CHAPTER 04- Huli Ka Balbon!

8.7K 251 15
                                    

CHAPTER 04- Huli Ka Balbon!

"HINDI mo ba ako naririnig? Pakiabot sabi nung towel. 'Andoon sa bangko sa likod mo!" Medyo pasigaw na turan ni Marco sa akin pero naka-smile naman siya.

Hindi pa rin ako maka-recover. Tulala pa rin at parang tinakasan ng sarili kong kaluluwa. Totoo ba itong nakikita ko? Isang hubad na lalaki ang nasa harapan ko?! Ganito pala ang hitsura ng... Hindi! Ang inosente kong mata! Ngayon ay alam ko nang balbon pala si Marco. Medyo manipis kasi ang balahibo niya sa braso pero bawing-bawi naman pagdating sa hita niya at dibdib pababa sa kanyang tiyan hanggang sa...

"Jak? Hoy! Okay ka lang?"

Wala pa rin akong reaksiyon. Tulala. Hindi ko maigalaw ang kahit na anong parte ng aking katawan. Parang lahat sa akin ay na-paralyzed ng mga oras na iyon! Naririnig ko naman ang sinasabi niya pero wala, eh. Na-shock talaga ako.

Dahil siguro sa hindi ako gumagalaw ay napailing siya. Napaawang ang aking bibig nang mag-umpisa siyang maglakad palabas ng banyo. Palapit sa akin. Parang nag-slow motion ang lahat. Kitang-kita ko ang butil ng tubig sa kanyang katawan na parang nililok ng pinakamagaling na iskultor. May mangilan-ngilan din na tubig na pumapatak sa sahig mula sa kanyang buhok. At 'yong ano niya... Parang nagduduyan habang naglalakad siya! Taena. Ang sexy ng lalaking ito!

Dumampi ang dibdib niya sa kaliwang braso ko nang abutin niya sa bangko sa aking likuran ang tuwalya. Pinanood ko siya habang pinupunasan niya ang kanyang buhok at katawan. Hanggang sa ibalabal niya sa kanyang ibaba ang tuwalya.

"Ano, tutulala ka na lang ba diyan habangbuhay?" untag niya sa akin habang pangiti-ngiti. Napakalapit niya sa akin nang sabihin niya iyon para maamoy ko ang kanyang hininga na medyo may sipa pa ng alak. Pero kahit ganoon ay hindi ako nabahuan sa amoy niyon bagkus ay nagustuhan ko iyon.

Napakurap-kurap ako. "Ha?" tanging nasabi ko na lang.

Lumapit pa siya sa akin sabay pitik sa noo ko.

PAK!

"Aray ko! Ang sakit, ha! Bakit mo ako pinitik?!" sabi ko habang sapo ang aking noo. Doon lang ako tila nagising sa isang napakahabang pantasya. Isang pantasya na gusto kong ulit-ulitin. Hehe!

"Eh, kanina ka pa nakatulala diyan, eh. Ngayon ka lang ba nakakita ng nakahubad na lalaki?"

Namula ang mukha ko. "Bastos!" napapahiyang sabi ko.

Ngumisi siya. "At ako pa pala ngayon ang bastos? Sino ba ang basta-basta na lang pinanood ang paliligo ko? Saka, parehas naman tayong lalaki kaya walang malisya 'yon. Kung makaarte ka naman para kang babae, Jak."

Mas lalong namula ang mukha ko.

Sabagay, may point naman siya. "Ano kasi... dinalhan kita ng ulam. 'Eto, oh! Nakita ko kasing bukas iyong pinto tapos walang sumasagot kaya pumasok na ako-"

"Ano bang ulam 'yan?"

"L-lechong paksiw."

"Wow! Favorite! Sayang, pinulutan ko na lang sana kanina. Pero salamat, ha." Kinuha niya iyong tupperware sa akin. "Ikaw nagluto?"

Umiling ako. "Hindi. Si Mama Chang..." Medyo nahihiya pa rin ako.

Tumango-tango siya. Walang paalam na naglakad siya papunta sa kwarto niya. Hindi ko alam kung sinong tangang demonyo ang nag-utos sa akin pero wala sa sarili na sumunod ako sa kanya sa kwarto. Tumigil pa talaga ako sa may pintuan. Naabutan ko siya na kumukuha ng damit sa kanyang knapsack. Nakaharap siya sa gawi ko kaya nakita niya agad ako.

"'Wag mong sasabihin na pati pagbibihis ko ay papanoorin mo? Abuso ka na, ha..." biro niya.

"Ha? Magpapaalam lang sana ako sa'yo. Okay. Bye!" sabi ko at napapahiyang tumalikod ako at naglakad palabas ng apartment ni Marco.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang gabing ito!

-----***-----

MALUNGKOT ako nang pumasok ako ng school. Paano ay wala na si Samantha, wala na akong kaibigan. Forever alone na naman ang drama ko nito. Siya na nga lang ang kaibigan ko dito tapos nawala pa. Hay... nakakalungkot talaga. Mami-miss ko ang kagagahan ng babaeng iyon, e. Kaya buong araw sa school ay mag-isa ako. Walang kasama kahit nang mag-reccess. Hanggang sa pag-uwi ay wala akong kasabay. Mabuti na lang talaga at hindi ako binully ni Rupert ngayon.

Habang naglalakad ako pauwi ay nagulat ako nang may biglang tumawag sa pangalan ko. Si Marco. Nagba-bike siya at nakasuot ng shorts at sando. Kitang-kita ko ang maganda niyang braso. Malaki ang pagkakangiti na sinabayan niya ako sa paglalakad habang siya ay nakasakay sa bisikleta niya.

Ipinagmalaki niya ang bago niyang biling bike. Mura lang daw pero maganda. "Gusto mo, umangkas ka sa akin para hindi ka na mapagod sa paglalakad?" offer niya.

"'Wag na. Binigyan ako ng Diyos ng paa para maglakad. Salamat na lang."

"Sige na. Pambawi ko man lang doon sa lechong paksiw no'ng isang araw."

"Marco, hindi naman porket ginawan ka ng pabor ng isang tao ay may kapalit na agad itong gusto."

Natawa siya. "Ang dami mong hugot, Jak! May problema ka ba?"

Ikaw. Ikaw ang problema ko, Marco! Bakit ba kasi masyado akong apektado kapag nandiyan ka? Katulad na lang ngayon... Feeling ko ay nilalagnat ako dahil ang lapit mo sa akin, sigaw ng utak ko.

"Wala nga. Sige na, iwan mo na ako-"

"Jaaak!!!"

Napalingon ako sa may likuran ko nang may biglang tumawag sa pangalan ko. Kinabahan ako nang makita ko si Rupert lalo na ang pagkakangisi niya. Mukhang alam ko na ang pakay ng hudas na iyon sa akin. Hindi nga niya ako binully dito sa school, ibu-bully naman niya ako sa labas ng school. Wala na talaga siyang patawad!

Dahil sa takot ko na maabutan ako ni Rupert ay hinabol ko si Marco at sinabi ko sa kanya na aangkas na ako sa kanya hanggang pauwi.

"Akala ko ba maglalakad ka na lang kasi may paa ka?" tanong niya.

"H-hindi na! Napagod na ako, bigla!"

"Ang gulo mo rin, 'no? Halika na nga. Dito ka sa unahan."

Nagmamadali na sumakay ako sa unahan niya. Medyo nakahinga ako nang maluwag nang mag-umpisa na siyang magpedal. Hindi na ako maaabutan ng hudas na si Rupert. Isa pa, matatakot iyon dahil may kasama ako.

Habang nagpepedal si Marco ay bigla siyang yumuko para bumwelo. Siyempre, nabibigtan siya dahil dalawa na kaming nakasakay. Hindi ko maiwasan ang hindi kiligin dahil nararamdaman ko ang mainit niyang hininga sa may batok ko. May kiliti pa naman ako sa parteng iyon ng aking katawan. Hihi...

TO BE CONTINUED...

BROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon