CHAPTER 16- Kapag Gusto, May Paraan

15K 493 11
                                    

CHAPTER 16- Kapag Gusto, May Paraan

"KUMUSTA ka na, bro? Sobra akong nag-aalala sa'yo kasi alam ko ako lang ang nakakaalam ng sakit mo. Nadala mo ba 'yong mga gamot mo, ha?" Nahahalata ko ang garalgal sa boses ni Raphael. Mukhang pinipigilan niya ang pag-iyak ng oras na iyon.

Ako naman ay hindi na napigilan pa ang pag-iyak. Panay ang tulo ng luha ko na parang gripong napabayaang nakabukas. Tinapik ako ni Sunshine sa balikat at lumabas muna siya ng kwarto. Bago siya lumabas ay sinenyasan ko siyang i-lock ang pinto. Baka kasi biglang pumasok sina Mama o Papa. Yari ako nito.

Sisigok-sigok akong sumagot sa sinabi ni Raphael. "H-hindi na l-lang i-ikaw ang n-naka... ka... alam s-sa-"

"Teka lang, bro," putol niya sa pagsasalita ko. "Kalmahin mo muna ang sarili mo. Hindi kita kasi maintindihan, e."

Ano ba 'yan? Medyo nasira ang moment ko.

Kinuha ko ang unan at doon ko pinunas ang luha ko, wala kasi akong makitang panyo. Huminga muna ako ng malalim at saka nagsalita ulit. "Bro, hindi na lang ikaw ang nakakaalam ng sakit ko. Alam na din nina Mama at Papa. Ang sabi nga nila ay ipapagamot nila ako para daw gumaling ako. Pero, alam mo naman ang gusto ko, 'di ba? Tanggap ko na naman na isang araw ay mawawala na ako."

"Alam ko naman na iyan ang gusto mo, bro, pero hindi ako sang-ayon diyan. Masaya ako na alam na ng magulang mo ang tungkol sa sakit mo..."

"Pero, bro... naiintindihan ko ang sinabi ng doktor tungkol sa sakit ko."

"Bro, kahit naman sana konti ay magkaroon ka ng pag-asa na gagaling ka pa. Huwag kang maging makasarili. Paano na lang ako kapag namatay ka na? Hindi ko kayang mawala ka. Ngayon pa nga lang na ang layo-layo mo na ay parang mababaliw na ako!"

Lihim akong napangiti sa sinabi niya. Tagos na tagos kasi sa puso ko, e.

"Gano'n din naman ako. Kung alam mo lang, miss na miss na kita!"

"Mas miss kita, bro! Sana magkita na tayo ulit. Humanda ka dahil kapag nangyari 'yon, bro hug ka sa akin. Sobrang higpit!"

Bigla akong natawa. "Oo na. Hayaan mo at gagawa ako ng paraan para magkita tayo."

"Paano naman, bro? E, mukhang bantay-sarado ka diyan."

Nag-isip ako saglit. Maya maya ay napapitik ako sa hangin. "Alam ko na kung paano, bro!"

"Paano?"

"Si Sunshine..."

-----***-----

HABANG kumakain ng hapunan ay panay ang bilin ni Mama kay Tito Enrico tungkol sa pagpapa-check up sa akin at sa mga gamot na dapat kong i-take. Paalis na rin kasi sila mamaya dahil hindi pwedeng iwanan nang matagal ang negosyo namin sa probinsiya. Sa totoo lang ay natutuwa ako sa concern na ipinapakita ng mga magulang ko sa akin ngayon. Mahal pa rin pala nila ako. Iyon nga lang, hindi pa nila kayang tanggapin nag kabaklaan ko. Ang gusto pa rin nila ay maging lalaki ako at mawala ang pagkagusto kay Raphael.

Pagkatapos kumain ay tinawag ko si Sunshine para makausap. Dinala ko siya sa harapan ng bahay. Maliwanag naman doon dahil may poste ng ilaw sa bakuran ni Tito Enrico.

"Bakit mo ako kakausapin? Bati na ba tayo?" Todo ang ngiti na tanong ni Sunshine.

"Hindi porket ikaw ang gumawa ng paraan para makausap ko si Raphael ay okay na tayo. Hindi ako ganoon kababaw."

Biglang nawala ang ngiti niya at napalitan iyon ng simangot. "Grabe ka naman, Francis. Akala ko pa naman magkakabati na tayo kapag ginawa ko 'yon. Hmp!" At umirap pa talaga sa akin ang bruhang si Sunshine.

BROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon