CHAPTER 10- Bro Kilig

6.9K 241 19
                                    

CHAPTER 10- Bro Kilig

KUNG hindi ko pa itinulak si Marco mula sa pagkakasubsob ng nguso niya sa nguso ko ay hindi pa kami maghihiwalay na dalawa. Siguro kung hindi ko pa iyon ginawa ay magkadikit pa rin ang mga labi namin. Napapahiya akong tumayo at pinagpagan ang aking sarili.

Napapitlag ako nang hawakan niya ako sa braso. Tila napaso na napaigtad ako.

“Okay ka lang ba? Hindi ka ba nagkaroon ng sugat?” Nag-aalalang tanong ni Marco.

Napatulala ako sa kanya. Ang inaasahan ko kasi ay hihingi siya ng sorry dahil sa accidental kiss na nangyari sa amin pero ako pa talaga ang inaalala niya. So, balewala lang sa kanya ang kissing scene namin? Teka nga, bakit ba ako umaasa na maaapektuhan siya doon? Straight guy si Marco at para dito ay aksidente lang ang halik na iyon. Hindi sinasadya. Hindi nito gusto. Nag-a-assume na naman ako, e. Tsk!

“Jak!”

“Ha?! Oo! O-okay lang ako.”

“Sigurdo ka?” Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko at chi-neck ang bawat parte ng katawan ko. “Wala ka bang sugat o—“

“Marco, okay lang ako.” Naiilang na inalis ko ang kamay niya sa akin.

Huminga siya ng malalim. “Pasensiya ka na, ha. Naku, baka mapagalitan ako nito ni Mama Chang kapag nalaman niya ito.” Kakamot-kamot sa ulo na turan niya.

“Hindi ko sasabihin sa kanya. Ang mabuti pa siguro ay maglalakad na lang ako pauwi. Malapit na lang naman, e.”

Tama. Mas tama na maglakad na lang ako hindi dahil natatakot ako na baka tumumba na naman kami sakay ng bike niya, kundi baka hindi ko na mapigilan pa ang aking sarili at tumili na ako sa sobrang kilig. Kumukulit pa rin kasi sa isipan ko ang “first kiss” namin ni Marco kani-kanina lang. Medyo naiihi na nga ako dahil sa pagpipigil ng kilig. Hehe!

“Okay, ikaw bahala. Mag-iingat ka.”

“Salamat. Ikaw din.”

Dinampot ko na ang bag ko at isinukbit iyon sa akin at naglakad na palayo sa kanya. Pagkatalikod ko sa kanya ay hindi ko na napigilan ang pagsilay ng maharot na ngiti sa aking mga labi.

-----***-----

MALALAKI ang aking mga hakbang papasok ng bahay. Wala si Mama Chang. Takbo agad ako sa kwarto ko at isinara ang pinto. Hindi ko pa man nailalapag ang aking bag ay isang kinikilig na tili ang lumabas sa aking lalamunan. Nagtatalon pa ako na parang bata sabay bagsak ng katawan sa kama. Doon ay para akong bulateng naligo sa asin na nagkakawag. Tumigil ako saglit at tumitig sa kisame para namnamin ang first kiss namin ni Marco. In-imagine ko na magkahalikan kaming dalawa pero this time ay gumagalaw na ang mga labi namin, humahagod na ang dila niya at dila ko. Nag-uumpugan na rin ang mga ngipin namin. Tapos… Tapos…

“Eeehhh!!!” Napatili na naman ako sa sobrang kilig!

At para akong binuhusan ng malamig na tubig nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

“Jak! Anong nangyayari? May kasama ka ba diyang babae?” Si Mama Chang!

Nataranta ako. Nandito pala siya at mukhang narinig niya ang malandi kong tili.

“Anong babae, Mama? W-wala po!”

“Eh, sino 'yong naririnig kong tumili na parang sinisilihan ang pukelya? Baka nagdadala ka na ng babae sa kwarto mo, ha! Diyos ko ka! Ang bata mo pa!”

Tumayo na ako para pagbuksan siya ng pinto. Agad naman siyang pumasok at inilibot ang mata sa loob.

“Ano po kasi… Si Samantha po iyong tumili. Ka-video call ko kasi siya.”

“Ang lakas namang tumili ng kaibigan mong iyon.”

“Malakas lang po volume ng phone ko. Bakit ka nga po pala nandito? Akala ko nasa karinderya kayo.”

“Maaga akong nagsara. Saka may sasabihi din ako sa’yo, Jak. Paalis ako mamayang madaling araw. Uuwi ako sa Davao at namatay ang kapatid ko. Kailangan ako doon. Isang linggo rin akong mawawala kaya ikaw na ang bahala muna sa sarili mo, ha? Isang linggo rin na nakasara ang karinderya. Malaki naman ang ipon natin kaya maiiwanan kita dito ng pera.”

Medyo nalungkot ako sa sinabi ni Mama Chang. Namatay na pala ang isa sa mga kapatid niya. Ang alam ko kasi ay ilang taon na rin itong hindi nakakauwi ng Davao dahil sa pag-aalaga sa akin at dahil na rin sa negosyo namin. “Walang problema, Mama Chang. Basta, mag-iingat kayo doon. Kaya ko na ang sarili ko dito.”

“Kaya nga hindi ako nag-aalala na iwanan ka. Mag-aral na mabuti, ha!”

“Opo, Mama!” sabi ko at isang mahigpit na yakap ang ibinigay ko sa kanya.

Pero medyo naiinis din ako dito kay Mama Chang dahil nabitin ako sa pagmo-moment ko kanina. Hehe!

-----***-----

NAGULAT na lang ako nang nakapila ako sa counter ng canteen namin para bumili ng lunch. Bigla kasi akong hinila ni Rupert at dinala niya ako sa table niya. May pagkain na doon at pinaupo niya ako.

“Rupert, ano ito?”

“Gusto ko lang bumawi sa’yo. Gusto kitang maging kaibigan, Jak. Gusto kong mawala sa memory mo ang bully na Rupert.”

So, paandar niya ito para sa akin. Parang ang imposible naman yata ng gustong mangyari ni Rupert na mawala sa memory ko ang pagiging bully niya. Na-trauma na nga yata ako sa mga pinag-gagawa niya, e.

“Hindi mo na naman ito kailangang gawin. Isa pa, to be honest, hindi ko pa rin sure kung kaya kong makipag-kaibigan sa’yo. Nabibigla kasi ako sa pagbabago mo. Para kang bagyo.”

Ngumiti siya sa akin habang inilalapit niya ang food ko sa akin. Asikasong-asikaso niya ako to the point na nag-a-assume ako na nagde-date kami.

“Hayaan mo lang akong gawin ito. Gusto lang kitang maging kaibigan. Sorry nga pala ulit sa lahat ng nagawa ko sa iyo, Jak. Pinagsisisihan ko na ang lahat. Siguro, kung hindi mo pa ako nabugbog, hindi ko pa mare-realize na masakit ang ginagawa ko sa’yo. Alam mo kasi, kulang kasi ako sa pansin sa bahay. Only child nga ako pero hindi naman ako mabigyan ng atensiyon ng parents ko. Puro sila negosyo at pagpapayaman.” Napaawa ako kay Rupert nang makita ko ang sadness sa mata niya habang nagkukwento siya sa akin. Saka, nakakatuwa na nag-open agad siya sa akin ng buhay niya. Mukhang ipinapakita na niya sa akin ang tunay na siya.

Nagpatuloy si Rupert sa pagsasalita. “Siguro… gusto ko lang na pansinin mo ako kaya kita binu-bully…”

Ano daw?! Gusto lang niya na mapansin ko siya?

Natulala naman ako bigla sa sinabi niya. Hindi kaya… gusto niya ako? Bisexual ba siya? Gay? Ano ba?

Okay. Kakalma na ako kahit medyo naloloka na ako dito kay Rupert. Nag-a-assume na naman ako, e. Wala sa hitsura niya ang maging katulad ko. Baka naman kapatid lang ang tingin niya sa akin kaya gusto niyang mapansin ko siya. 'Di ba, only child siya? Naghahanap lang siguro siya ng brother. Iyon nga siguro…

Huminga ako ng malalim at tinitigan siya sa mga mata. “Okay. Pumapayag na akong maging kaibigan mo. Friends?” Inilahad ko ang kamay ko na agad naman niyang inabot.

“Friends!” Napakalapad ng pagkakangiti niya.

“Basta ba, huwag mo na akong ibu-bully, ha!”

“Hindi na. Promise!” aniya.

TO BE CONTINUED…

BROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon