CHAPTER 08- Inuman Session

20.4K 563 42
                                    

CHAPTER 08- Inuman Session

SABI nga nila, habang 'andiyan pa ang taong mahal mo ay iparamdam mo sa kanya kung gaano mo siya kamahal. Hindi kasi natin alam kung kailan mawawala ang isang tao sa mundo. Maaaring iyong kausap mo lang kanina, mamaya ay patay na. Pero, paano kung ako ang mawawala? Paano ko ipaparamdam sa taong mahal ko na mahal ko siya? Paano ko sasabihin sa kanya ang nararamdaman ko habang hindi pa huli ang lahat?

"Hoy, birthday ko na bukas. Punta kayong dalawa sa bahay, ha!" ani Sunshine habang naglalakad na kaming tatlo pauwi.

"Advance happy birthday, Sunshine!" bati ni Raphael dito.

"Buti ka pa, binati mo na agad ako. Itong kaibigan mo, hindi pa."

"Bukas pa naman ang birthday mo, ah. Bukas na lang. May handa ba kayo?" Minsan naman ay nakkabiruan ko din si Sunshine. Pero madalas ay nakakairita kapagipinapakita niya sa akin ang pagkagusto niya sa akin.

"Wala naman masyado. Dinner lang naman iyon tapos kayong dalawa lang ang in-invite ko."

"Sige, pupunta kami ni bro. Asahan mo kami!" wika ni Raphael.

-----***-----

AYOKONG tanungin ang Diyos kung bakit niya ako binigyan ng ganitong sakit. Naniniwala kasi ako na lahat ng nangyayari sa buhay natin ay may dahilan. Hindi aksidente ang lahat. Lahat ay naka-plano na ni Lord God.

"Francis, dalhin mo itong spaghetti kina Sunshine." Narinig kong sigaw ni Mama sa akin mula sa kusina habang inaayos ko ang buhok ko sa harapan ng salamin.

"Sige po, pakilagay na lang sa container," pasigaw na sagot ko para marinig niya.

Papunta na kasi ako sa bahay ni Sunshine dahil birthday niya. Pero dadaan muna ako sa bahay ni Raphael para sabay na kaming pumunta doon.

After kong mag-ayos ay kinuha ko na iyong spaghetti. Dumaan na rin ako sa bahay nina Raphael at sakto naman na tapos na rin siyang mag-ayos. Nagtaka ako kung bakit may dala siyang payong at binuksan niya iyon nang nasa labas na ako.

Bigla akong natawa. "Bro, bakit may payong? Hindi naman naulan."

"Baka kasi maarawan ka, bro. Hindi ba, bawal kang maarawan. Mamaya, lumabas na naman mga rashes mo sa mukha."

"Gago ka talaga, bro! Walang araw ngayon kasi gabi!"

"Merong araw kahit gabi, bro. Hindi nga lang natin siya nakikita pero meron..."

Ah, sabagay. Tama nga naman siya.

Bigla akong napaisip sa sinabi niya about sa araw.

"Parang ako pala ang araw, bro..." turan ko.

"Bakit naman?"

"Eh, kasi hindi man natin nakikita ang araw sa gabi pero alam pa rin natin na nandiyan siya. Parang kapag nawala na ako, kahit hindi mo na ako nakikita, basta tandaan mo na nandito lang ako palagi, bro..."

Narinig ko ang pagsinghot ni Raphael. "Taena ka, bro! Pinapaiyak mo naman ako, e!" reklamo niya sabay kusot ng mga mata.

"Babaw mo talaga, bro!" sabay batok ko sa kanya.

-----***-----

MAKALIPAS lang ang ilang minutong paglalakad ay narating na namin ang bahay nina Sunshine. Ready na ang dinner at naroon na rin nag buong family niya. Kaming dalawa na lang talaga ang hinihintay.

"Happy birthday, Sunshine! Para sa'yo..." sabi ko sabay abot ng spaghetti.

"Wow! Thank you, Francis! Nag-abala ka pa talaga para sa akin." Obvious ang kilig sa boses niya.

BROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon