CHAPTER 24- Lock The Door

16.5K 504 37
                                    

CHAPTER 24- Lock The Door

PARA akong binuhusan nang malamig na tubig nang makita ko na paiyak na si Raphael. Hindi ko kayang makita siya na ganoon lalo na at ako ang may kagagawan. Masyado naman yata akong naging OA sa reaksyon ko nang malaman ko na naiwala niya ang singsing na iyon. Pakiramdam ko tuloy ay napakasama kong tao para paiyakin siya.

Nilapitan ko si Raphael at mabilis na hinawakan siya sa kamay. "'W-wag ka ngang umiyak diyan. Para ka namang bakla, e!" saway ko sa kanya.

"E, 'di ba, bakla naman talaga tayo?" tila isang tulak na lang at lalaglag na ang luha niya.

Medyo natawa ako sa sinabi niya. Tama nga naman siya, bakla nga pala kaming dalawa. Hehe!

"Oo na. Huwag kang umiyak dito. Ang daming tao. Baka isipin nila ay kung inaano kita."

"Ikaw kasi, bro. Hindi ko kasi kaya na nagagalit ka sa akin ng gan'yan, e!" aniya sabay pahid ng namamasang mata.

"Okay, sorry na. Alam mo naman kung gaano ka-importante sa akin 'yong singsing na iyon."

"Alam ko din naman, bro. Kaya nga hahanapin ko mamaya. Sorry talaga. Saka sana, 'wag ka naman agad magagalit sa ganitong bagay. Kung tutuusin ay maliit na bagay lang ito kung ikukumpara sa mga pagdadaanan pa natin sa mga susunod na araw..."

Hmm... may point siya. Pero ayokong magdrama kami dito sa gitna ng kalsada at medyo nakakahiya. Inakbayan ko na siya at sinabi na ipagpatuloy na lang ang pag-gala namin. Pero hindi ko pa man naihahakbang ang aking paa nang tila isang mabilis na bala ng baril na tumama sa ulo ko ang matinding sikat ng araw. Kanina pa pala kami nakabilad sa kainitan. Nakaramdam ako ng pagkahilo at unti-unting nanlabo ang paningin ko.

Napahawak ako sa braso ni Raphael nang medyo gumewang ako sa pagkakatayo.

"Bro? Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Raphael.

Hindi ko na nasagot ang tanong niya dahil nawalan na ako ng malay-tao.

-----***-----

"ALAM mo naman na bawal na bawal kay Francis ang naiinitan, Raphael! Kapag may nangyaring hindi maganda sa anak ko, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa'yo!" Ang galit na galit na boses ni Mama ang agad na narinig ko nang magkaroon ako ng malay sa ospital.

"Pasensiya na po..." Iniikot ko ang paningin ko at nakita ko si Raphael na pinapagalitan ni Mama.

Kahit medyo masakit pa ang ulo ay bumangon ako. "'Ma, 'wag niyo naman pon pagalitan si Raphael. Hindi naman niya gusto ang nangyari, e..." sabi ko.

Nang makita ni Mama na gising na ako ay nagmamadali na nilapitan niya ako at hinaplos sa likod. "Mabuti naman at gising ka na. Kumusta ka na? May masakit ba sa'yo?" nag-aalala niyang tanong sa akin.

"Okay na po ako," sabi ko sabay tingin kay Raphael. "Mabuti na lang po at kasama ko si Raphael nang mahimatay ako. Kung hindi ay baka walang sumalo sa akin..."

Napangiti siya sa sinabi ko. Alam niya kasi na ipinagtatanggol ko siya kay Mama.

NOVEMBER 01, 2000

Walang pasok ngayon dahil Araw Ng Mga Patay. Nasa sementeryo kami ni Thea at dinalaw namin ang mga patay sa aming pamilya. Medyo maaga pa kaya hindi muna kami umuwi ni Thea. Tumambay muna kami at nag-food trip. Marami kasing nagtitinda ng kung anu-anong pagkain sa may labas ng sementeryo. Bigla naming napag-usapan 'yong tungkol sa amin ni Sebastian. Naging tapat ako kay Thea at sinabi ko sa kanya ang pamba-blackmail na ginagawa ni Maricar. Doon ay pinayuhan ako ni Thea na dapat sabihin ko kay Sebastian na kinausap ako ni Maricar. Kung mahal daw talaga ako nito ay hindi ito mahihiya na malaman sa school ang pagmamahalan naming dalawa...

Sana nga ay ganoon kadali ang lahat. Sa akin naman ay walang problema kung malaman ng lahat. Si Sebastian lang talaga ang problema. Naiintindihan ko naman siya dahil sikat siya sa school, ayaw niyang masira ang pangalan niya.

Nagulat ako nang biglang sumampa sa kama ko si Raphael. dahil doon ay naudlot ang pagbabasa ko. Seryosong-seryoso kasi ako sa pagbabasa kaya hindi ko na namalayan na pumasok siya sa aking silid. Naiinis na hinampas ko siya ng diary sa braso. "Anong ginagawa mo dito? Nakakagulat ka naman, e!" natatawang saad ko.

"E, paanong hindi ka magugulat? Masyado kang tutok diyan sa binabasa mo. Ano ba 'yan?" Akmang kukunin niya ang diary pero iniiwas ko iyon sa kanya.

"Wala..." inilapag ko ang diary sa side table. "Isang book lang."

"Wow! Ngayon lang kita nakitang nagbabasa ng aklat, ah."

"No'ng nasa Laguna kasi ako, wala akong magawa kaya nagtiyaga ako sa mga books ni Tito Enrico doon. Hanggang sa na-enjoy ko na siya. Maganda rin palang magbasa kasi para ka na ring nakakapunta sa iba't ibang lugar ng wala kang ginagastos..."

"Aba nga naman! Maganda iyan, bro, kesa kung anu-ano ang ginagawa mo. Teka nga, ano bang book iyon at napansin ko na parang seryosong-seryoso ka sa pagbabasa?"

Napakamot ako sa pisngi ko. "Sasabihin ko na nga. Actually, hindi siya book. Diary siya ni Tito Enrico noong high school siya. Kung okay lang sa'yo, ikukwento ko sayo 'yong part na nabasa ko na."

"Hoy, masama iyan! Nagbabasa ka ng diary ng iba!"

"Gago! Pumayag naman si tito. Ikukwento ko ba o 'wag na?"

"Sige, sige na. Ikwento mo na, bro."

At ikinwento ko na nga sa kanya lahat ng nabasa ko sa diary.

Matapos kong magkwento ay napailing siya. "Grabe pala ang nangyari sa tito mo, ano? Pero, nakaka-excite kung ano ang sunod na mangyayari," ani Raphael.

"Kaya nga, e. Hayaan mo, kapag nagbasa ulit ako, magkukwento ulit ako sa'yo. Minsan nga, naiisip ko na mag-diary din. Para isusulat ko 'yong mga ginagawa natin, 'yong mga nangyayari sa atin, bro. Para balang-araw, kapag matanda na tayong dalawa ay babasahin natin at babalikan natin lahat ng pinagdaanan natin."

Hinila ni Raphael ang binti ko upang iunat iyon. Humiga siya sa legs ko habang nakalagay ang dalawang kamay niya sa dibdib niya. "Bro, hindi na natin kailangan ng diary. Lahat ng memories natin ay nai-store sa mga puso natin. Ang papel kasi, pwedeng masunog o mawala pero 'yong puso natin... habnagbuhay 'yan."

Kinilig ako sa sinabi niya pero hindi ko pinahalata. Pinitik ko na lang siya sa ilong. "Ang corny mo, bro!" sabi ko.

"Corny pero kinilig ka!"

"Ewan ko sa'yo! Umalis ka na nga!"

Mabilis na tumayo si Raphael at saka tumitig sa mata ko. "Anong sabi mo?"

"Ang sabi ko... umalis ka na."

"Talaga? Gusto mo akong umalis?"

"Oo," sagot ko na sinamahan ko pa ng pagtango.

Nanatili siyang nakatitig sa akin at lumaban naman ako ng titigan.

"Okay. Aalis na ako!" aniya at bumaba na siya ng kama.

Siyempre, joke ko lang naman 'yong pinapaalis ko siya. "Bro, joke lang!" Mabilis kong inabot ang kanyang kamay at hinila pabalik. Pero sa paghila ko na iyon ay bigla siyang pumihit paharap sa akin at natumba ako sa kama kasama siya. Dumagan siya sa ibabaw ko at aksidenteng dumampi ang labi niya sa labi.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nangyari. Hindi pa rin niya inaalis ang pagkaka-kiss namin.

Para kaming pusa na binuhusan ng tubig na naghiwalay nang biglang may umubo sa kung saan. Pagtingin namin sa pintuan ay naroon pala si Papa. Pulang-pula ang mukha naming dalawa ni Raphael sa sobrang pagkapahiya.

"Anong ginagawa niyo?" seryosong tanong ni Papa.

"Ah, Papa, kung ano man po ang iniisip niyo ay-"

"Sa susunod, magsasara kayo ng pinto," ani Papa at saka siya umalis.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Raphael sa sinabi ni Papa sabay tawa.

"O, isara na natin ang pinto," pilyong sabi ni Rapahel na sinamahan pa niya ng kindat.

"Gago!" sabay kuha ko ng unan at hinampas siya sa mukha.

TO BE CONTINUED...

BROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon