Chapter 54 - OMCFFM

51.5K 1K 16
                                    

Vienna's POV

"MARIKIIIIIIITTT!!!! ANO NA????" kasalukuyan kong sinisigawan si Marikit sa kabilang linya. Magkatoka kami sa phone kasi tinatanong ko kung paano ba makapagpainlove ng lalaki. Expert siya diyan eh.

"Pucha naman Vienna baby! Yung precious ear drums ko mababasag dahil lakas at tining ng boses mo."

"Pake ko sa ear drums mo? Hindi naman akin yan eh. Dali na kasiiiii!"

"Pake ko rin ba sa problema mo? Hindi naman akin yan eh."

"Shutaenangers naman Marikit eh! Gusto mo bang lumaki ang future inaanak mo na hindi mahal ng mga magulang niya ang isa't isa?"

"Aba'y syempre naman hindi! Ayokong matulad siya sa akin noh!"

"Kaya nga tulunga mo na ako dito sa Operation:Make Cyde Fall For Me ko."

"Nekeneng V! Talagang operation chuchu? Ang haba naman!"

"Oh edi OMCFFM masaya ka na?"

"Pilosopa!"

"Pilosopo yun diba?"

"Babae ka diba? Kaya dapat pilosopa."

"Daming alam!! Ano na kasi naman eh!!"

"Hahaha! Para kang desperadong teenager obsess sa crush niya."

"Taynamo!"

"Hehehe! Seryoso na nga. Ehem... Sabi nila naiinlove daw ang mga lalaki sa mga babaeng masarap magluto kaya dapat lagi mo siyang lulutuan. Hahatiran mo siya dapat ng lunch sa office niya tapos dapat sabay kayong kumain pati sa breakfast and dinner at dapat luto mo lagi. Ok?"

"Nakanang! Ang dami nilang chef dito tapos ako magluluto? Nakakatamad kaya!"

"Eh akala ko ba gusto mong mainlove sa yo si papa Cyde?

"Anong Papa Cyde? Hoy Maria Kitriana Lopez!!!"

"Taena mo! Nagbibiro lang naman ako eh. Hindi mo naman ako kailangang tawagin sa pangalan na yan eh."

"Hehehe! Bye na nga!"

hindi ko na siya hinantay na magsalita at binaba ko na yung telepono.

Malapit ng mag-umaga. Madaling araw pa lang kasi ngayon. Hindi kasi ako makatulog sa kakaisip kung paano ko nga ba mapapainlove si Cyde sa akin. Buti na lang at naalala ko si Marikit na tyak na nasa bar nung mga oras na iyon.

Pumasok na ako sa loob ng kitchen. Nasa garden kasi ako kanina.

"Ayy good morning po Empress! Napaaga po kayo ng gising." nakangiting bati ni Manang Delilah. Matagal na siyang namamasukan dito kayla Cyde kaya paniguradong marami siyang alam tungkol kay Cyde. Yipeee!!!

"Ahmm Manang Delilah... Ah-eh kasi po... Ahmm.." Enebenemenyen!! Ngayon pa ba ako mahihiya?

"Gusto mong paglutuan si Emperor noh?" napakamot ako sa batok sa sinabi ni Manang Delilah. Shems! Ang pabebe ko na masyado!

"Hahaha! Ang cute mo po mahiya Empress Vienna." Ang honest talaga ni manang!! Hehehe!

"Amg paborito po niyang ulamin pag breakfast ay bacon, hotdog, and egg. Gusto niya sa egg ay yung lutong luto yung yolk tapos dapat malasa. Sa bacon naman ay dapat yung parang half cook lang. Yung fried rice niya, dapat may mantika ng bacon pero di masyadong madami." tumango naman ako tapos sinimulan ko ng magprepare ng mga ingredients para sa fried rice.

Sana magustuhan niya to.

She's Owned by The Mafia's EmperorWhere stories live. Discover now