Chapter 36 - Surprise

63.5K 1.5K 59
                                    

Vienna's POV

Lunch time na! Yuhoooo! Gutom na gutom na ako pucha!

"Viens hindi kami makakasabay ni Brent. May kailangan kaming puntahan eh." sabi ni John. Tumango na lang ako. Wala akong pake kung wala man akong makakasama sa lunch basta ang importante ay yung may makakain ako!

"Sige mag-ingat ka ah! Maypagka tanga ka pa naman!" agad kong hinampas kay Brent yung librong hawak ko. Pucha! Magbiro ka na sa lasing o sa bagong gising, wag dun sa taong gutom at kaya kang kainin!

Pumunta na ako sa cafeteria at agad bumili ng pagkain.

Mabilis akong nakahanap ng bakanteng upuan kaya naman agad kong nilapag dun yung tray ng pagkain ko at nagsimulang kumain. Yum yum yummy!!!!!

Naramdaman kong may naglapag ng tray sa harap ko pero hindi ko na iyon pinansin.

"Wala ka pa ring pinagbago. Kahit para kang patay gutom kung kumain ang ganda mo pa rin. Hindi ako nagsasawang pagmasdan ka." napatigil ako sa pagkain at tiningnan yung nagsalita.

Taenang Gino to! Nandito nanaman sa harap ko. Nagsisisi tuloy akong pumayag na umalis sina Brent. Putek talaga.

"Kamusta ka V?" tanong niya.

"Eto, alive and ready to kick your balls if you are not going to shut up." nakangiti ko pang sabi sa kanya. Oo mahal ko pa rin siya ng konti pero di naman ako mabubusog sa pagmamahal eh. Leche! Nagugutom ako ah!

Narinig ko siyang tumawa pero di ko na siya pinansin.

Food food food

Ang sarap kumain!

"Why am I not surprise to see you Gino? Trying to flirt with my WIFE. How pathetic!" napalingon ako sa gilid ko kung saan nanggaling yung boses na yun.

"Goril- este Cyde?" ngumisi siya.

"Miss me wife?" he said then gave me a smack. Yun oh! May dessert kagad ako!

"Surprise?" nakangising tanong niya. Binatukan ko naman siya.

"Leche ka! Hindi ka man lang nagsabi na uuwi ka edi sana sinundo kita sa airport! Ogag ka talaga." singhal ko sa kanya.

"Kaya nga surprise diba?" oo nga noh! Minsan talaga ang tanga ng utak ko.

Ikinawit ko yung mga braso ko sa leeg niya and give him a 5 seconds kiss.

"Yun ginanahan na ulit akng kumain. Tara kain!" I said after cutting the kiss.

"I-I have t-to go. E-enjoy you lunch V." ngayon ko lang natandaan na nandito nga pala si Gino sa harap namin.

Bago siya tumalikod I saw a tear escaped from his eyes. Medyo nalungkot ako para sa kanya but then nung nilingon ko si Cyde na hanggang ngayon ay tulala pa rin natawa ako bigla.

"Hoy gorilla! Ayaw mong kumain? Bahala ka." nakangiti kong sabi. Para naman siyang natauhan at umupo sa tabi ko. Kumain kami ng marami. Nagkwento siya ng mga bagay na ginawa niya dun sa ibang bansa. At yung tungkol kay Hunter. Hahaha! Kaloka si Hunter! Pumapagebeg!

She's Owned by The Mafia's EmperorDove le storie prendono vita. Scoprilo ora