Chapter 19 - Yakuza

78.4K 1.8K 46
                                    

Doctora Hudson's POV

Umalis na sila ng clinic dahil ok na yung paa ni Vienna.

Haaaaay! Kamukha niya talaga si Yuki Takamoto. Kahit sa pag-aray niya habang ginagamot yung sugat niya ay parang siya si Yuki-chan.

Sino si Yuki-chan?

Siya yung asawa ng pinsan ko sa mother-side na si Riko-san.

Parehas silang pure Japanese at ako naman ay half lang. Kaya nga Hudson ang apelido ko eh.

Ilang taon na rin ang nakalipas simula nung namatay sina Yuki-chan at Riko-san. Hindi ko alam kung paano sila namatay. Nagtago kasi sila noon bago pa sila mamatay. Ang alam ay iniba rin nila yung pangalan nila. Hindi ko nga lang alam kung paano.

Kabilang ako dito sa CF Empire dahil na rin kay dad. Siya kasi ang dating doctor dito. Si mom naman, ang alam ko ay anak ng namumuno ng Takahashi Clan. Sila ay isang Yakuza at sila ang mahigpit na kalaban ng Takamoto Clan na isa ring Yakuza. Sa clan naman na ito nagmula si Yuki-san. Ang tito Roko na kapatid ni mom ang namahala ng clan nina mom. Siya ang tatay ni Riko-san. So bale, forbidden love yung sa kanila. Pilit silang pinaghihiwalay pero di magawa. Ang alam ko nagkaanak sila pero patay na rin iyon. Pinatay din daw yun kasama nung ni Yuki-chan.

Sa ngayon, wala akong updates about sa mga Yakuza.

Ang mga Yakuza ay mas malakas, mas makapangyarihan, at mas demonyo kesa sa mafia na katulad na lang nitong CF Empire. Under ng Okihama Clan ang CF Empire. Ang clan na ito ang pumapagitan sa dalawang clan na magkaaway. Wala silang pinapanigan kaya hindi naman labag ang pagmamahalan ng mga parents ko.

She's Owned by The Mafia's EmperorWhere stories live. Discover now