CHAPTER 01- Bro

57.5K 981 116
                                    

CHAPTER 01- Bro

FRANCIS' POV

"BRO..."

"Hmm?"

"Bro!"

"Hmm?!"

Napailing na lang ako habang nakatingin sa bro ko na si Raphael. Magkatabi kaming nakaupo sa ibabaw ng sea wall habang nakaharap sa dagat. Ugali na naming tumambay dito tuwing ala-sais ng hapon dahil iyon na ang nakasanayan namin.

BRO. Tawagan na namin iyan simula nang matuto yata kaming magsalita. Hehe... Pero hindi kami magkapatid, ha. Mag-bestfriend lang talaga kaming dalawa.

Grabe naman itong bro ko. Hindi ko maistorbo sa pagce-cellphone. Tsk!

Parang gusto ko na tuloy agawin ang cellphone niya at itapon iyon sa dagat. Pero joke lang iyon. Baka bugbugin ako niyan kapag ginawa ko iyon. Yari ako. Mas malaki pa naman ang katawan niya kesa sa akin. Mahal na mahal kasi niya ang cellphone niya dahil nabili niya iyon gamit ang dugo't pawis niya. Nagtatrabaho kasi si Francis sa isang factory ng corn chips at dahil sa pagsisipag niya ay nakabili siya ng disenteng cellphone.

Sa aming dalawa ni Raphael, masasabi ko na mas nakakaangat ako sa kanya sa buhay. Pero kahit gano'n ay hindi iyon naging hadlang para maging matalik kaming magkaibigan. Ang pamilya kasi namin ay nagmamay-ari ng bakery at grocery store dito sa lugar namin sa probinsiya ng Quezon. Nagtatrabaho ang tatay niya sa bakery namin bilang panadero. Doon naging magkaibigan ang mga parents namin na nagtuloy sa amin-naging mag-bestfriends din kami.

Inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya sabay sigaw. "Bro!"

"Bro, ano ba?!" aniya habang masamang nakatingin sa akin. Kinakalikot ng hintuturo niya ang kanyang tenga.

Tawa naman ako nang tawa sa reaksiyon niya. Para siyang batang inagawan ng laruan.

"Nakakainis ka kasi, bro. Kanina pa kita kinakausap pero hindi mo ako pinapansin dahil sa cellphone mo," sabi ko.

"Nakikinig kaya ako..." Balik na naman siya sa ginagawa niya.

"O, sige nga. Kung nakikinig ka, ano 'yong sinasabi ko kanina?"

Hindi na naman niya ako pinansin. Titig na titig na naman siya sa cellphone niya.

"Hoy!" sabay batok ko sa kanya.

"Aray ko, bro! Masakit iyon, ah!"

"Talagang masasaktan ka. Naglolokohan na tayo, eh. Nakatambay tayo dito, magkasama pero parang ako lang mag-isa. 'Yong totoo, bro? Ano bang ginagawa mo sa cellphone mo? Nagda-download ka ng scandal, 'no?" Tumawa na naman ako.

"Loko ka, bro! Hindi ko ugali iyon. Ikaw pa, baka."

"Eh, ano ba kasing ginagawa no sa cellphone mo? Mas importante pa ba iyan kesa sa akin? Nasasaktan na ako, bro..." Umakting pa ako na akala mo ay nasasaktan talaga.

Tawa naman nang tawa si Raphael. Inakbayan niya ako at kinabig. "Ikaw talaga, bro. Tampuhin! Alam mo naman kung gaano ka kahalaga sa akin, 'di ba? Kaya nga bro kita, eh. Sorry naman kasi tinitingnan ko lang itong profile ni Jade sa Facebook."

Napakunot ako ng noo. "Jade?"

"Makakalimutin ka na. Hindi ba ikaw pa nga ang nagbigay sa akin ng Facebook ni Jade. Ang sabi mo maganda, baka type ko."

Tama naman si Raphael. Last week lang ay ibinigay ko sa kanya ang Facebook ni Jade. Sabi ko i-add niya at kung gusto niya ay ligawan pa. Mahilig kasi sa maganda si Raphael.

"'Sus! Pinagpapalit mo na ako sa Jade na iyan. Hindi mo pa nga nakikita, e."

"Ikaw talaga, bro. Kaya nga tinitingnan ko ang pictures niya. Ang ganda niya! Parang nai-inlove na nga ako sa kanya, e."

BROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon