CHAPTER 23- Lovers' Quarrel

14.4K 483 23
                                    

CHAPTER 23- Lovers' Quarrel

October 15, 2000

Hindi ko inaasahan na kakausapin ako ni Maricar nang araw na ito. Mag-isa ako no'n sa classroom nang bigla niya akong lapitan. At lalo akong nagulat nang sabihin niya na alam niya ang sikreto ko-na isa akong bakla. At alam din niya na magkasintahan kami ni Sebastian.

"No'ng birthday ni Thea, nakita ko kung ano ang ginawa niyo sa kwarto ni Thea. Nakakadiri kayo!" sabi pa niya sa akin.

Inamin din niya sa akin na nakunan pa niya ng video ang ginawa namin ni Sebastian sa kwarto. Tinakot niya pala si Sebastian na ikakalat nito ang video kapag ipinagpatuloy nito ang relasyon nito sa akin.

"Akin lang si Sebastian, Enrico! Layuan mo na siya kung ayaw niyong mapahiya kayong dalawa sa buong school!"

Ngayon ay alam ko na, malinaw na sa akin ang lahat...

Mas mabuti nga siguro kung layuan ko na si Sebastian.

Naiinis na isinara ko ang diary. Umagang-umaga ay bad vibes na ako dahil sa nabasa ko. Bwisit naman talaga ang Maricar na iyon sa love story nina Tito Enrico at Sebastian. Masaya na sana, e. Epal lang talaga ang babaeng iyon. At dahil bad vibes agad ako, kailangan ko ngpampa-good vibes. Tinawagan ko si Raphael sa cellphone at halos limang minuto kaming nag-usap. Ang sabi niya ay magkita daw kami mamaya. Gusto daw niyang pumunta sa bayan para mamasyal.

Date 'yon, 'di ba? Hehe!

'Ayan, good vibes na naman ako dahil kay bro.

After ng breakfast ay nag-ayos na agad ako. Naligo at nagbihis ng damit. Inayos ko din ng maganda ang buhok ko. First date namin ito ni Raphael bilang mag-partner kaya dapat presentable ako.

Nagkita kami ni Raphael sa terminal ng jeep. Aba nga naman at todo-porma siya kahit sa bayan lang naman ang punta namin. Mukhang pinaghandaan din niya ito, ha.

Inakbayan niya ako nang makalapit na ako sa kanya. "Pormang-porma ka, ah!" natatawang biro ko sa kanya.

"Bakit? Ikaw din naman, ah! Parang pinaligo mo na yata 'yong isang bote ng pabango!" ganting biro niya.

"Gago ka talaga! Tara na nga at baka maiwanan na tayo ng jeep..." sabi ko.

"Okay lang na maiwanan tayo niyan. Basta ba magkasama pa rin tayo."

Pinanlakihan ko siya ng mata. "Tumigil ka nga. Baka mamaya may makarinig sa pinagsasabi mo," saway ko sa kanya. Hindi naman sa ikinahihiya ko siya, pero may mga tao kasi na hindi sanay sa ganitong relasyon.

Sumakay na kami sa jeep at umandar din naman agad iyon dahil puno na. Nakakatuwa lang na kahit kami na ni Raphael ay wala pa ring nagbago sa aming dalawa. Kung ano kami noong magkaibigan kami ay ganoon pa rin kami ngayon. Naging official lang talaga ang relasyon namin.

"Bro, alam mo bang sinabi ko na rin kina Nanay at Tatay?" saad niya habang nasa jeep kami.

"Anong sinabi mo?"

Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko. "Iyong tungkol sa atin..." bulong niya. Medyo nakiliti pa ako nang tumama ang mainit niyang hininga sa tenga ko.

"Talaga? Anong sabi nila?"

"Wala namang problema sa kanila. Tanggap agad nila."

"Wow! Sana katulad din ng parents mo ang parents ko. Nararamdaman ko kasi na hindi pa ako ganoon katanggap nina Mama..."

"'Wag kang mag-alala at darating din ang tamang panahon at matatanggap ka nila," nakangiti niyang wika.

Ten minutes lang ang biyahe at nakarating na kami sa bayan.

"Nagugutom ako, bro..." aniya.

"Ha? Ang agad pa, ah. Hindi ka ba nag-almusal sa inyo?" tanong ko habang naglalakad-lakad kami.

"Hindi, e. Ikaw ba?"

"Siyempre, nag-almusal ako. Gago ka talaga. Saan ba pwedeng kumain dito?"

"Sa turo-turo na lang. Kahit pancit o kaya ay kakanin, okay na ako do'n," aniya.

Pumasok kami sa palengke dahil doon maraming turo-turo. At maya maya nga ay kumakain na kami. Pancit ang kay Raphael habang ang sa akin ay banana cue lang. Masabi lang na kumakain din ako.

Habang kumakain siya ay bigla akong napatingin si kamay niya at napasimangot ako nang makita ko na hindi niya suot 'yong singsing. "Bakit hindi mo suot 'yong singsing?" nakasimangot kong tanong.

"Ha? Naku, iyon nga sana ang sasabihin ko sa'yo, bro. N-nawala ko, e. Hindi ko alam kung saan ko nailagay sa bahay. Pero, mamaya hahanapin ko. Nandoon lang naman iyon. Hindi iyon mawawala." At nagpa-cute pa siya sa akin.

Inirapan ko siya. "Bro naman! Alam mo naman na importante ang singsing na iyon para sa atin. Symbol 'yon ng kung ano tayo. Tingnan mo nga at palagi ko itong suot," sabay pakita ko sa kanya ng singsing sa aking daliri. "Nakakainis ka naman, e!" himutok ko.

Ako kasi ang klase ng tao na grabe kung magbigay ng pagpapahalaga sa isang bagay na may sentimental value sa akin. Katulad ng singsing namin ni Raphael. Talagang magagalit ako dahil naiwala niya iyon. Naiwala dahil hindi niya iningatan.

"Sorry na, bro... Hahanapin ko mamaya. Promise!"

"Ganiyan ka pala, bro. Hindi ka marunong mag-ingat ng gamit na ibinigay sa'yo. Singsing na nga lang hindi mo maingatan, ako pa kaya. Diyan ka na nga! Nawalan na ako ng gana! Magsawa ka sa pancit!" sabi ko sabay tayo.

"Bro!" akmang susundan ako ni Raphael pero bigla siyang sinigawan no'ng babae sa turo-turo. Hindi pa raw siya nagbabayad. Kaya wala siyang choice kundi ang bumalik.

Malalaki naman ang hakbang ko para makalayo agad sa kanya. Uuwi na lang ako.

Bad trip na, e.

Tinawag ako ni Raphael pero hindi ko talaga siya pinansin. Naglalakad na ako sa kainitan pero wala na akong pakialam. Hanggang sa maabutan na niya ako at nahawakan sa braso.

"Ano ba, bro? Ang tampuhin mo naman, e. Hahanapin ko nga mamaya. Sorry na, please..." aniya na kulang na lang ay lumuhod sa harapan ko sa sobrang pagmamakaawa.

Hindi pa rin ako nagsalita. Nakakainis kasi. Feeling ko kasi ay nagplano kaming isuot ang couple shirt namin tapos ako lang 'yong nag-suot. Ganoon 'yong pakiramdam ko ngayon. Tapos naiwala pa niya. Nakakainit naman talaga ng ulo!

Pinisil-pisil pa niya ang ilong ko. "'Uy, hindi na 'yan galit... Ngingiti na 'yan... Ngingiti na-"

Tinabig ko ang kamay niya. "Ano ba, bro?!" sigaw ko.

Doon na siya natigilan. Na-sense niya siguro na seryoso ang galit ko.

"Bro..." Naluluhang sambit niya.

TO BE CONTINUED...

BROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon