Kabanata Labing Apat

15.9K 195 14
                                    

Hello po! Pa epal saglit xD

Pabasa naman po ng new story ko  kapag hindi kayo busy. One shot lang po siya. I hope magustuhan niyo rin. Kung ayaw niyo, ok lang din . Di ko po kayo pipilitin :)

Pambawi na siguro tong update? Sensya na po, hindi talaga ako matakaw sa space kaya ganito. 


Chapter 14

“Wala ka bang balak umuwi kay Nathan?” tanong sakin ng lola ko.

Seriously, hindi ko alam. Wala pa akong lakas ng loob para makipagkita sa kanya. Wala pa ko sa tamang huwisyo. Baka kapag umuwi ako sa kanya eh magwala lang ako. I hate him sagad sa buto. Pero I think mahal ko na siya. Ilang buwan pa lang kaming nagsasama bilang mag-asawa pero minahal ko na siya. No, let me rephrase it. Matagal ko na siyang minahal. Pinigilan ko lang dati dahil we’re best friends. Hindi ko kayang ipagpalit ang friendship namin over relationship nung time na yun. I admit, minahal ko siya dati. Sino ba namang hindi magkakagusto sa kanya hindi ba? He’s perfect, almost perfect rather. Who would have thought na magiging mag-asawa kami hindi ba? Sino ba namang tanga ang mag-iisip na maaaring mainlab sakin ang isang NATHAN CHOI? Wala naman hindi ba? No, meron pala. Ako yun. Tanga ako kasi inisip ko na mahal niya talaga ako. Na natutunan niya kong mahalin more than friends. Akala ko…. He’s the one. I guess I’m wrong. He’s perfect but he’s not my prince.

Handa na sana akong kalimutan yung ginawa niya last time pero I’ve changed my mind. Hindi ko dapat siya patawarin. Kailangan ko na talagang makausap ang parents niya para humingi ng divorce. Wag na muna siguro. After one month na lang I think. Pag sigurado na ako na kamumuhian ko na talaga siya. Yung tipong hihilingin ko na sana hindi ko na lang siya naging bestfriend.

I frowned. “Wala na kong balak ‘Nay.” Sagot ko sa kanya. Buo na talaga ang pasya ko.

“Lasing siya nung time na yun, apo. Hindi naman siguro niya sinasadya.”

“HINDI SINASADYA?!!! NAY, WALANG NALALASING NA HINDI NAAALALA ANG PINAGGAGAGAWA NIYA! KUNG TALAGANG HINDI NIYA SINASADYA, EH DI SANA NANDITO SIYA NGAYON AT HUMIHINGI NG SORRY! WAG NIYO NGA KAMPIHAN YUNG WALANGHIYANG YUN! DI NA KO BABALIK SA KANYA KAHIT KAILAN!!!!” umiiyak na ko sa galit. Hindi ko gustong sigawan ang lola ko pero nadala lang ako ng galit ko kay Nathan. Galit na galit ako sa kanya. GALIT NA GALIT!

Ngumiti na lang si nanay sakin at hinaplos haplos ang buhok ko. “Kung yan na talaga ang pasya mo hindi na ako makikialam. Alam kong galit na galit ka sa kanya, apo pero wag mong hayaang lamunin ka ng galit mo na iyan.” Nanahimik na lang ako at hindi na umimik pa. pagkatapos ng mga nangyari, babalik pa ba ko sa kanya?! Hindi ako tanga para gawin yun.

“Ate, may naghahanap sayo sa labas.” Tawag sakin ng pinsan ko.

Napalingon naman ako sa kanya at napakunot ang noo. “Sino raw?” tanong ko at nagkibit-balikat lang siya.

“Di naman sinabi pangalan eh. Labasin mo na lang.”

Hindi kilala ng pinsan ko kaya malamang na hindi si Nathan yun. Mabuti naman.

I'm His Wife [COMPLETED]Where stories live. Discover now