Chapter 15 - Hidden Palace

88.6K 2.4K 32
                                    

Third Person's POV

Matapos ng yakapan nila ay bumaba na sila para mag-umagahan na sila. Nagtshirt at short shorts lang si Vienna, syempre, may bra na siyang suot. Si Cyde naman ay naka sando din at basketball shorts. Hindi sila nag-iimikan patuloy lang silang kumain.

Matapos nilang kumain ay napagdesisyonan ni Vienna na magbabad sa swimming pool kaya naman tumungo siya sa kwarto upang kumuha ng bath robe. Si Cyde naman ay dumiretso sa banyo at naligo. Pupunta kasi siya ngayon sa CF Empire Underground Palace. Ang lugar na ito ang pinaka office niya at ng mga officials ng CF Empire. Doon din ang pinakamalaki at pinaka advance training ground. Tanging  bukod sa mga officials at siya, ang trusted mafia reapers and assassins na mataas ang ranking lang ang may access sa underground palace na ito.

"San punta?" salubong ni Vienna kay Cyde. Umakyat na kasi siya tapos nasalubong niya si Cyde na nakabihis.

"I'm going to CF Empire at baka bukas pa ako umuwi." sabi ni Cyde habang inaayos yung suit case niya.

"Bakit bukas ka pa uuwi? Sa hotel ka matutulog kasi makikipagsex ka sa ibang babae" kunot noong tanong ni Vienna.

"What the hell are you saying?" ni hindi sumagi sa isip ni Cyde yun kaya nagulat siya.

"Aysus! Denial pa eh" sabi naman ni Vienna

"Bakit? Nagseselos ka?" nakangising tanong ni Cyde. Bakit nga ba? Nagseselos nga ba siya.

"Hindi noh! Ang akin lang ay mamaya yung kasex mong babae ay may AIDS edi baka mahawa mo pa ako noh!" sagot ni Vienna.

"Tss. Fine! Just be quick!"

After some minutes ay lumabas na rin ng room si Vienna. She's wearing a blue polo, a black pencil skirt, and a 3 inches black pumps. Her hair is tied into bun. Kahit pa naka face powder and lip gloss lang siya ay nabighani pa rin si Cyde sa ganda niya.

"Gandang-ganda ka nanaman sa kin?" ngiting-ngiting tanong ni Vienna.

"Tss. Conceited!" bulong ni Cyde. Lumabas na sila ng mansion at sumakay sa kotse.

Cyde turned tge radio on at sakto namang nagplay yung favorite song ni Vienna

"What the Hell" by Avril Lavigne

Sinabayan ni Vienna yung kanta with matching papikit-pikit pa. Talagang with feelings ang pagkanta niya kahit talagang panget ang boses niya.

Napapailing na lang si Cyde sa kakulitan ng kanyang fiance.

"If you love me, if you hate me, you can't save me baby, baby." patuloy pa rin sa pagkanta si Vienna and this time ay kasama pa yung kamay niya.

Gustong tumawa ni Cyde pero alam niyang baka mabatukan lang siya nito kaya pinipigilan niya.

Maya-maya ay natapos na ang kanta at napalitan ng isang melodic song kaya tumahimik si Vienna. Pagkalingon rito ni Cyde ay napangiti siya. Tulog na kasi si Vienna. Mukhang napagod ito.

Lumapit siya rito at hinalikan ito sa noo at saka bumulong.

"Sleep tight my dear Empress, later, you will see our Empire."

She's Owned by The Mafia's EmperorOnde histórias criam vida. Descubra agora