CHAPTER 05- My Superhero

8K 252 14
                                    

CHAPTER 05- My Superhero

"ANAK, si Marco ba iyong naghatid sa'yo dito sa bahay?" Agad na salubong sa akin ni Mama Chang pagkapasok ko sa bahay namin. Nasa may bintana siya kaya sigurado ako na nakita niya kami. Oo nga pala, hindi pa rin yata nakakaharap ni Mama Chang ang bago naming boarder.

"Opo. Nadaanan niya kasi ako tapos sabi niya umangkas na lang ako sa bike niya."

Tumango-tango si Mama Chang. "Ang gwapo pala niya, ha. Pero parang pamilyar sa akin ang lalaking iyon."

"Baka naman ex niyo po!" biro ko.

"Ay, grabe ka! Hindi ako pumapatol sa ganyang kabata at wala na akong balak na pumatol pa dahil ang gusto ko ay sa'yo lang ang atensiyon ko!"

Sa sinabing iyon ni Mama Chang ay nilapitan ko siya at naglalambing na yumakap sa kanya. "Pero wala po ba kayong balak na magka-boyfriend ulit? Wala naman pong problema sa akin, Mama Chang, basta mamahalin din kayo. Gusto ko rin naman na may nagmamahal din sa inyo bukod sa akin."

Mariin siyang umiling. "Naku, hindi na. Kuntento na ako sa pagmamahal mo, anak. Alam ko naman na hindi mo ako iiwan, 'di ba?"

"Hinding-hindi po. Promise!" nakangiti kong sagot.

-----***-----

NAPAKAMOT ako sa batok ko nang may biglang sumapak doon. Napangiwi ako dahil medyo masakit. Umagang-umaga ay ganito na agad ang nangyayari sa akin. Papasok na ako sa school at medyo malapit na sa gate. Pagtingin ko sa likuran ko ay nakita ko si Rupert. Nakangisi at naka-crossed arms. Napakayabang ng dating niya. Gwapo naman sana si Rupert. Maputi, matangkad at mukhang mabango palagi kahit pawisan. Iyon nga lang nuknukan ng bully at yabang! Kung hindi lang talaga ako matatakutin at takot sa away, matagal ko na siyang nilabanan. Pero sa payat ko ba namang ito, baka isang suntok lang niya sa akin ay mamatay na ako.

"Bakit? Inaano ba kita, Rupert?" Patuloy ako sa pagkamot sa batok ko.

"Gago ka talaga! Tinatawag kita no'ng isang araw, tinakbuhan mo ako! Sino bang pinagmamalaki mo, ha?! 'Yong lalaking nasa bike?" maangas na turan niya habang pailalim akong tinitingnan.

Halos yumuko na ako sa sobrang takot kay Rupert. "S-sorry... Alam ko kasi na pagti-tripan mo na naman ako kaya tinakbuhan kita-" Binatukan niya ako. "Aray!" igik ko.

"Sa susunod na takbuhan mo ulit ako kapag tinatawag kita, makikita mo!"

"Ano ang makikita ni, Jak? Ha?"

Sabay kaming napatingin ni Rupert sa lalaking nagsalita na lang sa likod ni Rupert. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Marco.

"M-marco..." bulalas ko.

Feeling ko ay isa akong damsel in distress na biglang nabuhayan ng loob nang dumating ang magiting nitong prince charming. Ang tingin ko ngayon kay Marco ay nakasuot siya ng superhero outfit habang may umiilaw sa kanyang likuran.

"S-sino ka ba?" Ramdam ko ang panginginig sa boses ni Rupert nang tanungin nito si Marco.

"Kuya ako ni Jak. Ikaw, sino ka? Ikaw ba ang nangbu-bully sa bunso ko? Subukan mo pang awayin si Jak at makikita mo ang hinahanap mo!"

Wow! Ang tapang-tapang naman ni Marco. Parang gusto ko tuloy siyang palakpakan! Hay... Medyo kinilig naman ako doon sa sinabi niya na kuya ko siya at bunso niya ako. Hihi...

Mas matangkad si Marco kesa kay Rupert kaya parang nanliit ito bigla.

Matalim na tiningnan ni Rupert si Marco at saka ito naglakad papasok ng school. Bago ito tuluyang pumasok sa gate ay tumigil pa ito saglit sa tapat ko at binulungan ako. Hindi pa daw siya tapos sa akin. Yari daw ako kapag nakita niya ulit ako.

Nang makaalis na si Rupert at doon lang ako nakahinga ng maluwag. "Haaay... Mabuti na lang talaga at dumatin ka, Marco. Baka nabugbog na naman ako ni Rupert!" sabi ko.

"Binubugbog ka ba no'n?"

"Ah, hindi pa naman umaabot sa ganoon pero malay mo. Ayoko nang hintayin na mangyari iyon, 'no!"

"Binu-bully ka ba no'n palagi?"

"Madalas..."

"Siguro may nagawa ka sa kanyang kasalanan."

"Hoy, wala, ah! Tarantado lang talaga 'yong Rupert na iyon. Ako lang kasi ang kaya niya..." Siyempre, hindi ko sasabihin kay Marco na kaya ako binu-bully ni Rupert ay dahil alam sa school na bakla ako.

"Hayaan mo, sabihin mo lang sa akin kapag binully ka ulit ni Rupert at ako ang bahala sa kanya!"

"Hayaan mo na siya. Hindi lang siguro 'yon mahal ng nanay niya kaya gano'n. Teka, bakit ka nga pala nandito? Mag-aaral ka na rin?"

Natawa si Marco sa sinabi ko. Ginulo pa niya nang slight ang buhok ko. "Hindi! Dinala ko lang ito..." aniya at isang book ang inilabas niya mula sa may likuran niya.

Nanlalaki ang mga mata na kinuha ko sa kanya ang book. "Ay! Nakalimutan ko pala ito! Thank you, Marco! Yari ako sa teacher namin kung hindi mo ito dinala dito."

"Actually, nakita ko kasi si Mama Chang na aligaga. Hindi daw niya alam kung pupunta na siya sa eatery o idadaan muna iyang aklat dito kasi nakalimutan mo. Kaya ako na lang nagprisinta na magdala sa'yo."

'Ayan na naman. Kinikilig na naman ako sa kabaitan ng Marco na ito. Grabe naman talaga siya. Konti na lang talaga at mafa-fall na ako. Joke! Hehe! Hindi ako pwedeng ma-fall sa kanya dahil alam kong straight siya. Masasaktan lang ako kapag hinayaan kong mahulog ako sa kanya. Isa pa, ang layo ng agwat ng edad naming dalawa.

"Salamat talaga. Paano ba ako babawi sa'yo?"

"Kahit ilibre mo na lang ako ng pizza at ice cream, okay na iyon."

Tumango ako. "Sige, sa weekend. Libre kita."

"Talaga? Promise ba 'yan, bunso?"

Natigilan ako nang tawagin niya akong bunso. Ang sarap kasi sa tenga. Ang sarap pakinggan. Para kaming magjowa tapos iyon ang term of endearment namin. Namumula pa yata ang mukha ko.

"B-bakit mo ba ako tinatawag na bunso? Hindi naman tayo magkapatid, ah!" kunwari ay inis na tanong ko.

"Eh, kasi... Kuya mo ako tapos bunso kita. Ayaw mo ba? Mag-bro tayo?"

"Bro?" ulit ko.

"Oo. Bro..." aniya sabay ngiti.

Napatulala na naman ako. Bro?

"S-sige... Bro..." Wala sa sarili na sagot ko.

Haaay!!! Bakit ba ganito? Masyadong pa-fall naman itong si Marco! Kapag ako nahulog, kasalanan talaga niya.

TO BE CONTINUED...

BROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon