Chapter 50 - Kidnapped

54K 1.2K 103
                                    

Vienna's POV

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Peseng gele! Ang saket ng ulo ko!

Teka? Anyare at bakit ako nasa isang mukhang abandonadong warehouse?

Ay oo nga pala! May kumidnap sa min. Tsk. Wala na ba silang maisip na ibang lugar? 7000+ naman ang pulo sa Pilipinas. Haist!

Sinubukan kong igalawa ang mga kamay at paa ko and malamang, tulad ng inaasahan ko ay nakatali ito.

Napalingon ako sa tabi ko ng may narinig akong ungot.

"Psst! Cyde!" tawag ko sa kanya pero hindi pa rin siya nagising.

"Feronto!" tawag ko ulit sa kanya.

"Ano ba! Kita ng tulog yung tao eh!'" hala! Tao pala siya? Hindi ako nainform.

"Ehem, babyhon?" at tulad nga ng inaasahan ko ay minulat niya yung mga mata niya tapos ngumisi na parang aso.

"Good morning honeybabe!"

"Aww!Ang sweet niyo namang mag-asawa! Nakakasuya!" napalingon kami sa lalaking nagsalita. Naka-itim siyang maskara.

"Psh! Bitter ka lang! Wala ka kasing love life!" singhal ko sa kanya.

Nabigla naman ako ng bigla niya akong tutukan ng baril.

"Ang ingay mo masyado Mrs.Feronto! Baka gusto mong iputok ko to sayo!" pananakot niya sa kin.

"Oh em gee! Matatakot na ba ako?" sarkastiko kong sagot sa kanya. Nabaling naman ang tingin ko kay Cyde na nakangisi habang nakatitig doon sa lalaking nakamask. Tila ba'y kinikilatis niya ito.

"Matapang na babae! Mukhang masarap ka sa kama! Mas masarap kesa kay Ria na dating nobya ng iyong asawa." napatigil ako sa simabi niya. Ria? Dating nobya ni Cyde? Napatingin ako kay Cyde na sobra ang sama ng titig na doon sa nakamaskarang lalaki.

"Oops! Hindi mo siya kilala Vienna? Mukhang hindi pa nakakamove on ang iyong asawa sa kanya kaya hindi niya maikwento sa iyo"

"Edi wow! " sabi ko na lang.

"Iniinis mo ba talaga ako?" halatang inis na nga siya.

"Hindi noh! Sadyang pikon ka lang talaga. Tsk!" sabi ko sa kanya. Lalapit na sana siya sa akin ng biglang may sumapak sakanya.

Hala! Andugas! Paano naalis ni Cyde yung tali niya sa kamay at paa??

Oo, siya yung sumuntok doon sa nakamaskara.

"Your plan sucks, my dear cousin. You can't fool me." Cyde said in a cool way then mayroon siyang oarang pinindot sa bandang leeg niya kaya parang hinimatay yung nakamaskara na guy.

"Ehem! Ehem! Yung tali ng kamay ko! Ehem! Pati rin sa paa ko!" pagpapapansin ko kay Cyde. Napabaling naman yung tingin niya sa kin.

"Oh shit! Sorry!" sabi niya sabay lapit sakin tapos tinanggal na niya yung tali ng kamay at paa ko gamit yung dagger na hawak niya.

Agad ko siyang binatukan nung natanggal na yung tali.

"What was that for?" inis na tanong niya.

"Bad daw ang pagmumura sabi ni Kat Meow lalo na at magkakaanak ka na!" sabi ko sa kanya.

"Who the hell is that Kat Meow??"

"Friend ko sa fb. Bakit may angal ka? Tara na nga! Bwidit naman eh! Taeng-tae na ako eh!"

She's Owned by The Mafia's EmperorWhere stories live. Discover now