Chapter 17 - Injured

84.9K 2.1K 122
                                    

Vienna's POV

NAKAKALOKA!!

Kanina pa kami naglalakad dito sa gubat at di pa rin namin nararating  yung dapat naming marating. Nasira na nga yung takong ng sapatos ko kaya naman binitbit ko na lang yung sapatos ko at nagpaa.

"Pucha ka! Di mo naman sinabing balak mo palang magpaka jungle man! Nag heels pa tuloy ako!" singhal ko sa kanya.

"Psh. Hindi ako nagpapaka jungle man! Dito lang talaga ang daan papunta dun."

"Eh ba't hindi mo sinabi na dadaan tayo sa gantong lugar?"

"Nagtanong ka ba?"

"Argggh bwi--Aray puta!" Hindi ko napansin yung matulis na bato kaya naapakan ko. Nakayapak pa naman ako!

Naupo ako dun sa isang tabi at chineck yung paa kong nagdudugo na. Leche naman! Nagkasugat pa!

"Oh shit! Are you okay?" napatingin ako kay Cyde na hinawakan yung paa kong may sugat. Gamit yung isa kong paa ay sinipa ko siya kaya natumba siya.

"What was that for?"

"Tanga ka ba o sadyang bobo lang? Nakita ng nasugatan yung paa ko tapos tatanungin mo ako kung okay lang ako!"

"Tss. Halika na nga. Mukhang sa clinic pa kita unang dadalhin." sabi niya.

"Aba'y malamang! Baka gusto mong impeksyon tong sugat ko at mamatay ako. Naku! Mumultuhin talaga kita hanggang sa mamatay ka sa takot!"

"Tss. Dami pang satsat eh!" sabi niya sabay buhat sa kin ng bridal style.

Enebe! ibebe me nge ke! Kenekeleg eke eh! hihihi!

Ang landi lang? Hahaha!

Karga-karga niya ako habang naglalakad kami. Nakakahiya kasi ang bigat ko pa naman pero on the other hand, tama lang sa kanya na mahirapan sa pagbitbit sakin kasi siya naman ang may kasalanan! Psh!

Maya-maya lang ay may nasilayan akong mataas na gate na gawa sa iron. Tapos may nakalagay na CF Empire

Bigla itong bumukas na lubos kong ikinagulat.

Tumambad sa akin ang isang malawak at magarbong gusali. Hanggang 3rd floor lang siya pero sobrang laki. Mas malaki pa sa MOA sa Maynila.

"Welcome to the CF Empire Hidden Palace." so dito pala kami pupunta? Grabe! Talagang hidden na hidden ang palace na ito ah.

"It's so nice to see you our dearest Emperor." napalingon ako sa nagsalita. Isa itong babae na naka leather jacket at short shorts. May baril sa hita niya na ikinagulat ko. Mahaba ang buhok niya at di ko maikakaila na maganda siya. Ngiting-ngiti siya kay Cyde pero pagtingin sa akin ay medyo naglaho yung ngiti niya at napalitan ng fake smile. "You must be our Empress. I welcome you to your empire." Nagbow pa siya sakin. Psh.Pakitang tao!

"Georgina, is Doctora Hudson in the clinic?" tanong ni Cyde. Ngumiti naman ulit ng totoo itong Georgina. Ganern? Pag kay Cyde totoo pag sakin peke?  Psh.

"Yes, Emperor. Do you want me to accompany you?" napairap na lang ako sa sabi niya.

"I don't need you to accompany me. I own this so I know where to go." sabi naman ni Cyde.

Sinilip ko siya at kitang-kita ko yung itsura niya na nasasaktan.

Aww kawawa ka naman!

Napatingin siya sa kin kaya tinaasan ko siya ng isang kilay.

Take that bitch! Bleh!

She's Owned by The Mafia's EmperorWhere stories live. Discover now