CHAPTER 15- Acceptance

6.4K 232 18
                                    

CHAPTER 15- Acceptance

NAKAYUKO lang ako habang nararamdaman ko na nakatingin sa akin si Mama Chang. Magkatabi kami sa sofa kung saan kami nakaupo. Pinapakiramdaman ko lang siya. Kapag naman nagtanong siya ay sasabihin ko na ang totoo. Siguro, masasaktan siya pero mas makakabuti naman na magpakatotoo na lang ako. Isa pa, baka maintindihan rin naman niya ako gaya ng sinabi sa akin ni Marco. Sana...

"Jak..." Hindi pa rin ako gumagalaw mula sa pagkakayuko. "T-totoo ba ang lahat ng narinig ko kanina kay Rupert? N-nobyo mo si Marco? B-bakla ka rin?"

"O-opo, Mama Chang... B-bakla po ako.... At kami na po ni M-marco..."

Wala nang dahilan para magsinungaling pa ako sa kanya. Huling-huli na ako. Baka sa impyerno na ako nito pulutin kung ipagkakait ko pa rin sa kanya ang totoo. Ang hinihiling ko na lang ngayon ay ang tanggapin niya ako.

Napansin ko na natahimik si Mama Chang. May namumuong luha sa kanyang mga mata na anumang oras ay papatak na pero pinipigilan lang niya.

"Mama Chang, k-kung hindi niyo po ako kayang tanggapin, mauunawaan ko-"

"H-hindi, Jak. Ang totoo niyan ay matagal ko nang alam kung ano ka. Ang gusto ko lang ay ikaw ang magsabi sa akin sa oras na handa ka na. Nagulat lang ako nang malaman ko na kayo na ni Marco."

"Pero ang sabi niyo poa dati, ayaw niyo po akong maging bakla."

Umiling siya sabay ng pagpatak ng luha niya. Parang kinuyumos ang puso ko sa sakit. "Hindi ganoon ang ibig kong sabihin, anak... Ang ibig kong sabihin ay ayokong matulad ka sa akin na palaging kinukutya ng mga mapanghusgang tao na hindi tayo naiintindihan. Ayokong umiyak ka dahil sa lalaki, ayokong tumanda kang mag-isa..."

"Hindi po ako tatandang mag-isa. 'Andiyan po si Marco," nakangiti kong sabi.

Hinila niya ako palapit sa kanya at mahigpit na niyakap. "Bata ka pa lang, Jak. Hindi ka pa sigurado kay Marco pero sige, payag na ako sa relasyon niyo basta gawin niyo ang lahat para hindi malaman ng ibang tao. Alam mo naman ang mga tao dito sa atin, mga tsismosa. Ayokong huhusgahan ka nila at mapapaaway talaga ako!"

"Salamat po, Mama Chang! Mahal na mahal ko po kayo!"

"Mahal na mahal din kita, anak... Sige, babalik na ako sa eatery. Basta, mamayang gabi, dito sa atin maghahapunan si Marco. Kailangan naming mag-usap."

"Po?" gulat na bulalas ko.

"Oo. Seryoso ako." aniya.

-----***-----

KATULAD ko ay nagulat din si Marco nang sabihin ko sa kanya na gusto siyang makausap ni Mama Chang mamayang gabi sa hapunan. Alam kong parehas kaming kinakabahan kung anu-ano ba ang sasabihin ni Mama Chang sa kanya. Pero parehas kaming masaya dahil natanggap kami ni Mama Chang lalo na ang pagkatao ko.

"Sinabi ko naman sa'yo, mahal. Wala kang dapat ikatakot kay Mama Chang. Kita mo na, naintindihan ka niya," sabi sa akin ni Marco habang nag-uusap kami sa sa salas ng apartment niya.

"Kung alam mo lang kung gaano ako katakot kanina nang malaman niya. Ang ingay naman kasi ni Rupert! Pero salamat na rin sa kanya kasi nakapag-out na rin ako sa wakas, mahal. Pero... nag-aalala ako sa kanya..."

"Kanino naman?"

"Kay Rupert..."

"Bakit?"

"Umamin kasi siya sa akin na may gusto siya sa akin. Panigurado na sa ginawa niya, maaapektuhan ang pagkakaibigan namin."

"May dapat pala akong ipagselos kay Rupert kasi gusto ka niya..." Nakalabi niyang tugon sa akin.

"Mahal, naman! Hindi ko gusto si Rupert, dati lang iyon. Nawala na iyon dahil sa pambu-bully niya sa akin noon. Pero, talagang kaibigan na lang ang turing ko sa kanya. Alam niya kasi na ikaw ang mahal ko."

Kinabig ako ni Marco palapit sa kanya. Umunan ako sa matigas niyang dibdib. "Huwag mo munang isipin si Rupert, okay? Ang isipin natin ngayon ay ang mangyayari mamaya sa hapunan. Kinakabahan pa rin ako, mahal!" sabi niya.

Tumingala ako sa kanya. "Gigisahin ka niya, for sure!" Pananakot ko.

"Lalo tuloy akong kinakabahan. Kiss mo naman ako para mawala ang kaba ko."

Umayos ako ng pwesto at mabilis ko siyang hinalikan sa noo.

"Hindi diyan!"

Ki-niss ko siya sa pisngi.

"Hindi rin diyan, mahal!" At ngumuso pa siya.

Napahagikhik ako. Alam ko naman kung saan niya gusto ko siyang halikan pero hinalikan ko siya sa kabilang pisngi.

"Mahal! Hindi diyan!"

"Eh, saan ba?" Natatawa na ako dahil medyo nakasimangot na siya.

"Dito!!!" Napasigaw ako nang bigla niya akong hawakan sa dalawa kong kamay at marahas na inihiga sa sofa. Pumaibabaw siya sa akin at saka ako mariin na hinalikan sa labi.

Kung kanina ay medyo pumapalag ako, ilang sandali lang ay napapikit na ako nang maramdaman ko ang masarap na hagod ng labi ni Marco sa labi ko. Napakapit na ako sa leeg niya para ipagdiinan ang paghalik niya sa akin. Marahang tumayo si Marco at binuhat ako. Medyo humanga ako sa kanya dahil nagawang niya akong buhatin nang hindi nagkakahiwalay ang aming mga labi. Alam ko kung saan niya ako dadalhin... Sa kwarto niya. At alam ko na rin ang gagawin namin doon. Alam na alam ko...

-----***-----

"'ETO na! 'Eto na! Ilalabas ko naaa..." Excited na inilabas ni Mama Chang sa ref ang ginawa niyang gelatin na ang flavor ay strawberry. "Dyaraaaan!!!" Masaya niyang inilapag sa lamesa ang gelatin at isa-isa kaming nilagyan sa mga pinggan namin.

Katatapos lang namin mag-dinner kasama si Marco. Wala namang pag-uusap na nangyari hanggang ngayon na kakain na kami ng dessert. Siguro ay gusto lang talagang makasama ni Mama Chang ang boyfriend ko sa hapunan.

"Kung gusto niyo pa, masabi lang kayo, ha. Marami pa sa ref," aniya. "Ikaw, Marco, seryoso ka ba talaga dito kay Jak? Alam mo naman na ang-iisang anak ko iyan."

Napatigil ako sa pagsubo ng gelatin at nagkatinginan kami ni Marco. Ang akala ko ba ay wala nang ganitong usapan. Meron pa pala at talagang sa dessert pa isinabay ni Mama Chang.

Ngumiti si Marco sa akin. "Opo, Mama Chang. Mahal na mahal ko si Jak at seryoso ako sa kanya. Hindi ko siya sasaktan..." Kung wala lang si Mama Chang ay baka kanina pa ako nagtitili sa sobrang kilig dahil sa sinabi ni Marco. Napaka-seryoso niya kasi tapos nakatingin pa siya sa mga mata ko kaya damang-dama ko ang sincerity sa mga binitiwan niyang salita.

TO BE CONTINUED...

BROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon