CHAPTER 28- The Continuation Of Their Story

13.3K 507 80
                                    

CHAPTER 28- The Continuation Of Their Story

TAMA nga ang sabi nila... Habang nandiyan pa sa tabi mo ang mahal mo ay ipakita at iparamdam mo kung gaano mo siya kamahal, kung gaano siya kahalaga sa'yo. Maaring isang araw kasi ay mawala ka, mawala siya... Baka pagsisihan mo ang lahat.

"Bro, 'wag kang bibitaw! Bro, 'wag mo akong iiwanan! Bro-"

"Sir, hanggang dito na lang po kayo." Pigil sa akin ng babaeng nurse nang akmang sasama sana ako sa loob ng operating room kung saan dinala si Raphael.

"Gawin niyo po ang lahat para mailigtas ang boy-" saglit akong natigilan. "Ang k-kaibigan ko po."

"Sige po," at iniwan na ako ng nurse.

Luhaan at wala sa sarili na napaupo na lang ako sa isang sulok. Iyak ako nang iyak. Hindi makapaniwala sa nangyari. Parang gusto kong puntahan si Raphael ngayon at sabihin sa kanya na pinapatawad ko na siya kaya gumising na siya. Isinubsob ko ang mukha ko sa dalawang kamay ko at doon lumuha.

Lord, 'wag Niyo pong kukunin si Raphael, please... Nagmamakaawa po ako. 'Wag Niyo pong kukunin ang bro ko...

-----***-----

"BRO, alam mo ba kahapon ay pumunta kami ni Sunshine doon sa tamabayan natin. Nilalagyan na pala ng ilaw ng poste doon sa sea wall kaya kahit gabi na ay makakatambay na tayo doon!" sabi ko kay Raphael habang nakahiga siya sa hospital bed niya at wala siyang malay. Maraming tubo na nakakabit sa katawan niya. Humihinga siya, tumitibok ang puso pero tila patay na. Comatose. Iyon ang sinabi ng doktor sa amin. In coma daw si bro.

Isang buwan na siyang nasa ganitong kondisyon. Nakakaawa siya lalo na at parang ang mga tubo at aparato na nakakabit sa kanya ang tanging bumubuhay sa kanya.

Sa nangyari sa kanya, wala akong ibang sinisisi kundi ang sarili ko. Wala namang iba kundi ako lang. Kung pinakinggan ko lang sana ang paliwanag niya. Kung hindi lang sana ako tumakbo palayo. Ngayon, lahat ng hinanakit sa puso ko ay naglaho na. Mas gugustuhin ko na gumising na siya kesa magalit sa kanya o sa kung sino man.

Umupo ako upuan sa tabi niya at pinagmasdan siya. Ang payat na niya, sobra. May maliliit na ring buhok na tumutubo sa ulo niya. Kinalbo kasi siya no'ng inoperahan siya dahil halos mabiyak ang ulo niya dahil sa aksidenteng nangyari. May bakas pa nga ng pagkakatahi sa ulo niya. Pero kahit ganoon ang hitsura niya, para sa akin ay napaka gwapo pa rin niya... ng bro ko.

Hinawakan ko ang kamay niya at hinaplos iyon. Umaasa na sana ay gumalaw man lang siya para malaman ko na nararamdaman niya ako.

"Bro, 'wag mo akong iiwanan, ha? Ako ang unang mamamatay sa ating dalawa at hindi ikaw. Huwag kang madaya..." sabi ko habang pinipigilan ang pagtulo ng luha ko.

-----***-----

SIMULA nang ma-confine si Raphael sa ospital ay halos doon na umikot ang mundo ko. Bukod kasi sa magulang niya ay ako ang madalas na magbantay sa kanya. Nakasuporta naman sa akin sina Mama at Papa. Sa kanila ko rin nalaman na kaya sila pumayag sa relasyon namin ni Raphael ay sinabi sa kanila nito na pagpapanggap lang ang lahat para maging masaya lang ako. Nang malaman ko iyon ay hindi na ako nakaramdam ng kahit na anong galit. Mas iniisip ko kasi na maligtas si Raphael.

Ugali ko na rin ang tumambay sa roof top ng ospital. Naka-close ko na kasi iyong janitor kaya nakakapunta ako doon. Binigyan pa nga niya ako ng susi sa pinto doon.

Papunta na sana ako roof top gamit ang hagdan nang matigilan ako. Paano ay may nakita akong lalaki na naka-wheelchair at nakatingin sa hagdan na papunta sa roof top. Nang lapitan ko siya ay doon ko nakita na wala pala siyang mga paa. Putol iyon hanggang binti niya. Medyo naawa naman ako sa kanya dahil sa pagkakatingin niya sa hagdan ay parang gusto niyang umakyat doon.

"Excuse me po. Gusto niyo po bang pumunta sa roof top?" magalang kong tanong dahil nakita ko na mas matanda siya sa akin. Marahil ay kaedad siya ni Tito Enrico. Gwapo rin siya. Maputi at may balbas at bigote.

Ngumiti siya sa akin. "Gusto ko sana kaya lang hindi ko kaya," bahagya pa siyang tumawa.

"Kung gusto niyo po, sa elevator tayo dumaan. Tulungan ko kayo."

"Ang bait mo naman. Sige..."

At ganoon na nga ang nangyari, ako ang nagtulak sa kanya papunta sa elevator.

"Alam mo kasi, matagal ko nang gustong sumagap ng sariwang hangin. Ilang araw na kasi akong naka-confine dito sa ospital. Na-dengue kasi ako. Pwede na naman sana akong lumabas kaya lang hindi ko pa maasikaso 'yong bills. Ako na lang kasi ang mag-isa sa buhay," sabi niya habang nasa elevator kami. Kahit medyo tumatawa siya sa pagitan ng pagsasalita niya ay nararamdaman ko pa rin nag kalungkutan niya.

"Ako naman po ay may binabantayan na kaibigan..." sagot ko. Nasa roof top na kami.

Ipinwesto ko siya malapit sa gilid. Hindi naman siya mahuhulog doon dahil mataas ang railings sa gilid.

Kapwa kami natahimik at ninamnam ang kagandahan at katahimikan ng paligid. Ang tahimik dito kaya gusto ko palaging pumunta dito. Malayo sa ingay sa loob ng ospital. Dito ay mas nakakapag-isip ako at kahit papaano ay nakakaramdam ng kapayapaan.

Maya maya ay biglang nagsalita 'yong kasama kong lalaki. "Hindi mo ba itatanong sa akin kung bakit putol ang binti ko?" aniya.

Siguro ay sinabi niya iyon para may mapag-usapan kaming dalawa.

"Kung okay lang po sana sa inyo..."

Ngumiti muna siya bago sumagot. "Naaksidente kasi ako noong binatilyo pa ako. Maraming taon na rin ang nakakaraan. Nagtanan kasi kami ng kasintahan ko, naaksidente 'yong bus na sinakyan namin. At 'eto... ito ang nangyari sa akin. Naputulan ng binti at paa..."

"Ang lungkot naman po pala. E, nasa'n na po 'yong kasintahan niyo? Siguro, asawa niyo na siya ngayon."

"Hindi... Ang akala niya kasi ay patay na ako. Alam mo kasi, hindi naman kami ganoon kayaman. Tutol kasi ang magulang niya sa relasyon namin. Sobrang laki ng babayaran namin noon sa ospital kaya ginamit iyon ng magulang ng kasintahan ko para paglayuin kami. Binayaran kami ng malaking halaga para lumayo at pinalabas nila na patay na ako. Alam kasi nila na mahal na mahal ako ng anak nila kaya kapag nalaman nitong buhay ako ay hahanapin ako no'n."

Hindi ko alam pero parang pamilyar sa akin ang kwento ng lalaking ito. Parang narinig ko na sa kung saan. Baka isa sa mga books na nabasa ko noon sa library ni Tito Enrico. Wait... Tama! Naaalala ko na. Parang katulad no'ng kwento ni Tito Enrico. Doon nga lang sa part ng aksidente.

Muling nagsalita iyong lalaki. "Kung alam lang sana ni Enrico... buhay pa ako..." aniya sabay tawa ng pagak.

Bigla akong natigilan sa pangalang binanggit ng lalaki. Nanlalaki ang mga mata na napatingin ako sa kanya. "E-enrico?" Hindi makapaniwalang bulalas ko.

"Nagulat ka? Naiintindihan kita... Oo, lalaki ang naging kasintahan ko noon at hanggang ngayon ay siya pa rin ang narito sa puso ko..." Itinuro pa niya ang kaliwang dibdib niya at doon ay nakita ko sa pulso niya ang tattoo na meron din si Tito Enrico.

"I-ikaw po si Sebastian?"

Nagtataka na napatingin siya sa akin. "Ha? Paano mo nalaman ang pangalan ko?"

"P-pamangkin po ako ni Enrico..." namamamnghang sagot ko.

TO BE CONTINUED...

BROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon