Kabanata Labing Lima

15.2K 182 30
                                    


Pasensya na po sa update kung maikli.Kakagaling ko lang kasi sa alay lakad so, I'm tired. Pagtiyagaan niyo na lang po xD. Bawi na lang ako next update. 


Chapter 15

Months have passed. No sign of her. Walang nakakaalam kung nasaan siya. Walang gustong magsabi kung saan siya nagpunta. Walang gustong tumulong sakin sa paghahanap sa kanya. Lahat sila galit sakin. Oo, maski ako galit ako sa sarili ko. Pero hindi naman dapat nila ako tratuhing parang criminal. Oo, alam kong mali ako. Hindi ako basta dapat nagsasabi ng mga masasakit na salita kapag galit ako. Pero masisisi niyo ba ko?! Mahal na mahal ko si Sai. Sobra. Kulang ang salitang sobra para masukat ang pagmamahal ko sa kanya. Buong buhay ko, sa kanya lang umikot. Sa kanya lang, wala ng iba.

Hindi ko naman ginustong maghiwalay kami. Humingi siya ng divorce sa parents ko. Yeah, hindi niya diniretso sakin. Wala akong balak na ibigay sa kanya yun. Never. Hinding hindi niya makukuha yon hanggat nabubuhay ako. Sabihin niyo nang selfish ako. Nagmamahal lang ako. Hindi ko kayang mawala sa buhay ko si Sai. Kaya anong nangyari? Hindi na siya nagpakita pa. Minsan na rin niya kong tinawagan para humingi ng divorce pero madiin kong sinabi na WALA AKONG BALAK MAKIPAGHIWALAY SAYO. Nagmakaawa na rin ako sa kanya na bumalik na siya pero wala pa rin… Ayaw niya. Galit siya. Galit na galit. Ganoon ba ko kasama? Parang hindi naman sapat na dahilan ang ginawa ko para tuluyan na siyang makipaghiwalay.

Ilang beses na rin akong nagpabalik balik sa bahay nila pero parati lang akong pinagtatabuyan ng pamilya niya. Nagpatulong na rin ako kay Papa pero wala pa rin. Ayaw nila magsalita. Ayaw nila akong makita. Ni ayaw nila akong makausap man lang.

I’m starting to think na may iba pa talagang dahilan. Pilit ko mang alamin kung ano yun, wala pa rin akong makausap na matino. Walang gustong magsalita. Nabalitaan ko na nag drop siya sa school niya. Maging ang mga kaibigan niya ayaw din akong kausapin. Pag tinatanong ko sila, umiiwas lang sila at dumating pa ang time na nasuntok ako ni Joe at Ethan. Hinding hindi raw nila ako mapapatawad. Ako naman ang naguluhan. Bakit ganoon?

Kahit na ganoon pa ang nangyari, umaasa pa rin ako na babalik si Sai.

Ang bilis talaga ng panahon.. Sobrang bilis…

****

“Sige na dude, sumama ka na. Alam mo namang maraming chicka babes ang naghahanap sayo ‘di ba? Hahanapin ka ng mga yun panigurado.”

Umiling lang ako at ipinagpatuloy ang pag-inom ng alak. Kanina pa ako kinukulit ng barkada ko na sumama sa kanila sa party bukas ng gabi. At kanina pa ko naiinis dahil hindi pa rin nila ako tinatantanan hanggang ngayon. Nakakainis na kasi. Ang ayoko pa naman sa lahat ay yung paulit-ulit. Ano ba sa salitang AYOKO ang hindi nila maintindihan.

“Wag ka namang ganyan, Nathan! Minsan na nga lang kami mag-aya sayo hindi mo pa kami mapagbigyan. Sige na, pumayag ka na kasi.”

 

“Alam mo bang nagmumukha kang tanga sa kakapilit sakin, Ed?” sabi ko sa kanya. Napangiwi naman siya sa sinabi ko.

“Grabe ka naman dude! Wag ganyan. Repapiz tayo eh” sabat naman ni Jolo.

I'm His Wife [COMPLETED]Where stories live. Discover now