Kabanata Tatlumpu't Siyam

20.9K 170 1
                                    

Chapter 39

“Wag ka nang magalit princess. Makakasama sa baby mo ang pagiging stressful mo. Relax and enjoy your vacation.”

 

“Enjoy?! Paano ako makakapag-enjoy kung mapanirang tanawin na kaagad ang sumasalubong sakin, oniichan? Tell me!”

 

Kausap ko ngayon sa phone si Kuya Rulf. Wala kasi akong mapaglabasan ng sama ng loob kaya tinawagan ko siya kahit alam kong bukas na ang operation niya. Oo, magpapaopera na si kuya bukas para humaba pa ang buhay niya.

Mahal niya daw kasi si Eun-hye at ayaw niyang iwanan ito kung kelan sila na. Nasa Japan silang dalawa ngayon. Full support naman si Eun-hye sa kanya. I hope na sa kasalan na rin sila mauwi. Masaya ako para kay kuya dahil nakakita na rin siya ng babaeng mamahalin niya habang buhay. Ayoko namang tumandang binata ang kapatid ko no! Isa pa, may mga anak na ako samantalang siya, wala pa. Kawawang kuya naman pag nagkataon diba?

Back to the topic. Super BV ako sa loob ng 3 tatlong araw dahil hindi ko naman masolo ang asawa ko! Sa gabi lang ata kami nagtatabi eh! Paano ba naman, ang walang hiyang hipon na yun, grabe kung makalingkis sa asawa ko! Akala mo siya ang asawa sa asta! Leche! Magsama silang dalawa!

“Haha. Chill ka lang princess. Enjoy the view. Basta wag kang magsusuot ng two piece bikini.”

 

Napataas ng bahagya ang kilay ko sa huling sinabi ni kuya.

“At bakit naman?”

 

“HAHAHAHAHAHAHAH! Ang sagwa kasi eh! Magmumukha ka lang butete! Hahahahahahahahahaha!”

 

Pakshet! Kuya ko ba talaga yan?

“Sige lang, tawa lang. May araw ka rin sakin. Pagkauwing pagkauwi mo, sisiguraduhin kong mabubugbog sarado ka sakin!” banta ko sa kanya.

 

“Hahaha. Kaw talaga sis. Wag kang ganyan. Malulungkot ang honey ko.”

 

“Leche. Goodbye na nga lang! Wala ka ring kwentang kausap!”

 

Hindi ko na siya hinayaang makapagsalita pa, in-end ko na kaagad ang tawag.

Kumuha ako ng isang two piece bikini na dala ko at sinukat yun. Sinipat-sipat ko pa ang sarili ko sa full length mirror.

“Masagwa nga.” I admit.

Oo nga, mukha nga akong butete. Malaki ang puson ko.  Marami na ang nakakapansin sa tiyan ko pero mismong asawa ko, hindi pa rin nakakahalata. Ubod naman kasi ng tanga yun eh.

Ewan ko nga ba kung bakit mahal na mahal ko yung kumag na yun. Ganun nga siguro talaga. Kahit gaano pa kapangit ang ugali ng mahal mo, tatanggapin mo pa rin siya ng buong-buo.

I'm His Wife [COMPLETED]Where stories live. Discover now