masama. Medyo bumagal na rin yung takbo ng sasakyan.

"Excited na akong mapatay yung piggy-este-druglord na yun! Ayos lang kasi sana sakin kung yung 5 million ay ginamit niya sa matinong bagay pero ang ipambili lang ng droga? Psh! That's unacceptable!" ah kaya pala gusto niyang patayin. Druglord pala yung baboy na yun? Tsk.tsk.tsk! Papatayin niya? Hala!

Mas mabuti yun! Para naman mabawasan yung mga taong gumagamit ng drugs. Minsan kasi yun yung dahilan kung bakit nakakagawa ng krimen yung iba eh.

Ang sama ba ng ugali ko? Wala ka ng pake don!

She's Owned by The Mafia's EmperorWhere stories live. Discover now