Kabanata Tatlumpu't Dalawa

10.6K 101 4
                                    

Pasensya na kung ang pangit ng pagkakaupdate dito kanina. I mean yung sa font and  style. Technical issues lang. Sorry talaga. Anyway, eto na po talaga. ayos na to. Mianhae ulit >.<

Chapter 32

“ISA! DALAWA!TATLO! HINDI MO PA RIN BA IBIBIGAY YAN, NATHAN CHOI!!!!!!” umaalingawngaw kong sigaw. Malamang na rinig na rinig ng mga kapitbahay namin ang pagkalakas-lakas kong boses.

Nakakabwisit lang kasi tong fiancée ko kuno. Pumasok ba naman sa kwarto ko at nakialam sa cabinet.

Hulaan niyo kung ano ang napagdiskitahan?

“Ayoko nga! Habulin mo muna ako!” sigaw din niya sabay belat sa akin. Tignan mo talaga tong taong to. Napakapilyo! Kung kailan tumanda saka naging pasaway!

Hindi ko nga siya hinabol. Ano ako, tanga? Pag hinabol ko yan, tatakbo lang yan. Anong sense ng paghabol ko kung hindi ko rin naman siya aabutan sa sobrang likot niya? Parang kitikiti.

“Hoy!” tawag niya sa akin habang iwinawagayway pa ang BRA ko. Oo, bra ko lang naman ang napagdiskitahan niya. NAPAKA Hmm talaga.

Sumimangot lang ako sa kanya at hindi siya pinansin. Nanood na lang ako ng TV instead na patulan pa ang kaechosan niya.

Naghahanap ako ng matinong channel nang maramdaman kong tumabi siya sa akin sa sahig. Nakaupo kasi ako sa sahig habang naghahanap ng matinong mapapanood.

After some minutes, naramdaman kong pinopoke niya ang braso ko. Still, deadma pa rin ako sa presence niya. Bahala siya sa buhay niya.

“Uy, Sai… Pansinin mo naman ako.”

Ugh. Sai, pigilan mo. Pigilan mo, please.

“HOLY SHIT!!!!” maya-maya’y sigaw ko nang mapunta ako sa Korean channel kung saan si Jaejoong ang nasa scene.

Napamura tuloy ako nang di oras nang saktong saktong paglipat ko ng channel eh naghubad siya ng t-shirt!

SHET! ANG PANGA KO, NALAGLAG ATA! PAKIPULOT NGA!

“SHIT KA JAEJOONG! BAKIT ANG HOT MO! ANG SARAP MONG ULAMIN SHET!!!!”

 

“Payat nga eh.”

 

Napalingon naman ako sa nagsabi nun. Bakit ba nakalimutan kong may asungot nga pala dito?

Binalik ko na lang ulit ang tingin ko sa tv. At itinaas ang kanang kamay ko na parang inaabot si Jaejoong sa loob ng tv.

Weird right? Wala akong paki. Haha

“I’ll do everything just to make you mine!!!! Kyaaa! Kahit one night lang please!!!!!” wala sa sarili kong sabi.

I'm His Wife [COMPLETED]Where stories live. Discover now