Chapter 2 - Pamamaalam

115K 2.7K 30
                                    

Nandito ako ngayon sa club na sinabi ni Marikit. Hinihintay ko si Mama Felipa. Haaay! Napakaingay dito!

"Vienna, my darling!" Oh nandito na pala siya. Nilapitan niya ako at nakipagbeso. "Sorry for being late." Nginitian ko na lang siya biglang sagot.

"Anyways, mukhang nangangailangan ka. Anong maitutulong ko sa iyo, my dearest?" Huminga ako ng malalim sa ka nagsalita. "Payag na akong sumali sa auction." Napa 'yes!' siya at ngumiti ng napakalaki.

"Areglado! Bukas ang big event! Maraming mas mayayaman bukas kaya siguradong limpak-limpak ang makukuha ko, I mean natin na pera!" Ngumiti na lang ako sa kanya. "Magkita tayo dito ng 2pm. Magimpake ka na ng mga damit mo." Napalunok ako sa sinabi niya. Haay! Wala ng bawian to. Para naman ito kayla lola eh.

"Maasahan mo ako. Sige, aalis na ako para makapag-empake na ako." Tumayo na ako at umalis doon. Dadaan muna ako sa hospital. Gising na si lola kaya magpapaalam na ako sa kanila.

Nagjeep lang ako papunta ng ospital kahit medyo mahabang lakaran pa mula sa babaan ng jeep ang hospital kasi magkano ba lang ang pera ko. Buti na lang at hindi traffic.

Pagkarating ko sa hospital ay tumungo agad ako sa kwarto kung saan nakaconfine si lola. Nagmano ako sa kanila at tinanguan si Marikit.

Huminga ako ng malalim saka nagsalita."Lola, lolo... aalis na po ako. May nahanap na po kasi akong trabaho sa ibang bansa." Sinungaling! Kailangan kong magsinungaling para hindi sila gaanong mag-alala. Alam kong alam ni Marikit ang totoo ngunit alam kong hindi niya iyon sasabihin dahil napag-usapan  na namin yun.

Kita ko ang pag-alala sa mukhan nina lolo. Sorry po..
"Sigurado ka ba dyan apo?" Tumango ako."O sige. Basta mag-iingat ka ah! Wag kang paaapi kahit kanino!" Sabi ni lolo. Niyakap ko na sila ng mahigpit na mahigpit. "Mahal na mahal na mahal ko po kayo. Pagaling po kayo ah?" Humiwalay na ako sa yakap at pinunasan ang luha ko.

"Kelan ba ang alis mo iha?" Tanong ni lola. "B-bukas po ng hapon." Halata ang gulat nila pero pinalitan na nila.ito ng pag-aalala. "Sayang naman at di ka namin maihahatid." Nginitian ko sila ng matamis at umiling "Ayos lang po yun! Basta ang importante gusto ko magaling na kayo parehas pag balik ko ah." Tumango sila kaya niyakap ko ulit sila.

Haaay! Buhay talaga...

She's Owned by The Mafia's EmperorWhere stories live. Discover now