Chapter 87 - Last Chapter

45.9K 806 85
                                    

Third Person's POV

Nakahanda na ang lahat para sa kasal. Ilang minuto na lang ay magsisimula na ito kaya naman todong pagrerecheck ang ginawa ng mga wedding planner at pati na rin si Yuri. Chineck din niya ang security kung ok lang at wala naman siyang nakikitang kahina-hinala pero di niya pa rin maiwasan ang pakiramdam na may mangyayaring hindi maganda. Malakas ang pakiramdam niya sa mga ganitong bagay kaya naghanda na rin siya. Inalerto niya lahat ng tao niya para dito. Mabuti ng handa dahil maraming ahas sa paligid.

Samantalang, si Gino naman ay nakatayo lang malapit sa pangpang at pinagmamasdan ang paghampas ng alon dito. Huminga siya ng malalim, trying to compose himself. Walang tao sa paligid niya kaya naman this is the perfect place for him to relax and think clearly.

Alam niyang sa pagsang-ayon niya sa plano ng kanyang pinakamamahal na si Vienna ay maari na nga itong mawala sa kanya ng tuluyan.

Sabi nila, pag mahal mo ang isang tao ay dapat mo siyang ipaglaban. Pero hindi ba dapat sa paglaban mo ay kasama mo siya? Hindi ganun ang kaso nila ni Vienna dahil sa ngayon, siya lang naman ang nagmamahal. Kung patuloy lang niyang ipaglalaban iyon ay wala rin siyang mapapala kaya nga pinili na niyang sumuko at maglet go. Kasi mas naniniwala siya na kung mahal mo ang isang tao, hayaan mo siyang maging masaya, even if that means letting her go.

Pinunasan niya ang luhang kumawala mula sa mga mata niya at saka humimga ng malalim. Ngumiti siya at saka na naglakad pabalik sa Villa.

Isang ngiti naman ang sumilay sa labi ni Vienna/ Yurika sa nasilayan niya. Si Cyde na kanyang asawa na nasa ibaba at sumalubong kay Gino. Naks naman! Bumabait na ang kanyang asawa. Hahaha

"Magsisimula na po ang kasalan." Nilingon niya ang nagsalita. Isa ito sa mga maid nila. Tumango naman siya at sinabing susunod na siya. Ngumiti naman ito, isang ngiti na nakapangilabot sa kanya. Isang tao lang ang kilala niyamg kayang magbigay ng ganitong klaseng ngiti sa kanya. Walang iba kundi si..

"Make it fast, sister-in-law." Si Allenor...

Iniwan na siya nito sa kwarto kaya naman naghanda na siya. Iniayos niya ang kanyang sarili at saka sumunod na rin sa labas.

Paglabas nila ng villa ay agad silang nagtungo doon sa lugar kung saan gaganapin ang kasal.

Pinagmasdan niya ang paligid, ang ganda ng pagka-ayos ng mga bulaklak. Napakasarap pagmasdan. Kung siya at si Cyde ang maikakasal ng ganto ay masasabi niyang napakaromantic nito pero iba eh. Hindi naman silang dalawa ang ikakasal kaya tamang maganda lang ito para sa kanya.

Nakapila na ang entourage and a love song is being sung. Nagsimula ng magmartsa ang mga entourage hanggang sa siya naman ang maglalakad.

She took a deep breath before stepping forward. She can feel how the crowd look at her with such astonishment, maybe because of her beauty. Who wouldn't? She's indeed gorgeous today.

Gino is staring at her and he can't hide the happiness that he's feeling. This was their dream wedding before. Maybe, if he never left her, this wedding would happen before you know it.

Samantalang si Cyde naman ay natunganga na sa ganda ng kanyang misis and at the same time, naiinis. Ang daming matang ang sarap dukutin dahil sa katititig nila sa kanya. Tss.

Nang maabot ni Vienna ang altar ay kumapit na siya sa braso ni Gino na nakangiti sa kanya. Ayang ngiting ganyan ang dahilan kung bakit siya nahulog sa lalaking ito noon.

Sabay silang naglakad palapit pa sa altar at saka na nagsimula ang seremonyas.

"Sino ang tutol sa kasalang ito?" Napangiti si Vienna sa tanong na ito ng pari at saka niya tinanggal ang parang palda ng gown niya at hinugot ang baril na nasa hita niya t saka nagpaputok na ikinagulat ng mga bisita.

She's Owned by The Mafia's EmperorDär berättelser lever. Upptäck nu