CHAPTER 13- Joey

16.1K 511 46
                                    

CHAPTER 13- Joey

"YAAAHHH!!! Magnanakaw!" Malakas kong sigaw habang pasugod ako doon sa magnanakaw. Akmang ihahampas ko sa ulo niya ang vase pero bigla akong nadulas dahil sa kung anong madulas na bagay na natapakan ko. Padapa akong natumba at nabitiwan ko pa ang vase at nabasag iyon.

Nakakahiya! Sailor Moon pero lampa?

Hanggang sa marinig ko ang boses ni Tito Enrico na kadarating lang. "Francis? Joey? Anong nangyayari dito?" tanong niya.

Joey? Iyon ba ang magnanakaw na kumakain?

Ibig sabihin ay kilala siya ni Tito Enrico?

Hindi siya magnanakaw?

Sh*t! Mas lalong nakakahiya! Sa sobrang kahihiyan ko ay isinubsob ko na lang ang mukha ko sa sahig. Sana ay bumuka ang sahig at lamunin ako nito ng buong-buo. Eh, sino ba naman kasi ang Joey na ito? Hindi ko naman siya kilala kaya akala ko ay magnanakaw!

"Sir Enrico, sino po ba 'yan? Tinawag niya akong magnanakaw, e." Narinig kong nagsalita 'yong Joey.

"Naku, pasensiya ka na, Joey. Pamangkin ko iyan-si Francis." Ako naman ang kinausap niya. "Francis, hindi siya magnanakaw. Siya si Joey Lorenzo. Siya ang naglilinis ng bahay tuwing Sabado."

Edi wow!

Hindi pa rin ako nagsasalita. Grabeng kahihiyan ito.

"Francis, tumayo ka na diyan. Baka masugatan ka pa ng basag na vase."

Umiling ako. Ayaw ko talagang tumayo hangga't nandiyan si Joey. Sususgod-sugod ako tapos mali naman pala ako ng hinala. tapos, nadapa pa ako. Panigurado na pinagtatawanan na niya ako sa utak niya.

"Francis, tumayo ka na diyan!"

"Ayoko po, tito..." Paiyak na sagot ko.

"At bakit?"

"Paano pa ako tatayo... k-kung napahiya na ako!" Parang bata na saad ko.

Nagulat na lang ako nang biglang may dalawang kamay na humawak sa may bandang kili-kili ko at pilit akong itinayo. Pag harap ko ay nakita ko ang nakangiting mukha ni Joey.

"Hi. Ako si Joey. Nice to meet you, Francis!" inilahad pa niya ang kamay niya.

Napatingin ako sa kamay niya sabay sa mukha niya. Mukhang hindi naman niya ako pinagtatawanan. Ginagap ko ang kamay niya dahil doon. "N-nice to meet you..." nahihiya kong sagot.

Mabuti na lang talaga at hindi niya ako pinagtawanan kung hindi ay baka hindi na talaga ako tumayo mula sa pagkakadapa.

-----***-----

NAGBABASA ako ng aklat sa salas habang si Joey naman ay pinupunasan ang mga displays na naroon. Wala si Tito Enrico, umalis siya at pumunta sa supermarket. Mamimili ng stocks dahil paubos na. Architect si Tito Enrico. Wala akong masyadong alam sa trabaho niya pero simula nang dumating ako dito ay madalas ko siyang nakikita sa silid niya na parang may idino-drawing. Baka mga projects niya.

"Anong binabasa mo?" Hindi ko na namalayan na nakaupo na pala sa tabi ko si Joey dahil sa sobrang tutok ako sa pagbabasa ko.

"Book," walang gana kong sagot.

"Sungit mo naman," pakli niya. "Ilang palaka ang nahuli mo kanina?"

Hindi makapaniwala na napatingin ako sa kanya. May mapang-asar na ngisi sa labi niya. Biglang namula ang mukha ko. Ibig sabihin ay pinagtatawanan niya talaga ako? Hindi lang siguro niya nagawa kanina dahil akharap namin si Tito Enrico.

"Ang lakas mo ring mang-asar, 'no?"

"E, bakit kasi inakala mong magnanakaw ako. Nadapa ka tuloy. Karma," sabay tawa niya.

"Mukha ka kasing magnanakaw!" Pero parang gusto kong bawiin ang sinabi ko dahil hindi naman siya mukhang ganoon. May hitsura naman siya. Gwapo na rin.

Tinawanan lang niya ako. "Ako? Mukhang magnanakaw? Lahat nga ng niligawan ko, sinagot ako!"

"Ang yabang mo! Bakit kaya hindi mo na lang gawin ang trabaho mo?" pagtataboy ko sa kanya.

"Tapos na. Kanina pa."

"Ah, tapos na. Kaya pala ako ang kukulitin mo?" Isinara ko na ang aklat na binabasa ko. Nawalan na ako ng gana.

"Siyempre, alangan naman na kausapin ko iyong nabasag mong vase!"

"Tumigil ka na, ha! Isusumbong kita kay tito!"

"Sumbong agad? Para ka namang bakla!"

Natigilan ako sa sinabi niya. Parang bakla? Kung alam lang niya. Hindi parang kundi bakla talaga ako. Hindi lang talaga halata.

"Diyan ka na nga!" At umakyat na ako sa itaas. Hindi ko matatagalan ang kayabangan ni Joey.

"Hoy! Ilang palaka ba ang nahuli mo?!" Pahabol na sigaw niya pero hindi ko na lang siya pinansin.

Nakakapag-init ng ulo ang taong iyon! Akala mo ay kung sinong mabait nang kaharap kanina si Tito Enrico. Ang lakas palang mang-asar.

Nagkulong ako sa kwarto ko. Pinilit kong ibalik ang gana ko sa pagbabasa pero hindi na iyon bumalik. At dahil medyo inaantok ako ay ipinikit ko na lang ang mga mata ko. Tama. iidlip na muna ako para paggising ko ay tanghalian na. Kakain na lang.

-----***-----

ANG mahihina at sunod-sunod na katok ang gumising sa akin. Medyo pinapawisan ako dahil nakalimutan ko palang buhayin iyong electric fan nang matulog ako. Automatic na napatingin ako sa orasan. Ala-una na pala ng hapon. Ang bilis naman ng oras.

Papungas-pungas akong bumangon at binuksan ang pintuan. Napasimangot ako nang mabungaran ko si Joey. Hindi ko na siya feel simula nang asarin niya ako kanina. Akala mo ay close na kami kung kausapin ako.

"Anong ginagawa mo dito?" Walang ganang tanong ko.

"Pinapababa ka na ni Sir Enrico. Kakain na tayo."

"Sige, susunod na ako."

"Okay. Sabihin mo sa akin mamaya kung ilang palaka nahuli mo, ha!" Hindi na ako nakaapela dahil nagmamadali siyang umalis.

Grrr!!! Ang sarap niya talagang bugbugin!!!

Huminga muna ako nang malalim at pinakalma ang sarili bago ako bumaba. Pagdating ko sa dining area ay naroon na sina Tito Enrico at Joey. Hindi ko na lang tiningnan si Joey at umupo na ako sa bakanteng silya sa tabi ni Tito. Wow! Masarap ang ulam. Sinigang na baboy.

Nakaramdam na naman ako ng kalungkutan. Sinigang na baboy... Paborito ito ni Raphael. Pinag-aralan ko pa nga itong lutuin para mapipagluto ko siya. At gustong-gusto niya ang luto ko ng sinigang na baboy...

"Bro, ang sarap talaga ng sinigang mo! Lalo na 'yong taba ng baboy. Ang lambot!"

"Pinag-aralan ko talaga 'yan, bro. Alam ko kasi na paborito mo iyan."

"Tapos 'yong sabaw... ang asim! Parang kili-kili mo!" Tapos ay susundutin niya ako sa kili-kili.

"Gago ka talaga, bro!"

Napangiti ako sa kawalan nang maalala ko iyon.

"Okay ka lang, Francis?"

"Po?"

"Ang sabi ko kung okay ka lang? Kanina ka pa diyan nakatulala. Kumain ka na."

"Sige po..."

Sumandok na ako ng kanin at naglagay ng sinigang sa mangkok ko. Nag-umpisa na akong kumain. In all fairness, masarap itong sinigang na baboy. "Ang sarap niyo palang magluto ng sinigang, tito! Talo niyo pa si Mama." Pagbibigay papuri ko.

"Ah, hindi ako ang nagluto niyan. Si Joey. Magaling talagang magluto ang batang iyan. Hayaan mo at minsan ay paglulutuin ko pa siya ng ibang ulam na alam niya."

Biglang sumabat sa usapan ang mapang-asar na si Joey. "Salamat at nagustuhan mo ang luto ko, Francis!" May inis ang tingin na ipinukol ko sa kanya.

Bakit ko pa kasi pinuri ang sinigang na ito? Kung alam ko lang na si Joey ang nagluto, hindi na lang sana ako nagsalita. Nabigyan ko pa tuloy siya ng kasihayan. Panigurado ay palakpak ang tenga niya dahil sa papuri ko sa luto niya!

TO BE CONTINUED...

BROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon