CHAPTER 12- Mahal

6.7K 245 30
                                    

CHAPTER 12- Mahal

“AYOKO nang magkwento pa, Marco, ng tungkol doon dahil masakit lang sa loob ko. Gusto ko lang talagang hanapin ang taong pumatay sa kanya upang gumanti.” Hindi ko napigilan ang pagbakas ng galit sa mukha ko na alam kong nakikita ni Marco ng sandaling iyon.

“Sorry, Jak. Hindi ko alam. Pero hindi pa rin kita tuturuan na gumamit ng baril. Bata ka pa. Kung gusto mo ay ako na lang ang gagawa niyon para sa’yo.”

“Marco…”

“Seryoso ako. Hindi ako makakapayag na gamitin mo ang mga kamay mo para pumatay ng ibang tao. Hayaan mo, kapag nahanap natin ang taong sinasabi mo, akong bahala.”

“Marco, hindi mo naman kailangang gawin iyon. Saka, bakit ganito na lang ang malasakit mo sa akin? Bago pa lang naman tayo na magkakilala, ah.”

Tinitigan ako ni Marco sa mata na parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa titig niyang iyon. Iba talaga ang epekto niya sa akin. “Jak… mahal kita! Mahal na mahal!” aniya.

-----***-----

KRIIINNNGGG!!!

Agad akong napabalikwas ng bangon dahil sa malakas na alarm ng phone ko. Pikit pa ang isang mata na kinapa ko ang side table para kunin ang phone at patayin ang alarm. Nang mawala na ang nagwawalang alarm ay doon ko lang napansin na nag-iisa na ako sa kwarto ko. Wala na si Marco.

Oo nga pala. Panaginip lang ba no’ng sinabi niyang mahal niya ako?

Ah, panaginip lang iyon. Imposibleng sabihan niya ako ng ganoon dahil hindi naman siya bisexual o gay. Hindi siya nagkakagusto sa lalaki. Sa sobrang pagkagusto ko siguro sa kanya ay nag-iilusyon na rin ako.

Bumaba na ako sa kama ko at lumabas ng kwarto. Wala si Mama Chang kaya ako lang ang mag-aasikaso sa sarili ko. Kaya ko namang gawin iyon. Marunong naman akong magluto ng almusal kahit papaano. Tinuruan kasi ako ni Mama Chang para kapag sa sitwasyong katulad nito na wala siya ay makakakain ako nang hindi na bumibili sa labas. Maganda na rin na marunong akong magluto para may chance na maipagluto ko si Marco minsan. Magpapakitang-gilas ako sa kanya. Hihi!

Papalapit na ako sa kusina at parang may naaamoy akong mabango. Amoy nilulutong tuyo.

Hindi kaya…

Napahinto ako sa bungad ng pintong papasok sa kusina. Paano ba naman ay naroon si Marco at nagluluto. Wala siyang pang-itaas na suot kaya naman kitang-kita ang maganda niyang likod. Nakatalikod kasi siya sa akin. Isang kulay red na basketball shorts lang ang suot niya. May mumunting pawis na siya sa batok at likod pero parang ang bango niya pa rin na tingnan.

Hindi pa rin ako makapagsalita hanggang sa matapos na siyang magluto, humarap na sa akin at nag-smile pa nang makita ako. Shemay! Nakita ko na naman ang katawan niya. Nanginig bigla ang tuhod ko at tila naging jelly ace iyon. Napahawak tuloy ako sa hamba ng pinto dahil parang matutumba ako ng sandaling iyon.

Inilapag niya ang pinggan kung saan niya inilagay ang tuyo at saka ako nilapitan. May itlog, sinangag, hiniwa-hiwang cheese at pandesal sa lamesa. “Gising ka na pala. Kakain ka ba muna o maliligo muna?” tanong niya sa akin.

“Ah, eh… L-liligo muna ako. Excuse me.”

Nagmamadali na bumalik ako sa kwarto ko at kumuha ng tuwalya at damit. Diyos ko! Nanginginig na nga po ang kamay kosa sobrang tense. Nakita ko na naman kasi ang yummy na katawan ni Marco tapos may pawis-pawis pa! Haaay… Nakakapanghina talaga! Tama naman na maligo na muna ako at baka sakaling maka-get over na ako sa panginginig kong ito dahil sa kanya.

-----***-----

PAGKATAPOS kong maligo at magbihis muna ng pambahay ay dumiretso na ako sa dining area ng bahay. Pambahay muna talaga ang suot ko dahil baka matapunan ng kape o pagkain ang uniform ko. Naroon pa rin si Marco at nang makita niya akong paparating ay ipinagtimpla niya agad ako ng kape. Grabe naman… Feeling prinsesa este prinsepe ako sa pagsisilbing ginawa niya.

“Pasensiya ka na nga pala. Pinakailaman ko na iyong mga pagkain niyo dito. Gusto kasi kitang ipagluto,” aniya.

Umupo na ako. “Wala iyon. Salamat nga pala, Marco. Mukhang masarap lahat, ah!” puri ko.

“Masarap talaga lahat iyan dahil may kasamang pagmamahal!”

“Ha?”

Tama ba ang dinig ko? May pagmamahal daw?

“Ang sabi ko, may kasamang pagmamahal!” Ngingiti-ngiting turan niya.

Ah, siguro ay joke lang niya iyon. Ang seryoso ko naman masyado.

“Okay. Kumain ka na rin para sabay na tayo.”

“Sige. Kain na tayo, mahal…”

Nabitawan ko bigla ang hawak kong tinidor at lumaglag iyon sa sahig dahil sa sinabi niya. Okay. Alam ko, this time ay hindi na ako nabibingi. Tinawag niya akong “mahal”. Sigurado ako.

Naiiling na pinulot ni Marco ang tinidor sa sahig at inilagay iyon sa lababo. Kumuha siya ng panibago at ibinigay sa akin. “Para ka namang bata, mahal. Pati ba naman tinidor ay binibitawan mo. Pero sana,ako, 'wag mong bitawan…”

Nagtataka na napasunod ako ng tingin sa kanya hanggang sa umupo siya sa upuan na nasa kanan ko. Napatingin din siya sa akin at kumunot ang noo niya nang mapansin niyang para akong natuka ng ahas sa hitsura ko.

“O, bakit ganiyan ang mukha mo, mahal?”

“T-tinawag mo akong… m-mahal?”

“Oo. Ayaw mo ba? Ano bang gusto mo? Babe? Love? Honey? Beh?”

“Teka, teka, teka! Naguguluhan ako. Ano bang pinagsasabi mo, Marco? Hindi kita maintindihan.”

“Wala ka bang naaalala kagabi?”

“Anong nangyari ba kagabi?”

“Nagtapat ako sa’yo. Sinabi kong mahal kita at sa sobrang saya mo siguro ay nawalan ka ng malay. At may kasalanan ka pa sa akin.” Nanlaki ang mga mata ko nang makipag-eye to eye contact siya sa akin. Sa paraan ng pagkakatitig niya ay para na niya akong hinuhuburan.

So, hindi panaginip ang mga nangyari kagabi!

“A-anong kasalanan?”

“Nanghimatay ka. Hindi mo nasagot kung mahal mo rin ba ako? At huwag mo nang itanggi, ramdam kita, Jak. Alam kong bisexual ka din na katulad ko.”

Mas lalong nanlaki ang mata ko. “Bisexual ka?” Iyong gulat ko ay may kasamang saya. Siyempre, bisexual pala si Marco, so, may pag-asa. Isang malaking pag-asa dahil katulad ko rin pala siya.

“Oo. Ngayon, Jak. Sagutin mo ako. Mahal mo rin ba ako?”

Teka. Nape-pressure ako. Aamin na ba ako sa kanya o magpapakipot muna ako?

TO BE CONTINUED…

BROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon