CHAPTER 03- Oh, Tukso! Layuan Mo Ako

24.8K 722 108
                                    

CHAPTER 03- Oh, Tukso! Layuan Mo Ako

"OKAY lang ako, 'ma. Nahilo lang siguro ako dahil sa init ng panahon ngayon. Ayokong magpadala pa sa hospital. Please..."

"Pero, Francis, hindi mo ba alam ang nangyari kanina? Nanlabo ang paningin mo! Dadalhin ka namin ng Papa mo sa hospital. Kung hindi tonight, bukas ng umaga."

Maya maya ay biglang may nagdoor bell sa may gate namin. Sunud-sunod. Parang gigibain na ang door bell, eh. Ako na ang tumayo at lumabas para buksan iyon. Medyo nagulat pa ako nang mapagbuksan ko si Raphael.

Bigla niya akong sinugod ng yakap. Mahigpit.

"Bro!" sabay subsob niya sa balikat ko. Umiiyak ba siya?

"Bro?" Tinapik ko siya sa balikat bilang sign na lubayan niya muna ako sa pagyakap niya.

Mahigpit niya akong hinawakan sa balikat. Umiiyak nga ang loko! Tulo pa ang uhog kaya todo-singhot. Ano bang nangyayari dito? Natatawa ako sa hitsura niya. Haha!

"Nakikita mo pa ba ako, bro? Bulag ka na ba?" Itinaas niya ang daliri niya. "Ilan ito, bro? Bakit hindi mo agad masagot? Bulag ka na nga, bro! Brooo!!!"

Yumakap ulit siya. "Ido-donate ko sa'yo isa kong mata, bro, 'wag kang mag-alala. Para tig-isa pa rin tayo ng mata! Makikita pa rin natin ang isa't isa tapos-"

Tumigil lang siya sa paghihisterikal niya nang batukan ko siya. "Gago! Ano bang sinasabi mong bulag?" Natatawang wika ko.

"Ha? 'Di ba, bulag ka na? Tumawag si Mama mo, ang sabi niya ay nanlabo ang paningin mo..."

Tumawa ulit ako. Mas malakas. Natatawa kasi ako sa mukha niya. Ang OA ng luha niya. Parang namatayan.

"OA mo, bro! Hindi ako nabulag. Nahilo lang ako tapos nanlabo ang paningin ko. Pagod lang siguro. Nakakatawa ka, ha. Mukha kang timang. Hindi mo muna inalam ang totoong nangyari at sumugod ka agad dito."

Pinahid na niya ang luha sa mukha niya. Para siyang bata. "Eh, kasi naman nag-alala lang ako sa'yo. Akala ko talaga nabulag ka... At dahil pinag-alala mo ako, may kasalanan ka sa akin. Kailangan mong bumawi, bro!"

Pwede bang ikaw na lang ang bumawi, bro? Pwede bang mahalin mo na rin ako? Bulong ko sa utak ko.

"Aba... At ako pa ang may kasalanan?"

"Oo, ikaw. Ikaw ang akala ko'y nabulag, eh."

"So, pa'no ako babawi? Aber." Humalukipkip ako.

"Dito ako tutulog sa inyo. Tabi tayo-"

"Ay! Ayoko! Malikot ka matulog, bro! Naninipa ka. Tapos baka pag-gising ko puro na ako pasa!" Kunwari ay ayaw ko pero ang totoo ay kinikilig ako sa sinabi niya na magkatabi kaming matutulog.

Well, madalas naman na magkatabi kaming natutulog kapag naisipan namin. Minsan sa kanila, minsan naman ay dito sa amin.

"Ang arte mo, bro! Tumabi ka nga!"

Pabiro niya akong tinabig at dire-diretsong pumasok sa loob ng bahay namin.

"Bro!" sigaw ko sa kanya at sinundan ko siya sa loob.

"O, Raphael, 'andito ka pala..." Nakita na siya ni Mama.

"Good evening po, tita. Dito po ako tutulog."

"Sige, walang problema. Iwanan ko na kayo ni Francis at matutulog na rin ako."

"Okay po, tita. Salamat!"

Aba nga naman at at home na at home itong si Raphael.

"Gago ka talaga, bro! Imbes na masarap tulog ko ngayong gabi, gagambalain mo ako!" naiiling kong turan pagkalapit ko sa kanya.

Lumapit siya sa akin at tinitigan ako sa mukha. "Bakit, bro? Ayaw mo ba akong makatabi?" Parang nagtatampo ang boses niya at iyong mukha niya naman ay parang nakakaawa.

Biglang naging abnormal ang tibok ng puso ko dahil doon. "S-siyempre, g-gusto k-ko..." At nagkanda-utal na nga ako sa pagsagot.

Umiwas agad ako ng tingin dahil baka hindi ako makapagpigil at mahalikan ko pa siya. Grabe! Ang gwapo talaga ng bro kong ito. Nakakakilig ang pucha!

Ngumiti siya at lumabas ang mapuputi at pantay niyang ngipin. "Iyon naman pala, eh! Tara na sa kwarto mo. Inaantok na ako, bro!"

"'Wag ka ngang maingay, baka magising sina Mama at Papa."

"Sorry naman."

Nauna na siyang pumunta sa kwarto ko.

Nag-ipon muna ako ng lakas bago ako sumunod. Bakit ba ako nagkakaganito? hindi naman ito ang unang beses na magtatabi kami sa pagtulog, ah. Para kasing... may naiisip akong gawin. Parang may gusto akong mangyari ngayong gabi.

Pagpasok ko ay naabutan ko si Raphael na hinuhubad ang kanyang shirt. Isinunod niya ang kanyang shorts at tanging boxers short lang ang itinira. Humiga agad siya sa kama ko nang nakatihaya.

Napalunok ako nang makita ko ang katawan niya. Hindi naman siya payat, hindi rin masasabing macho. May muscle pero hindi ganoon ka-toned. Sakto lang kumbaga. Pero ang isa sa maganda sa katawan ni Rapahel ay makinis iyon.

Ipinilig ko ang ulo ko. Hindi pwede ang iniisip ko. Magkaibigan kami.

Kalma, Francis... Kalma. Relax...

"Gustong-gusto ko talagang matulog dito sa kama mo, bro. Malambot!"

"At iyon lang pala ang reason kung bakit mo gustong matulog dito, ha. Gago ka talaga!"

"Siyempre, hindi lang iyon. Gusto ko rin na katabi ka..."

Namula ang mukha ko. Hindi ako nakasagot.

Tinapik niya ang espasyo sa kaliwa niya. "Dito ka na, bro. Tabi ka sa akin."

"Sandali lang. CR lang ako."

Pumasok ako sa sarili kong CR na kanugnog lang ng kwarto ko. Binuksan ko ang gripo sa sink at naghilamos. At humarap sa salamin.

Hindi pwede ang gusto mong mangyari, Francis. Pigilan mo ang kalibugan mo, okay? Pangngumbinsi ko sa sarili ko.

Nakakainis naman kasi itong si Raphael, may pahubad-hubad pang nalalaman. Kasalanan niya ito. Kasalanan niya! Masyado siyang kaakit-akit.

Naputol ang muni-muni ko nang biglang bumukas ang pintuan. Nagulat pa ako nang biglang pumasok si Rapahel.

"Sorry, bro! Naiihi ako!" aniya.

"Ano ba naman-"

Natigilan ako nang bigla niyang ilabas ang kanyang pagkalalaki at umihi sa toilet bowl. Nakaharap pa talaga siya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko pero agad kong iniiwas ang tingin ko doon. Pero, huli na. Nakita ko na. Pucha! First time. First time kong makita ang ano ng bro ko. Medyo... argh!

Hinagilap ko ang toothbrush at toothpaste. Nagtoothbrush na lang ako at doon ko ibinaling ang aking atensiyon. Nang marinig ko ang pag-flush ay saka lang ako nakahinga ng maluwag. Lumabas na si Raphael. Nagmumog agad ako at naghilamos ulit.

Hindi maalis sa utak ko iyong nakita ko. Ganoon pala hitsura ng ano ni bro...

Hehe!

Tama na nga. Masyado nang mahalay ang iniisip ko.

Lumabas na ako ng CR.

Kailangan kong igalang ang pagkakaibigan namin ni Raphael. Hindi ko siya pwedeng-

Pucha! Ano naman itong si Raphael? Tulog na agad tapos nakatihaya pa kaya nakabuyangyang ang katawan iya. Kitang-kita ko ang bukol sa pagitan ng hita niya.

Paano ko naman igagalang ang pagkakaibigan namin kung ganito ang makikita ko?

Napalunok ako.

Nakita ko na iyon kanina...

Ano naman kaya ang pakiramdam kung... mahahawakan ko iyon?

Oh, tukso! Layuan mo ako!

TO BE CONTINUED...

BROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon